Blood 44 - unedited

8.2K 330 15
                                    

Elisse gently sipped her warm coffee and smiled at her. Adrienne was right in front of her, watching her intently. Nakaramdam siya ng kakaibang pagguhit ng init sa kanyang katawan sa paraan ng pagkakatingin nito, kasabay ng pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang lalamunan.

She's glad. She's glad to be finally at peace. She thought she won't be able to survive that pain. She thought she'll die. Pero hindi. Dahil ngayon ay tahimik na ang lahat, kasama niya na sila. Wala na siyang mahihiling pa. Nag-aaral na ulit siya at classmate niya pa rin ang nga kaibigan. Kasama niya na ang mama niya. Para bang walang nangyaring delubyo sa kanila.

"Do you want to stay like this?" Ang nakangiting tanong nito sa kanya.

Napapikit siya at napakunot ang noo nang makarinig siya ng boses sa ulo niya. Waring bumubulong pero hindi niya ito gaanong marinig. Napapilig siya ng ulo at muling tiningnan si Adrienne. Must be her imagination. "I want to...I'd love to."

Tumayo ito upang kintalan siya ng halik sa tuktok ng kanyang ulo na lubos niyang ikinangiti ngunit napalitan iyon ng isang nagtatakang tingin dahil hindi na ang babaeng minamahal ang kaharap niya.

"Si...Sineiah?"

Banayad na ngiti ang isinagot nito kay Elisse bago tuluyang maupo. "Gusto mo talagang maparito na lang, Elisse?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Bahagyang ikiniling ni Sineiah ang ulo, na para bang isa itong maharlika at anumang utos ay dapat na masunod. But then, behind those eyes was a concern look. Bumagay rito ang suot na itim na bestidang may laces design sa collar nito. She looked simple and yet, undeniably gorgeous and aristocratic. "Ayokong maging bayani ka."

"Ha?" naguguluhang tanong niya.

Dumaan ang lungkot sa mga mata nito na kaagad ring nawala. "Mabuhay ka. Huwag mong paluguran ang huwad na reyalidad na ito."

"Anong ibig mong—" Pasamantala yatang natigil ang tibok ng puso niya nang bigla siya nitong halikan...sa labi. What...

"Kawawa na naman ang tainga ko kay Xenon..." Natatawang sabi nito na mukhang para lang sa sarili nito sinambit.

Napahawak siya sa sariling labi. "A-anong...bakit—"

"Naririnig mo na ba?"

"Na-naririnig ang alin?"

"Ang mga pagsusumamo ng mga taong naghihintay sa iyo." sagot nito, "Hindi ito ang reyalidad mo."

"Pero..."

"Bumalik ka na." utos ni Sineiah, "Gaya ng sinabi ko, ayokong maging bayani ka."

Sasagot pa lang sana siya nang makaramdam ng kakaiba. Parang hinihila ang kaloob-looban niya sa kung saan. Nakaramdam siya ng kaba na hindi niya alam kung bakit o para saan.

She gazed at Sineiah and caught her smiling.Tumango ito. At kasabay no'n ay ang paglaho niya sa harapan nito...

"E...Elisse?"

"Bakit? Anong nangyari?"

She can feel her heart beat. Ang bigat ng pakiramdam niya. Her throat felt dry. Her body felt numb. But she tried moving. Pinapakiramdaman kung talaga bang buhay siya.

"Her...her f-finger mo-moved. Elisse..."

Ang pamilyar na boses na 'yon...medyo garalgal ito at nanghihina. Ngunit ang boses na iyon ang naging pundasyon niya para piliting gumalaw muli. Kahit na pakiramdam niya ay hinang-hina siya. She tried to open her mouth. Gusto niyang banggitin ang pangalan nito ngunit isang ungol lang ang nagawa niya.

"Heavens! I...I'll call the Doctor."

Nakarinig siya ng pagsara ng pinto ngunit ramdam niyang may kasama pa siya. Hinawakan nito ang kamay niya, at kahit hindi siya tumingin ay alam ni Elisse at memoryado kung sino ang nagmamay-ari ng malambot na palad na nasa ibabaw ng kanang kamay niya.

"Elisse..."

She needed to open her eyes. She needed to see her. She needrd to let her know that she can hear her, that she's alright.

Sinimulan niyang igalaw ang daliri, medyo mahirap sa simula pero nagawa niya. Sunod naman ay ang mismong kamay niya na. Good. Muli siyang napaungol. Elisse heard her gasps when she made that sound.

Sunod naman...ay ang unti-unting pagmulat ng mga mata niya. Malabo ito noong una, pero unti-unti ring luminaw. Ang puting kisame ng kwarto ang unang bumungad sa kanyang paningin. Ngunit napalingon siya sa gawing kanan nang marinig ang isang mahinang pag-iyak.

And again, she tried to open her mouth. "A...Adrienne."

Napangiti ito at muling napahagulhol ng iyak. Napapikit siya nang bigyan nito ng mumunting halik ang likuran ng kanyang palad. It felt warm despite of the coldness. It felt good. It made her realized that she's...alive.

"A...Adrienne..." Napatingin ito sa kanya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng masaganang luha mula sa mata ng dalaga. "K-Kiss..." ang nahihirapan niyang bulong.

Kaagad itong tumalima sa random niyang hiling. Truth was she wanted to confirm that this was real. And she wanted to—she badly needed to feel her lips.

Seconds later, her lips met hers. That familiar feeling embraced her with warmth and she really missed it so much.

"I love you," she whispered.

Nang humiwalay ito ay masuyong hinaplos ni Adrienne ang pisngi niya. Unti-unti ay binalot siya ng antok. Hindi siya nag-alangang ipikit ang mga mata dahil nasisigurado niyang hindi na siya matutulog ng sobrang tagal.

"Elisse...?"

--

Tuluyan nang nakatulog si Elisse pagkarating ng Doctor para i-check ang kalagayan nito. Nakahinga sila ng maluwag ni Rain nang malaman na ayos na ang dalaga at masyado lang itong napagod sa kabilang ng matagal nitong pagkakatulog.

Adrienne didn't know, but, all of her pain, it slowly subsided. And it's because of Elisse. Pakiramdam niya ay muli siyang nabuhayan. Pakiramdam niya ay buo na ulit siya.

Muli ay hinaplos niya ang pisngi nito habang ang ina ng dalaga ay mahigpit lang na nakahawak sa kamay nito habang tahimik na nagpapasalamat. Even her, she's thankful. Dahil nadinig ang dasal nila. Dahil hindi Niya inalis ang taong kaligayahan niya.

--

"Onee-chan!"

Palihim na napangiti si Adrienne sa biglang pagsulpot ng kambal. Sobrang hyper ng dalawa at halos dambahin na si Elisse sa labis na tuwa. Kaagad siyang humarang na ikinahaba ng nguso ng mga ito. "Huwag ninyong biglain si Elisse."

"Hindi naman, eh." Reklamo ni Rin. Hinila nito ang kambal at nagpaawa kay Asha. "Asha, oh."

Elisse's best friend chuckled at ginulo ang buhok ng dalawa. She smiled at her kaya gumilid na siya para makalapit ang mga ito. Kaagad naman silang lumapit sa dalaga at nagkuwento ng kung anu-ano at sinabi kung gaano nila na-missed ang girlfriend niya. Adrienne looked at Elisse's expression and she's instantly filled with joy when she saw how happy she was.

Ang gaan sa pakiramdam na naririnig niya na ulit ang mga tawa nito, ang mga pakikipagbiruan ng dalaga. Kita niya sa mata ni Elisse ang labis na kasiyahan because she's given the chance to live again.

"Nga pala, ilang araw ba akong...tulog?"

Napatahimik sila sa tanong ni Elisse. Maging si Diamond na nakaupo lang sa couch ay napalingon sa gawi nila. She cleared her throat. Paniguradong magugulat ito sa sasabihin niya. "You've been sleeping for the whole six months."

"What?"

_____

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon