Blood 36 - unedited

8K 321 6
                                    

"Is there a problem?" Kunot-noong tanong ni Adrienne sa ina ng kanyang kasintahan na si Rain. Bigla na lang kasi itong natigilan at waring kinabahan. Tumingin ito sa kanya. Kita sa mata nito ang takot.

"Masama ang kutob ko."

Sumeryoso si Adrienne at mukhang naintindihan agad ang punto ng kasama. Sa isang iglap lang ay napadpad na sila sa kwarto ni Elisse at laking kaba nila nang walang makitang bakas nito. Ni anino ng dalaga ay wala. Kasabay no'n ay ang pagdating ng iba pa.

"Onee-chan? Onee-chan!"

"Si Onee-chan, nasaan?"

Nagsimula nang umiyak at kabahan ang kambal. Masyado silang nag-aalala dahil parang ate na rin nila si Elisse. Inalo naman sila ni Asha na pinipilit ding pakalmahin ang sarili. "Baka naman nagising na siya?"

Umiling si Adrienne. "That's impossible. If she did, sigurado akong hindi siya aalis sa kwartong─"

"Adrienne!"

Bigla na lang siyang bumagsak sa sahig nang makatanggap siya ng mala-bakal na suntok mula kay Sam. Malalim ang paghinga nito at matalim ang titig kay Adrienne na nakasalampak sa sahig. Halos lahat ay natigilan dahil ngayon lang nila nakita ang bayolenteng bahagi ng babae, ang nakamamatay nitong titig. Dahil kilala nila si Samantha bilang kalmadong bampira. Susugod pa sana ito ulit nang hawakan na ito sa baywang ni Diamond.

"Bitawan mo ako!" Nanggigigil na sambit ni Sam. "Kasalanan niya kung bakit nawawala si Elisse!"

Imbes na sumagot ay umiling lang si Diamond at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa babae. Sa huli ay wala na rin itong nagawa at sumandal na lang sa kanyang kaibigan. Unti-unti na rin itong kumalma ngunit mababasa sa mga mata nito ang sakit at lungkot. Lumingon siya kay Adrienne na nakabangon na. "Sorry."

"It's alright," sagot ni Adrienne, "it's really my fault. Pinabayaan ko siya."

"No─"

"Stop."

Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang boses ng isang lalaki.

"Dean."

He stepped forward. "Stop blaming yourselves. This is no one's fault."

"Pero anong gagawin natin? Sinong kumuha sa kanya? Sa anak ko?" Mangiyak-ngiyak at sunud-sunod na tanong ni Rain.

"There's a mole inside the university. Kung ang mole na 'yon ang kumuha kay Elisse, then our hunch is true." Napabuntong hininga siya nang mapatingin ito sa bakanteng kama ni Elisse. "Inutusan ko na ang iba upang i-check ang record ng mga umalis dito at nag-evacuate, mga namatay na staffs, pati na rin ang mga kasalukuyang nawawala ngayon."

"Sir!"

Napalingon sila nang dumating si Rico na hindi mabasa ang expresion ng mukha. "Sir, si Rei. My wife...she's missing, too."

Animo'y huminto ang mundo ni Adrienne sa narinig. Alam niyang may posibilidad at hindi niya alam kung paano ito tatanggapin. Bigla ay naalala niya ang pagpapalayo nito sa kanya kay Elisse. Iyon ba ang dahilan? O dahil alam rin nito ang tungkol sa magiging kamatayan ng kasintahan? Napakuyom siya ng palad. Nasasaktan.

"Could it be possible..." Hindi na natapos ni Rain ang sasabihin dahil kaagad na tumango ang Dean.

"There's a big possibility—" Naputol ang sasabihin ng Dean nang mag-ring ang telepono nito na agad namang sinagot. Maya-maya lang ay dismayadong nag-angat ito ng tingin. "They reviewed the cctv cameras, and..."

Nagkatinginan sina Rin and Len. Yumakap si Asha at ibinaon ang mukha nito sa leeg ni Diamond. Si Samantha ay walang paalam na umalis bigla. Umiiyak si Rain habang sinasambit ang pangalan ng anak. Si Rico ay nakayuko lang habang si Adrienne ay nanghihinang napaupo sa dulo ng kama.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon