ᴡɪᴛʜɪɴ ᴜs

43 5 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷: ʜɪs sᴄᴀɴᴅᴀʟ

ᴇʟɪᴀɴ's ᴘᴏᴠ

Akala ko kapag naging kayo ng mahal mo magwawakas na ang mga kalungkutang naranasan mo sa buhay, at siya na ang mag-aalis ng lahat ng takot saka ng lungkot sa puso mo. Inayos ko ang kurbata ni Liam, dahil ayon sa kanya may meeting muna sila sa kumpanya saka siya magpapalit doon sa agency.


"Aalis na ako Zai, huwag kang papapasok ha?"

"Oo ingat ka," saad ko na ngumiti siya sa akin.


Pagka-alis niya'y inimis ko na ang pinaghigaan saka ako nagtungo sa kusina. Nagluto ako ng makakain bago ako umalis, ayakong manatili sa bahay habang buhay kaya susubok akong maghanap ng trabaho dahil wala naman sinasabi si Liam na bawal ako. Matapos kong kumain naligo muna ako saka nagbihis ng mahabang manggasan na panglamig, at panjamang kulay grey.

Balak ko sanang magrubber shoes kaso kumpanya ang pupuntahan ko kaya sandals na lang pero nakamedyas para less informal. Ikinandado ko ang maliit naming apartment ni Liam, nai-pundar niya agad ang isang apartment matapos ko siyang sagutin sa pangliligaw niya.

Naglakad ako sa kumpanya dahilan sa walang iniwang pera si Liam, at mahahalataan niya akong gagastos kung tatawag ako tapos hihingi.


Matayog ang kumpanya aabot malamang ng bente pataas. Pumasok ako sa loob na punung-puno ng aplikanteng kagaya ko ang naroroon. Mayroong mga nakashort lang saka tsinelas na agad pina-alis ng isang lalaki na nakasuot ng katulad ko pero kulay itim ang kanya, habang nakamaong siya na itim din.


"Lahat ng aplikante sumunod sa akin." Utos niya na sumunod na rin ako.


Nakarating kami sa dulo ng gusali. Binilang ko kaya alam ko benteng palapag nga ang buong kumpanya, pina-upo muna kami sa mga nakahanay na upuan sa pasilyo matapos naming lumabas mula sa elevator.

Kinuha ng lalaki ang mga resume namin, at ang akin ay nasa isang long folder.


Teka, may...may nalimutan yata ako...nalimutan kong uminom ng gamot! Naman, bakit iyon pa ang nalimutan ko?


"Iyong mga sekretarya ang gustong makuha magtungo kayo sa dulo ng pasilyong ito." Utos niya na tinatawag ang ngalan ng mga balak magsekretarya sa kumpanya.

Tumingin sa amin ang lalaki, "Iyong mga aplikante na hindi sekretarya ang balak eh, sumunod muli sa akin!" Utos niya muli na tumindig ako.


Nakakainis sana hindi na ako matanggap para maka-uwi na ako ka-agad!


Nalimutan kong bilangin kung na saan akong palapag. Mayroong karpet ang buong sahig ng palapag na ito habang ang dingding ay kulay puti lang na walang kahit anong disenyo, habang maliwanag ang buong paligid dahilan sa malalaking bintana na kasing laki ng tao na nasa kaliwang bahagi ko. Kitang-kita ko ang likuran ng kumpanya, at ito ang palayan na sa dulo'y karagatan.

Natigil kami muli sa pasilyong may mga upuan na medyo malapit sa isang pintuan na kinatatayuan ng lalaki. Inihiwalay niya muna ang ibang papel, at folder saka siya tumingin muli sa aming gawi.


"Sino rito ang beta?" tanong niya.


Nagtaasan ng kamay ang walong aplikante na mayroong dumating na isang mataas, at malaki ang pangangatawan na lalaki; halata siyang alpha dahilan sa nakakatakot na awra niya.

Sin Stories | OldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon