Chapter 26-I

3 0 0
                                    

Chapter 26-I

          "Magpapasama sana ako sayo..."

"Sure, ikaw pa Madam! Saan tayo? Pero parang gabi na ha?" Tanong sa akin ni Gregory sabay dura ng alak na kakainom niya pa lang. Kadiri, pero napatawa ako ng konti. He'd really do everything to get to my side." Ayaw mo pa matulog o mag-paint-paint na lang?"

Napailing na lang ako sa kulit niya." Pasama kila Ronald."

Napakamot si Gregory sa ulo habang nakangisi lang siya sa akin. Baka alam niya, chismoso naman siya. And I could atleast trust Gregory as we walk in dark street, he's borderline harmless. He's just stupid when he's drunk." Siya ulit? Palagi naman siya pumupunta sainyo diba?"

"Hindi na..."

"Oh? Bakit daw?"

"Basta at wala din siya kahit sa chapel eh." I explained to my driver as he startled leading the way. Hindi na siya pumili ng kung saan pang pasikot-sikot kahit may shortcut naman. Something always goes wrong whenever Ronald doesn't visit that's why I want to see if he's alright." Gusto malaman kung nakauwi na siya, kahit na alam kong hindi naman siya diretso dun...Tapos nakita mo naman siya nung isa.., He's always hurt..."

"Layas na bata eh."

"Gregory... Ikaw baka napagpagsasabihan ka naman ni Ronald?"

Parang naalimpungatan si Gregory, his forehead scrunched."Huh? Hindi po, Madam. Wala naman yun kinakausap kahit nung bagong lipat niya. Palagi lang yun mag-isa, trabaho-bahay.Tas dun sa sabi mo, sa chapel.Nung nagkakilala kayo saka ko nga lang narinig yun magsalita!"

"Impossible naman...Wala talaga? Kahit kaedad niya?"

"Sa ganun nga. Nung isa nga lang siya nagkabisita..."

Napatigil ako, I stop looking at the houses." Bisita?"

"Sandali! Retreat, retreat. Quiet ka lang muna, wrong timing tayo eh. Bukas mo na lang puntahan yung bata." Liliko na sana ako nang biglang tumigil si Gregory sa harap ko. He covered my mouth and pulled me away me with him. Madilim na sa parte kung saan kami huminto dahil parang walang tao ang halos lahat ng bahay. "Siguradong masyado pa yang bwisit pa yan makipagusap."

"Gregory!!! Malapit na ba tayo?"

"Dito na, kaso... Uwi muna po tayo."

"Bakit ba? Gusto ko makausap si Ronald na ngayon."Hahakbang sana ako, pero hinihila ulit ako ng kasama ko. I sighed, I tried to be more careful this time. Ronald might just be few steps away. Ah. Ronald is with someone. But who is it?" Gregory, aara kang praning, ako na lang dito. Kakausapin ko sila"

"Eto talaga si Madam walang sinasanto..."

"Sino ba ang kasama ni Ronald?"

Is it finally his family? But that person doesn't look old enough to be his father. I nudge Greory about the tall, proper and smart-looking man talking to Ronald. Aside from the stranger's intimidating eyes, the cross necklace dangling from his neck stands out. Tinitigan ako ni Gregory ng masama, bago umamin na lang." Kamag-anak niya yan, nung isa pa siya pinupunta-puntahan."

"Hindi sila magkasama sa bahay?"

"Huh? Kakasabi ko pa lang Madam na bumibisita lang yan..."

"I'm just confused. Hindi ko kasi masaktuhan ang Papa ni Ronald, ngayon may kamag-anak pala siyang pumupunta dito." I'm waiting for a chance to approach but it seems like Gregory is right. Halata ang inis at galit sa mukha ni Ronald habang pilit niyang iniiwasan ang kausap. "Palagi ko pinapunta sa amin si Ronald, hindi ko alam may naghahanap din pala sa kanya."

Paper MemoriesWhere stories live. Discover now