Stand Alone Chapter: Gregory

5 0 0
                                    

Stand Alone Chapter:
Gregory

"Chief, isang tawag lang."

Para kay Gregory lahat ng bagay ay may katumbas.

Kung meron mang kasabihan na "an eye for an eye" o "mata sa mata", para sa kanya ang katumbas ng mga bagay-bagay ay salapi. Pagpinagpawisan mo kahit kauting kibot mo lang ay dapat mayroong kabayaran. At para sa kanya ganun din ang takbo ng isip ni Sheena Clio Cervantes. Mabait sa mabait, masama sa masama pero higit sa lahat, may baluktot na isip. Hindi lang naman pagp-paint o pag-ddrawing ang takbo ng buhay niya.

Pero sa kasinungalingan? Oo, yun ang mundo ni Sheena.

Napahimalamos na lang ng mukha si Gregory ng mukha. Nakaamoy ng kape, nagtitimpla lang pala ang mga pulis na nasa labas ng bakal na piitan niya. Tumayo siya nang makita niya ang pagtango ng bantay niya." Tangina, Madam. Bakit pati ako? Diba sabi ko tapat ako sayo?"

"Why are calling me, Gregory? Nasan ka?"

"Syempre nandito sa kulungan."

"Bakit mo sinasayang ang tawag mo para sakin?" Maingay, at mababa at pagod ang boses ng kanyang Madam Sheena niya sa kabilang linya." Just get direct to the point why you need me again."

"Gusto kong makaalis dito. Kung mababang kaso lang sana to, makakalaya agad ako. Kaso droga to, anong gagawin ko? "Sunod-sunong niyang paliwanag at hindi na napigilang magbiyak ang kanyang boses na nagmamakaawa. Nahihiya siya. Hindi niya masikmura ang mga pulis, bisita at kriminal na nasa iisang building kasama niya." Puta, wala akong lakas ng loob gawin yun. Pero sino makikinig sa ganung alibi?Hindi kami kriminal. Kahit ibang makasamahan ko wala rin lusot. Kung pwede magpyensa, san naman ako pupulot ng ibabayad?"

"I see...Magpapatulong ka."

"Tapat ako sayo, Sheena...Hindi ko kimalimutan yung second chance na binigay mo."

Natahimik ang kabilang linya, at nang magsalita ulit si Sheena ay tamis lang meron sa tono niya.Napapikit si Gregory pagkarinig sa kanya, sa ganun mas dama niya ang kasinungalingan sa boses ni Sheena." Grateful ka ba talaga o binubunton mo sakin ang galit mo?Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit kayo nandyan."

"Pakana mo 'to." Bulong ni Gregory.

"Dudumihan ko ang kamay ko para sayo at barkada mo?" Sa bawit bitaw ni Sheena ng salita ay mas napapahigpit lang ang hawk ni Gregory sa telopono at nagiging dama ang lamig ng posas na suot niya. Kakatalikod lang ng bantay niyang pulis, gusto niya na lang totohanin ang dalaga." Kung ganto ka humingi ng tulong sakin dapat lumapit ka na lang sa walang kwento mong pamilya. I mean, I'm already always kind to you, and of course I would do the same now! But you're like this? Conspiracy at nag-a-ala detecetive ka sa utak mo?"

".Ayaw kong magtiis para sa bagay na hindi ko gina-----"

"Lahat may kabayaran, Gregory. Baka kar---- "

"Ganun din sa'yo. Sige, sabihin natin kasalanan ko 'to. Pero hindi lang katulad ko ang kinakarma. Hilig mo na pala subukan yung hangganan ng kapangyarihan mo. Ganto ka ba magsaya, Madam? Bakit pati ako? At pwere sakin, sino na naman ang kasabwat mo kaya nagawa mo 'to, ha? Baka kakilala ko lang po?"

"Tutulungan na nga kita diba?"

"Talaga lang ha? Bakit biglang nasasabi mo na lang yan? Walang bawian yan. Pangako mo diba? Huwag kang biglang mawala bigla na parang bula. Huwag mo na ako paikutin, please lang? Please, Sheena?"

"Paulit-ulit? Huwag kang iiyak, okay?"

"Ang topak mo, Madam..."

Nandidiri si Gregory sa mga sentimentong binibitawan niya para maligtas ang kanyang saril, pero natatawa din siya na nagagawa niya pang magbiro. Akala niya kayang panindigan ang galit niya.Bumuntong hininga si Sheena, malakas ang hangin kung nasan siya, parang wala siya sa bahay at sa sarili niya. "That's a promise, Gregory. Hindi ako nagsisinungaling sayo."

"Promise?"

"Promise. Tutulungan kita."

Mangiyak-ngiyak na nilapit ni Gregory ang telopono sa kanyang bibig. Napatingala siya, may sariling mundo pa din ang mga gwardiya sa paligid niya. Nilingon din niya ang seldang pinanggalingan niya." Para akong timamg, ikaw pa talaga ang lalapitan ko.Kahit na ikaw din ang dahilan kung bakit ako nandito."

"Bakit iisipin mong kasalanan ko?" Habol ng dalaga.

"Gets ko na kung sino, gets ko na kung paano." Ngisi ni Gregory.

Malapit nang matapos ang ibinigay kay Gregory na oras para hawakan ang telopono, nahihirapan na siyang huminga at bumuo ng mga salitang ibabalik kay Sheena. Gusto niyang sirain ang delusyon na binuo ng dalaga sa kanyang sarili. Kaso... Pag nagsabi siya ng totoo kalayaan niya ang kapalit diba? Ang hirap maipaliwanag ng totoo, pero yung kwentuhan nilang magbabarkda sa selda, yung sisihan nila--- may nagpatanto siyang bagay na siya lang ang may alam.

Kahit sino talaga napapasunod ng Madam Sheena niya.

"Kahit talaga mga batang nagtitinda lang ng sampaguita idadamay mo pa?"

Author's Note:

Stand-alone chapters do not follow the timeline of regular chapters; events that would occur in this section may be scenes that already happened in the past or plotlines that would happen in the future.

Paper MemoriesWhere stories live. Discover now