ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

14 5 2
                                    

𝟷𝟺: ғɪᴇʟᴅ ᴛʀɪᴘ

ɴᴀᴘᴀʙᴀɴɢᴏɴ si Zariel nang naramdaman ng kanyang kanang kamay ang mismong kumot, at walang Alec na katabi. Napabangon siya, at hindi na nagdalawang isip pang siguraduhin ang bawat sulok ng kuwartong pinapasok niya. Natigil lamang siya nang nakita niyang naka-upo sa tapatan ng refrigerator si Alec.


"Alec?" takang tawag ni Zariel sa mate.


Lumingon muna si Alec at saka natigil...


"Morning!" namumul-unang bati ni Alec kay Zariel.

"Sana ginising mo si Manang," suwestyon ni Zariel at lumapit sa kanyang mate.

"Nagugutom na kasi ako," saad ni Alec.

"Hindi naman natin ginawa kagabi ah? Bakit nagugutom ka? Teka, hindi kaya..." tigil ni Zariel na ikinakunot ng noo ni Alec.

"Ano na naman iyan?"

Ngumisi si Zariel, "Hindi kaya buntis ka?" tanong niya.

"At masaya ka niyan?" iritang tanong ni Alec.

"Aba, bakit hindi? Dapat lang ako masaya dahil nabuo na agad ang pagmamahalan natin hm?" tanong ni Zariel.

"Siraulo ka ba? Kita mong lalaki ako. Lalaki!"

"Eh, ano? Alec naman, hindi na uso sa henerasyon natin ang lalaki ay para sa babae only! At isa pa nalilimutan mo yatang may kakaiba kang kaso ha?"

"Kahit na!" bumalik-harap si Alec sa refrigerator, "Hindi ko nalilimutan iyon, tungaw ka!"


Niyakap ni Zariel mula sa likuran si Alec.


"Pangako ko, aalagaan ko kayong dalawa ng anak natin."


ᴘᴜᴍᴀsᴏᴋ ng sabay ang dalawa pero dumiretso na si Zariel mismo sa opisina ng student councils, nakita ni Zariel ang mga kasamahan na akala mong nakakita ng multo.


"Ano?" kunot-noo na tanong ni Zariel.

"Ah! Pres, kakarating lang ang memo mula sa prinsipal," abot ng bagong sekretarya niya ang isang folder.


Nakita ni Zariel na bukas na magaganap ang nasa folder kaya't naupo muna siya sa kanyang upuan, at doon binasa ang nilalaman ng nasa folder. Ilang minuto ang lumipas...


"Ipatawag ang lahat ng guro bilis!" utos ni Zariel sa kanyang kasamahan.


Ang bise-presidente at ilang s.o.a. ang sumama sa bise para ipatawag ang mga guro. Malaki ang paaralan kaya't marami ang sumama sa bise. Kakapasok pa lang ng guro ni Alec nang dumating ang isang guro, at saka sumama na sa gurong mayroong ibinulong.


"Ano kayang mayroon?" takang tanong ng presidente ng klase.


Kinuha ni Alec ang selpon niya, at tinawagan si Zariel. Limang minuto ang pagriring, at saka lang dinampot ang tawag.


"Bakit?" tanong ni Zariel mula sa kabilang linya.

"Ano'ng nangyayari, okay ka lang? Mayroon ba akong maitutulong diyan?" tanong ni Alec.

Sin Stories | OldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon