Blood 9

18.2K 741 48
                                    

"Ang ganda!"

Elisse smiled to the twins. Both were looking at the mirror, staring at their braided hairs which she did. Masyado siyang nac-cute-an sa dalawa dahil para itong mga bata.

Yumakap ang kambal kay Elisse. "Thank you!"

They were about to kiss her cheeks but Adrienne quickly got in the way. The twin pouted their lips. Lalapit na sana siya sa mga ito ang kaso hinawakan na siya ng masungit na bampira sa kamay nang mahigpit. Elisse looked at her and Adrienne just shook her head. Napabuntong-hininga siya.

"Stop being so possessive," Sam chuckled. Inayos nito ang suot na salamin sa mata. "Sayong-sayo naman si Elisse."

"S-Sam..." She whined. Ramdam niya ang unti-unting pamumula ng mukha.

"What?" Natawa ito. "Hindi ba totoo?"

"Uh," Agad siyang napalingon kay Adrienne na tinaasan naman siya ng kilay. Para bang sinasabi ng titig nito na kailangang maganda ang sasabihin niya dahil kung hindi ay may kalalagyan siya. Pasimple siyang napalunok, hindi malaman kung matutuwa o matatakot. "Totoo."

Adrienne intertwined their fingers together but her face was devoid of expression. Mahigpit ang kapit nito ngunit nakakagaan ng pakiramdam.

Adrienne's happy with what she heard, Elisse thought.

"So when did you two start dating?" Sam asked.

"None of your business." Adrienne's voice was dismissive.

Nagkibit lang ng balikat si Sam bago bumalik sa table niya at nagbasa ng libro. They're in the Student Council room. Hinila siya ni Adrienne paupo sa isang couch habang yung kambal naman ay nasa kabila, naglalaro sa phone nila.

Dating. Are we dating?

Wala naman itong sinasabi. She didn't even know what's their status. Ang alam niya lang ay parang binbakuran na siya ng bampira sa iba. She was claiming Elisse like it was her right.

"Mali..." Adrienne whispered, earning a frown from Elisse.

"Ha? Ano ─!" Muntik na siyang mapasigaw nang hilahin siya paupo sa kandungan nito. "Adrienne!"

Niyakap siya ng bampira sa baywang at isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat. Adrienne sniffed her scent and exhaled. "Better."

"Adrienne naman, eh." nasabi na lang niya ng mahina. Pihadong pulang-pula na siya ngayon lalo na at tinitingnan siya nina Sam at ng kambal ng nakakaloko.

"Hayaan mo sila," Sagot lang nito habang walang tigil sa paghalik sa balikat niya. Elisse just sighed in defeat, ignoring how those little kisses were affecting her.

Iba talaga ang nararamdaman ni Elisse sa pagiging clingy nito. Pero mas gusto niya na ang ganoon kaysa naman sa malamig lagi ang pakikitungo ng dalaga sa kanya. And one more thing was she liked it better when she was smiling, although the woman was only smiling to her and no one else's.

Pinagmasdan niya ang paligid at napansing parang may kulang. "Where's Diamond?"

"Ah, she's with your best friend." Sam answered. "Don't ask me why. Halos hindi na mapaghiwalay ang mga 'yon."

Tumango na lang siya at hindi na ipinahalata ang pagtataka. Mukha kasing ilag si Asha kay Diamond pero sumasama pa rin ito sa babae. She's hoping that her best friend was doing fine. May tiwala naman siya kay Diamond.

Naramdaman niyang gumapang ang kamay ni Adrienne sa loob ng kanyang uniporme. The girl was rubbing circles on her stomach. Her heart's in trouble because of that gesture. Elisse felt Adrienne's lips brushing her ear. "Don't worry about her. I'm sure she's fine."

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon