sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

50 4 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟽: ᴋᴀsɪɴᴛᴀʜᴀɴ ᴀɴɢ ʜᴀʀɪ

ᴅᴀʟᴀᴡᴀɴɢ taon ang lumipas, hindi nabago ang kaklase ni Aeji dahil kasama pa rin niya si Rik, nakapagparami siya ng puntos sa kard na itim. May ilang nabago nang kausapin niya si Kenji ukol sa huling nagawa sa kanya noong siya'y labing anim na taong gulang pa lang. Ang malimit kasama ni Aeji ay si Rik pero minsan napapasama sa kanila ang kasintahan nitong si Jeo.


"Enero na naman kakatamad!" Maktol ni Rik.

"Wow! Kailan ka pa nagkaroon ng ganiyang sakit ha?" tanong ni Jeo na natigil magsulat.

"Ngayon lang kasi bise naman ako this time," tugon ni Rik sa kasintahan.

"Sino'ng presidente?" tanong muli ni Jeo.

"Babaeng kakayugin." Hiyaw sa inis na tugon ni Rik na napatawa saglit si Jeo.


"Paano mo nasabi na ganoon nga siya?" tanong ni Jeo, at pumalumbaba na.

"Walang ginawa kung hindi kakontakan iyong nobyo niyang bano!" Galit na tugon ni Rik sa kasintahan.

"Pagdating ng Pebrero, Valentines Night na naman kakasawa," maktol muli ni Rik.

Kinapitan muna ni Jeo ang kaliwang kamay ni Rik, "Gusto mo sa bahay ko tayo magdiwang noon?" sabay kindat sa kasintahan nang tumingin si Rik sa kanya.

"Gago! Hindi pwede kita mong may attendance iyon nakalimutan mo na ba?"

"Hinde ah!" tugon ni Jeo na napatingin sa harapan, "Aah! Kay aga – aga ang bespren ko may manliligaw na!"

"Tanga ka lalake bespren mo," pagtatama ni Rik kay Jeo.

"Oh, 'dba? Hindi siya nanliligaw?" tanong ni Jeo na nakatingin pa rin sa matalik na kaibigan.

Lumingon si Rik sa likuran niya tapos tumingin sa katabi ng kasintahan na kaklase niya, "Hindi ka ba nagseselos iyong stepbrother mo nililigawan?" tanong ni Rik kay Aeji.


Hindi tumugon si Aeji bagkus abala siya sa kanyang kuwaderno.


"Hay naku alam naman nila na ayaw niya sa babae 'dba?" tanong ni Jeo.

"Ilan hinde," sagot ni Rik, "Ikaw ba alam mo Aeji ang sakit ni Kenji?" tanong ni Rik na pilit niyang ginugulo ang kaklase.

"Lagi kong naririnig 'yan pero walang nagsasabi sa akin kahit siya," tugon ni Aeji pero nakapokus pa rin sa kanyang kuwaderno.

"Sakit niya ay pumapatay siya ng babae, kaya malimit lumalayo sila kay King," paliwanag ni Rik para kay Aeji.


Nakita na lamang nila na tatlong pagsuntok ni Kenji sa sikmura ng babae, at saka niya tinuhuran sa mukha na itinulak na ikinabagsak nito sa lupa. Medyo nagutla ang babae na gumagapang papalayo muli kay Kenji, ngunit nahablot ni Kenji ang maiksing buhok nito saka niya kinaladkad sa ibang direksyon na walang ginawa ang babae kung hindi maglikot.


"Mukhang may lalamayan muli," wika na lang ni Jeo.

"Hmm, feel ko papasadahan niya iyon," sambit na lang ni Aeji na hindi na nakatingin at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"As if mangyari iyon!" singit agad ni Rik.

Tumingin si Aeji sa kaklase, "Paano mo nasabi?"

"Kita mong ayaw niya sa babae tapos papasadahan? Ewan ko lang," tugon ni Jeo.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now