ʜᴀᴠᴇɴ ᴏғ ʟᴏᴠᴇ

31 4 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟺

Nakarating sina Jaeji sa isang simpleng maliit na mansyon pero maluwag ang kalupaan, halos ang ilang manggagawa roon ay may mga ginagawa. Walang piring ang mga mata ni Jaeji nang bumaba na sila sa lugar, sinalubong sila ni Sarah ang ina ng walong anak na lalaki.

"Hi! Welcome sa aming munting kabahayan!" Ngiting bati nito kay Jaeji.

"U-ukol s-sa..." utal na paalala ni Jaeji.

Umiling ang matandang babae na nakasuot pa ng apron habang mayroon itong bahid na nagluto siya.

"Ay nako! Huwag muna iyan halika't pumasok ka muna sa loob." Yakag nito na sumunod lang si Jaeji sa kanya.

Pagkapasok nila sa loob ng kabahayan kinamayan si Jaeji ni Diego ang asawa ni Sarah na tinapik pa siya sa kanang balikat't likuran habang nakangiti rin.

"Make yourself at home iho," saad niya kay Jaeji.

"Salamat ho," tugon na lang ng binatilyo saka siya sumabay sa dalawang mag-asawa sa loob.

Sa pasilyo ang tatlong matatanda habang may karga-karga ang isang lalaking nakahubad ang pang-itaas na isang batang nasa edad tatlong taon. Napatingin si Jaeji sa likuran ng lalaki halos may mga marka ito pero hindi ng kuko ng isang babae, dahilan sa iba'y mahahaba na parang isang sundalo na napasabak sa giyera.

"Ah! May bisita pala?" napatanong ni Mayette.

"Welcome Ja--" agad tinakpan ni Mayette ang bibig ng asawang si Clinton.

"Ah! Naka-isang buwan na pala?" singit na tanong ni Gerald saka kinamayan si Jaeji, "Ako nga pala si Gerald ang panganay sa walong magkakapatid." Pakilala niya kay Jaeji.

"Jaeji Wonwoo,"

"Si Mama Sarah ang mag-e-explain ukol sa option na pinili mo," saad niya saka tinapik ang kanang balikat ni Jaeji saka umalis.

Naupo muna sa sofa si Jaeji habang sina Clinton ay kinamatayan din si Jaeji pero ang nakahubad na kalong-kalong ang bata'y pumasok na muna sa banyo, saka naligo. Inabutan na rin si Jaeji ng katulong ng isang orange juice, dahilan sa ilang niya'y ipinatong na lamang niya ang inabot na inumin sa lamesita na katapatan ng kanyang inu-upuan.

"So, ang pinili mong option ay," tigil ni Sarah saka naupo sa kaliwang bahagi ni Jaeji, "One tama ba ako?" tanong niya.

"Ganoon na nga," tugon ni Jaeji.

"Ikaw ay magta-trabaho mismo sa bunso kong anak na si Sebastian," saad ni Sarah.

"Parang pamilyar," wika naman ni Jaeji.

"Eh, ang alin?" tanong ni Sarah.

Napangiti saglit si Jaeji saka umiling, "Iyong pangalan ng bunso ninyong anak,"

"So, kakalimutan mo talaga ako ganoon?" tanong na ni Sebastian.

Napatingin si Jaeji sa gawi ng nagsalita, "Seb?"

"Sa tingin mo ha?" iritang tanong ni Sebastian sa kanya.

Napatayo si Jaeji saka nilapitan ang dating kaklase, at doon nakatingin lang si Sarah sa binatilyo habang kinapitan ni Jaeji ang parehang side ng buhok ni Sebastian. Itinaas niya ito saka lang nandilat ang kanyang mga mata.

"Ikaw nga!" napahiyaw ni Jaeji.

"Naipaliwanag na ba ni Mama?" tanong ni Sebastian.

"Magwowork ka sa anak ko bilang bayad mo sa five hundred thousand na hindi mo nabayaran ng isang buwan na isang set ng onyx."Paliwanag ni Sarah.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now