ᴡɪᴛʜɪɴ ᴜs

23 4 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟹: ʙᴀᴄᴋ ᴛᴏ sᴄʜᴏᴏʟ

ɪʟᴀɴɢ minuto ang lumipas nang nagising si Elian na nakita niyang kakasakay lang nina Alden, at Liam sa sasakyan, napatingin siya kay Emile na ngumiti saka sumenyales na huwag maingay. Naka-upo sina Jerry sa likuran na kung saan katabi ni Jason ang iba pang bantay ni Emile na sina Adrian, at Vince.


"Boss?" tawag ni Jerry kay Emile.

"Ano na Jerry? Nakarating na sa akin ang scandal ng mga idol ah, mayroon ka bang gagawin o wala?" tanong ni Emile habang nagmamaneho.


Tahimik ang loob ng sasakyan habang naka-alertong pagbabantay ng tatlong bodyguard ni Emile kina Alden.


"Kani-kanina ko lang nalaman boss," saad ni Jerry na yumuko.

"Wala bang mate iyang si Liam maliban kay Alden?" tanong ni Emile.

"Ako lang ang mate niya!" hiyaw ni Alden.

"Alden!" suway ni Jerry.

"Ah, ganoon ba?" tatango-tango si Emile na napatingin kay Elian na nakayuko lang.


Natahimik muli ang loob ng sasakyan hanggang sa inihatid ni Emile sina Liam, at Alden sa kanilang dormitoryo na para sa mga modelo, at artista na nagta-trabaho sa kumpanya ni Emile.


"Wala ka na sigurong hahabulin Liam kay Elian?" tanong ni Emile na kaka-alis lang ni Liam sa kanyang seat belt na napatingin siya kay Emile.

"Paano mo," tigil ni Liam na nakatingin pa siya kay Emile.

"Dahil kahit maghabol ka pa mapapahiya ka na sa madla, at mawawasak lang ang career mo."

"Paano mo nakilala si Elian?" tanong ni Liam na naunang lumabas si Alden na katabi na si Jerry sa labasan.

Tumingin muna si Emile sa kanya saka, "Sumubok siyang magpa-interview para makahanap ng trabaho sa kumpanya ko. Una, kinuha mo siyang mate, nasa bahay na hindi mo magawang ipalanghap sa kanya ang amoy mo. Ikalawa, pina-iinom mo ng suppressant pills ang isang omega na ikakasama ng katawan niya. Ikatlo, hindi mo pa minamarkahan si Elian. Ika-apat, hindi mo rin tinatalik. At ang huli'y pinatigil mo siyang mag-aral, kaya paano ka makakalaban ng pagbawi mo kay Elian mula sa akin?"


Natahimik lang si Liam.


"Bakit ka gago Liam? Bakit mo ginaganito si Elian? May kasalanan ba ang omegang ito saiyo ha?" tanong pa ni Emile sa kanya.

Umiling lang si Liam, "Kinuha ko lang si Elian kasi nagka-kras ako sa kanya noong una kaso hindi ko siya magawang iwanan dahil sa suwestyon ni Alden, na mas maiging alam ng lahat ang mate ko'y hindi rin sa Kosui Agency nagwowork." Paliwanag ni Liam habang nakayuko.

"So, matagal ninyong ginagago si Jerry pati ako?"

"Hindi ko na kasi nabasa ang kontra--"

"Huwag mo akong gaguhin, at gawing tanga Liam!" hiyaw ni Emile.


Nahalata ni Emile na nagutla si Elian na napayuko ito sa kina-uupuan, kita rin niyang nagsimulang mangatog ang buong katawan ng omega kaya napabugtong-hininga siya saka tumingin kay Liam.


"Lumabas ka Liam ngayon na." Kalmadong utos ni Emile na lumabas din siya.


Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now