ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

22 6 7
                                    

𝟹: ʙʀɪᴇғ ᴛʜɪᴇғ

ᴀʀᴀᴡ ng Huwebes sabay sina Zariel at Alec na pumasok, hindi sila nakamotor o sasakyan as in naglalakad lang silang magkapatid. Medyo makulimlim ang kalangitan at halos kakaunti ang mga nasa labas na naglalakad katulad nila.


"Pambihira hindi man lamang tayo magmomotor Pres?" iritang tanong ni Alec.

"Hindi at tigilan mong magreklamo malapit na tayo sa akademya." Utos ni Zariel.

"Mauna ka na at susunod na lang ako!" utos ni Alec na ikinatigil ni Zariel at nilingunan niya ang kanyang stepsibling.

"At bakit? Hindi ka papasok?" iritang tanong na ni Zariel.

"Gago! May tracker nga ako 'dba?" tanong ni Alec habang iginagalaw niya ang bracelet sa kanyang pupulsuhan, "Ayakong kasabay ang presidente ng student council," tugon niya sa tanong ni Zariel.

"Ano naman kung kasabay mo?" tanong ni Zariel.

"Basta ayako, alis na, at mauna ka na!" utos ni Alec sa kapatid na umiling lang si Zariel at naglakad muli.

"Papasok ka Alec!" utos nito.

"Oo gago!" tugon ni Alec kay Zariel na bago siya maglakad muli ilang hakbang ang kanilang pagitan at saka naglakad muli si Alec.


ɴᴀ unang pumasok si Zariel kaysa kay Alec na dumiretso na siya sa opisina muna ng student councils. Si Alec naman natigil sa tapatan ng kanilang klasrum at dahil wala ang guro ay napabugtong-hininga siya, sabay labas sa kuwarto nila si Erwin ang isa sa kaklase niya.


"Morning Alec!" bati nito.

"Sadista talaga siya! Na saan ang allowance ko?" iritang tanong ni Alec habang kausap ang sarili.

"Sino'ng sadista?" tanong ni Erwin na napatingin si Alec sa kanya.

"Erwin! Wala akong baon!" sabay yakap niya sa kaklase niya.

"Para kang bata Alec," sambit ni Erwin na tinatapik niya ang likuran ng kaklase, "Pau-utangin na lang kita." sambit ni Erwin.

"Salamat Erwin!" malakas na sambit ni Alec.


Nasa kanang bahagi nila nakatayo si Zariel. Mayroon pang lumabas na kaklase sina Alec at napansin si Zariel, napadilat ang mga mata niyang hinarap si Erwin at mukhang ginaya ang kaklase. Nang gumagalaw ang mata ng kaklase patungo sa gawi ni Zariel, nakuha ni Erwin ang gustong sabihin ng kaklase at saka nagpaalam kay Alec.


"Saan pa kayo pupunta?" tanong ni Alec.

"Maglulugaw!" hiyaw na tugon ni Erwin at nagmamadali kasama ang kaklase nilang lalaki rin.


Tinawagan ni Zariel si Alec at agad naman na sinagot ito ng binatilyo.


"Lumingon ka sa likuran mo Alec, ngayon na." Utos ni Zariel.


Pagkalingon ni Alec ay nagutla siya sa nakita, binaba na niya ang tawag mula kay Zariel at lumapit na rito.


"Brutal ka," sambit ni Alec kay Zariel.

"Nalimutan ko lang," wika ni Zariel at saka inabot sa kanya ang isang daang piso.

Pagkatanggap ni Alec ng pera at saka siya tumingin kay Zariel, "May tanong ako Pres," panimula ni Alec.

"Ano?" seryosong tono ni Zariel.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now