Chapter 27-I

3 0 0
                                    


Chapter 27-I

          "Madam, itong painting ipapadala mo rin ba sa school niyo?" Nguso ni Gregory sa nag-iisang canvas na nasa gitna ng attic room, dahil sa curiosity niya ay mas nilapitan niya pa ang painting kahit may bitbit na siyang box ng props." Ang rami mong pinipinta at nagawang props, kailan ka ba natutulog?"

"Alam mo namang pinapatulong ko si Ronald."

"Nga pala, nakausap mo na yun? Na naglayas siya?"

"Hindi pa, hindi ko alam kung kelan ang tamang timing. Baka layuan na niya din ako kapag kinompronta ko siya." I lied with a straight face since Gregory is being too curious lately. Ayaw kong marami siya malaman, saka nangako ako na sikreto namin yun ni Ronald."Sa ngayon, tingnan-tingnan mo muna siya. Kapag nakasalubong mo ulit relatives niya---sabihin mo sa akin."

Gregory's face soured." Gagi, magpapakilala ka dun kaya pinapaabangan mo?"

Napahawak na lang ako sa sentido sa mga side comment niya." Only if I need to."

"Sandale, ano 'to Madam? Heto, tas eto pa." Gregory pointed at the corner of the canvas that he's admiring, there's a huge smudge on it. Parang nadaganan o nasagi yung gilid nito kaya kumalat at nagalaw yung pintura. At may iba pa siyang naturo." May mansta din sa likod, anong ginagawa mo dito?"

"...Saan? Meron pa?"

"Kulay pula ho, Madam."

It was an unrecognizable red liquid, which left a stain on my hand when I unconsciously touch it. At nung halos kuskusin ko na yung mansta ay hindi ko yun maalis. "Paint lang, nakaabot pala dito. Huwag mo na 'to isabay sa mga dadalin sa school, dito ko na lang sa tatapusin sa bahay...."

"Huwag mo na pilitin alisin, masugatan ka pa niyan." Singit ni Gregory at tinapik pa ako bago siya tumayo." Yan na nga lang pangpapatanngal ng stess mo tapos mas-stress ka pa dyan! Bili ka na lang bago, o sige ako na dyan. Gagamitan ko ng papel de liha. Aayusin ko yan----ah ano nga tawag tawag dito? Mahal ba 'to?"

"Easel---makapal 'tong sa akin..."

"Sige para masaya gawa kayo ng DIY nito ni Ronald, o pabili ka ng bago sa boyfriend mong kabute."

" Si Percival? Did you already meet Percival? Ah, hindi pa ba?" Aside from Gregory's usual antics and joke, he does notice things. " Ang weird lang na hindi mo pa siya nakilala. It's not like he only appeared at night, Percival is always with me so how can't you see him?"

Gregory points to himself." Hindi po ako chismoso---hindi din ingleshero."

"Alright, alright. Hindi ka nga chismoso pero kung ano-ano din ang nakikita o pinupunto mo sa akin mapadito man o sa school ko. About Percival...About Ronald...About my schoolmates." I softly explained to him as I grab my tool box. Hinalungkot ko ang isang bagay na naisama ko sa mga pallete knife na pinanghahalo ko sa acrylic." May ipapakita ako, tutal mahilig ka naman na maraming nalalaman."

"Wait! Wait, chill ka lang Madam! Baka ano yan?"

"Hindi naman 'to bago talaga."

"Bakit sinabay mo yang kustilyo sa nga pangpaint mo?" Gregory exclaimed as he watch me trace my fingers on a sharp blade. He must remember it as well, it's the pocket knife Ronald gave me when he save me. Or not, Gregory was goofily drunk at that time." Ano ba yang ipapakita mo at kailangan mo nyan? Sayo ba yang pocket knife? Kung ano-ano kinokolekta mo..."

"Kay Ronald 'to galing---pasaway na bata."

"Madam, ikaw 'tong may dalawag baril pinagsasabi mo dyan?"

I grinned, thrusting the knife on the wooden easel." Just wait and see..."

Gregory was alarmed, binaba niya ang hawak niyang box para suwayin ako. Wala siyang ibang nagawa kung hindi panoorin akong tuklapin ang kahoy sa gilid na parte ng easel gamit ang pocket knife. He just needs to wait to see the magic, but he keeps nagging. " Huy! Ano yan? Akala ko mahal 'to? Bakit mo sinisira?"

"Alam mo naman yung issue sa school ko nung isa diba?"

"Y-Yung sabi mong may nakuhaan ng drugs? Sa barkada ng munyika mo?"

I smiled, he was right. His eyes widen in realization. Hinugot ang isang packet ng party pills mula sa awang na katutuklap ko lang." Tulungan mo ako kung anong gagawin ko dito, Gregory..."

Paper MemoriesWhere stories live. Discover now