Blood 32 - unedited

9.9K 342 10
                                    

"Do you want more?"

"Y-yeah..."

"I love you."

"I love you more..."


Naalimpungatan siya nang makaramdam ng paggalaw sa kanyang tabi. Unti-unti niyang idinilat ang mata only to see the most beautiful woman she'd ever seen sleeping next to her. Memories of their sweet love flashed in her mind and she can't help the smile appearing on her lips. She just felt so...blessed to have her.

She traced her eyebrows, down to her long eyelashes, to her nose, and lips. She's sleeping soundly and deep. She guessed waking her up this early will be out of the option.

Nawala na rin naman antok niya kaya dahan-dahan na rin siyang bumangon. Hinalikan niya muna ito sa noo bago pinulot ang mga nagkalat nilang damit at nagbihis na. Pumunta siyang kusina at nagluto ng agahan para may makain ang minamahal pagkagising. Nang matapos siyang makakain ay naligo na rin siya agad at suot ang isang black sweatpants and white sleeveless shirt ay lumabas na siya upang mag-jogging. Nakasanayan niya ito na gawa rin nina Adrienne.

Habang tumatakbo-takbo ay napapatingin siya sa langit na unti-unting nagliliwanag, tumatama na rin sa balat niya ang mainit na sikat ng araw na nagsisimula pa lang sa routine nito. Napangiti na lang siya sa maaliwalas na panahon.

"Aga, anak, ah."

Napahinto siya at napangiti ng malaki nang makita kung sino ang nanonood sa kanya. Nilapitan niya ito at niyakap. "Mama!" She laughed a little. Naglakad sila at naupo sa bench na malapit lang sa lugar. "Kumain ka na po, Ma?"

"Yes. Ikaw?"

"Opo." sagot niya, "Ma?"

"Hm?"

"Pwede ninyo na po bang ikwento yung nangyari sa inyo?"

Nawala ang ngiti sa labi ng ina at napalitan ng emosyon na hindi niya mabasa. Pero tinanguhan siya nito kaya nakahinga siya ng maluwag. Akala niya'y nagalit na ang Mama niya.

"Nalaman niya—ni Haru—kung saan ako nakatira. I was ambushed," she started, "marami siyang kasama. Gusto niyang sumama ako sa kanya pero hindi ako pumayag dahil alam ko, hindi maganda ang pinaplano niya." Rain looked at nowhere, almost reminiscing. "I fought all of his men, pero nilabanan niya ako. He's stronger than me and I lost."

"Pero bakit po? Bakit po kailangan ka niya? Is it to lure me?" Elisse asked although she knew the answer was obvious than the daylight.

"Yes," Her Mom nodded. "I was knockout because of the drug. Ngayon lang ako naka-encounter ng gano'ng klase ng gamot na kayang pigilan ang paggising mo. But I was conscious enough."

Natahimik sila saglit. Naalala niya tuloy yung time na nakausap niya si Haru. Nakakapagtaka, kung ang ina nito ay mabilis niya lang na natalo, bakit hindi siya nito nilabanan noon? Bakit nawala ang lalaki na parang bula? Didhe have some alternate plan? Or he's just testing her? Everything seemed so easy, even when she fought his men.

His plan...nagdududa siya. Nakuha niya yung sense ng kagustuhan nito kahit mali ang gusto nitong gawing paraan. Maybe...he's not that bad at all. O...pinaglalaruan lang ni Haru ang isip niya? Malamang ay gusto lang talaga nito na mapunta siya sa kanila, to help him get rid of all.

"I'm sorry..."

Napakunot ang noo niya nang haplusin ni Rain ang pisngi niya habang nakatingin sa kanya ng malungkot. Bakit ito nagso-sorry? Wala namang itong ginawang masama.

"Mama?"

"May ikukwento ako sa'yo," Ngumiti ito ng mapait. "Noong hindi ka pa ipinapanganak."

Kumunot muli ang noo niya. "Noong wala pa 'ko?"

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon