Blood 23 - unedited

13.8K 440 13
                                    

Pinanood ni Elisse ang kasama na magpalakad-lakad sa buong lugar. Napapaligiran sila ng mga salamin sa bawat sulok ng kwarto pero kahit na nakikita niya sa iba't ibang salamin ang sariling reflection, alam pa rin ng kasama kung nasaan ito.

"Handa ka na ba, Elisse?" Ngumiti ito. Sa kabila ng familiarity ng gesture na 'yon ay hindi niya maiwasang isipin na mas madilim ang dating no'n sa kanya.

"Handa saan?" She asked.

Hindi ito sumagot.

Nagbago ang paligid at nabalot sila ng dilim. Bigla na lang itong nawala, nawawala ito—siya—ang isa pang Elisse.

"Nasaan ka na?"

Narinig niya itong tumawa sa isipan.

Handa ka na ba?

Handa? Handa saan?

Elisse was walking endlessly in the dark room when suddenly, a human sized mirror appeared in front of her. Kusa na lang siyang napatingin sa sariling repleksyon pero laking gulat niya dahil ibang anyo ang bumungad sa kanya.

She was shocked to see herself—a pale,and white-eyed vampire. She can see her fangs hiding.

Handa ka na ba?

Nagising si Elisse nang maramdamang gumalaw si Adrienne sa tabi niya. She looked at her. Her lover was sleeping peacefully beside her, and they're both naked. Then it hit her disoriented thoughts—may nangyari na sa kanila.

She smiled to herself. They made love last night. The soreness down to her core proved how Adrienne took her insatiably, and she loved it. She can't help but reminisced what happened...

"Elisse?"

Nagising siya
dahil parang hindi ito mapakali sa tabi niya. Elisse hastily opened her eyes and stared at Adrienne's face. "Ba...bakit?"

"I want you..." The vampire's eyes turned deep red out of love and lust. "I want you again..."

Elisse traced Adrienne's bare shoulder using her finger. Bumaba ito sa collarbone nito, until it reached the cleavage. The memories of their sweet night flashed through in her mind like a river. She can't help but to feel the blood gushing up to her head.

Napatigil lang siya nang hawakan nito bigla ang kamay niya, napatingin siya rito at napansing gising na pala ito. "A-Adrienne."

She smirked. "Blushing so early...anong iniisip mo?"

"W...wala." She buried her face on the girl's chest habang lalong nag-iinit ang mukha. Natawa naman ito ng mahina at niyakap siya dahilan para mas lalong magdikit ang kanilang katawan. She sighed, savoring the comfortable embrace.

"Gutom ka na?" Tanong nito habang pinaglalaruan ang buhok niya.

Hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa kasintahan. "Let's just stay like this for a while."

Hindi na ito sumagot pagkatapos no'n. They just cuddled and feel each others' nakedness. She sighed. She can stay like this as long as she wanted. Kung pwede lang sanang huminto ang oras na kasama niya si Adrienne.

After a couple of minutes ay napagpasiyahan na rin nilang bumangon. Tinalo na kasi siya ng gutom.

--

"Late na kayo, ah. Himala." Nakataas ang kilay na pagpuna sa kanila ni Asha.

Ngumiti na lang si Elisse sa kaibigan dahil talaga namang tinanghali na rin sila ni Adrienne. Nandito sila ngayon sa plaza, parte pa rin iyon ng school at doon madalas na nagsasama-sama ang ilan sa mga estudyanteng walang magawa sa dorm nila. Marami rin namang pwedeng mapuntahan kaya tingin niya ay hindi sila maiinip.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon