ᴡɪᴛʜɪɴ ᴜs

18 4 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟼: ɴᴇᴡ sᴇᴄᴛɪᴏɴ

ᴘᴀɢᴋᴀᴘᴀsᴏᴋ nina Kevin, at Elian sa loob ng klasrum doon nagtahimikan ang mga estudyante sa loob. Pagkarating ni Kevin sa lamesa sa harapan ng kuwarto'y itinuro niya kay Elian ang isang upuang bakante kaso, nanatili na lang ang binatilyo na nakatayo sa tabi.


"Simula ngayon ay adbayser ninyo ako. Ako si Kevin Castañeda. Ang lahat ng tatawagin ko'y mananatili sa loob ng room, ang mga hindi natawag ay magpunta sa covered court."

"Sir?" tawag ng isang estudyante ni Kevin.

"Oh?"

"Paano po iyong group project namin kay Ma'am Ladiana?"

"Ah, ayos na kayo roon. Gagawin kong 90 kayo sa project," tugon ni Kevin na natuwa ang mga kagrupo.

"Mark Gomez, Elian Tanaka, Sebastian Cuevas, Michael Llamas, Ricardo Jimenez, Jonathan Simeon, at Kenji Obiana. Manatili sa room ang mga hindi natawag na lalaki lumabas na!" hiyaw ni Kevin na kanya-kanyang nag-impake ang mga lalaki muna.

"Kakaunti lang?" napatanong ni Elian.

"Kayo-kayo lang nakalagay sa folder ko kaya sinusunod ko lang," tugon ni Kevin kay Elian.


Pagkalabas ng mga hindi natawag ni Kevin na lalaki'y...


"Becky Sullian, Lara Nagato, Veronicka Suarez, Kiela Madrigal, at Enya Tanaka!" hiyaw ni Kevin na ang mga hindi natawag ay kanya-kanya na rin ng pag-aayos ng gamit.

"Pareho kayong Tanaka...magkapatid ba kayo o magpinsan?" tanong ni Kevin kay Enya.

"Hindi ko ho, alam Sir kasi ang kilala kong kuya lang si Kuya Enrico Tanaka eh!"


Timingin si Kevin kay Elian na seryoso lang mukha ng barkada.


"Iisipin ko na lang na hindi ko siya kilala," saad ni Elian.

"Sir! Ako na lang switch kay Enya!" hiyaw ng babaeng estudyante.

"Pangalan?" tanong ni Kevin.

"Mariella dela Rosa ako Sir! Ayakong mawalay kay crush eh!" maktol nito na nagtilian ang mga babaeng hindi pa nakakalabas ng room.

"Sir, si Sebastian ang crush niyan!" hiyaw ng estudyanteng babae na umingay ang buong klase.

"Sige na! Maglabasan na hindi taga rito!" hiyaw pabalik ni Kevin sa ibang estudyante.


Pagkalabas ng mga babae kasama si Enya ay naririnig na rin ng seksyon D ang ilang estudyante na umaalis din mula sa ibang room.


"So, dahil magkakakilala kayo," tigil ni Kevin na tumingin kay Elian saka nagtungo ang barkada sa unahan at yumuko.

"Ako si Elian Tanaka, natigil kaya naabutan ko pa ang kapatid ko sa paaralan. Isang omega, at mayroong mate." Pakilala ni Elian.

"Ano'ng rason bakit ka natigil kuya Eli?" tanong ni Sebastian.

"Uhh, personal," tugon ni Elian.

"Tumayo ang lahat, at alphabetical kayo!" Utos ni Kevin na mismong mga estudyante niya ang nag-ayos sa kanilang mga sarili.


Ang nasa unahan ay si Sebastian kasunod niya ang may crush sa kanyang si Mariella, habang si Elian ang nasa huli dahil Tanaka siya.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now