ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

15 6 4
                                    

𝟿: ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴏʀᴍᴀʟ

ɴᴀɢɪsɪɴɢ si Alec sa pagpapawis ng kanyang katawan at sa kanyang pagbangon wala siyang katabi, dahil madilim pa ang kapaligiran inabot niya sa kanyang kaliwang bahagi si Zariel, ngunit wala ito sa kanyang tabi. Babalik sana siya sa pagkakatulog nang nakarinig siya ng nag-uusap sa labasan.

Dahan-dahang bumangon si Alec at naglakad patungo sa pintuang nakasarado pero nasa tagiliran lamang siya nito.


"What? Ang tanga mo Dad!"

"Atleast her tiya is fine na at ilang araw na lang ang kailangan niya para maibalik ang kanyang lakas."

"Kung kailan na close na kami ni Alec kahit kaunti tapos sasabihin mo--"

"I know anak, I'm sorry. I'm sorry for being stupid, kaya kung ano ang inyong relasyon ni Alec ay wakasan mo na."

"Bullshit! Ganoon na ba kadali ang relasyon ha, Dad?"

"I'm sorry anak,"

"You're fucking stupid Dad! Mahal ko si Alec!"


"What? Impaktong 'to...Zariel!" hiyaw ni Alec at kinapitan ang doorknob at saka binuksan ang pintuan.


ᴘᴀɢᴅɪʟᴀᴛ ng mga mata ni Alec nakahiga pa siya sa kama at napatingin sa kanyang kaliwang bahagi na nagbibihis na si Zariel.


"How dare you!" hiyaw ni Alec kay Zariel na ikinatingin nito sa kanya.

"Dare? Aba, may isang oras ka pa para maligo't-magbihis, kaya hindi pa kita ginigising. May lakad ka ba ha?" tanong ni Zariel sa kanya.


Umalis sa kama si Alec habang nakakunot ang noo niya. Tumigil muna siya at hinarap ang stepbrother.


"So, ibigsabihin ng pangyayari kaninang umaga, back to normal na tayong dalawa ha, Pres?" tanong ni Alec.

"Ano'ng 'back to normal' ang pinagsasasabi mo ha, Alec?" kunot-noo na tanong ni Zariel sa kanya.

"Mama-angmaangan ka pa Pres, dinig na dinig ko kayong nag-uusap ng tatay mo," tugon ni Alec.

"Nag-uusap kami? Eh, tu-tulog ako Alec, paanong nangyari ang sinasabi mo?"

"Tama ang tatay mo, kung ano ang ating naging relasyon kalimutan mo na!" hiyaw ni Alec at saka lumabas ng kwarto.

"Teka!"


Napakamot ng ulo si Zariel at ini-isip niya kung siya'y nakipag-usap talaga sa ama o hindi.


"Ang gulo," sambit ni Zariel.


ɴᴀᴜɴᴀɴɢ umalis si Zariel. Paglabas ni Alec sa banyo at nakatapis siya ng tuwalya sa ibabang bahagi... 


"Bakit ang sakit sa dibdib?"


Matapos magbihis ni Alec nakita niya sa ibabaw ng lamesa, ang Dalawang Libong Piso na mayroong maliit na papel, nakasulat doon...

Allowance mo hanggang susunod na taon


"Gago!" sambit ni Alec.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now