Blood 30 - unedited

9.8K 376 9
                                    

"She's finally awake."

Nakahinga siya ng maluwag sa narinig at nakaramdam ng excitement. She squeezed Adrienne's hands before looking at the resident doctor of their university. "Can I see her now?"

Ngumiti ang kausap at binigyan siya ng tango. "Of course."

Sinundan nila ito na maglakad. Kung pwede lang ay tumakbo na siya agad para makita ito. Napatingin na lang siya kay Adrienne, nakangiti ito sa kanya at hindi pa rin pinapakawalan ang mga kamay niya.

"Relax, love," she whispered.

Namula naman siya lalo na nang mapalingon sa kanila si Doc, na para bang teenager kung makangiti, halata namang narinig nito. She groaned. Vampires.

Habang papalapit na sa gusali kung saan nakalagak ang ina ay mabilis na umagos sa isipan niya yung time na nakabalik sila school...

Sinalubong siya nina Adrienne, ng mga kaibigan nila, at ng Dean nang makabalik siya. Buhat-buhat niya ang ina. She felt exhausted just by the stress she gained, hindi pa kasama yung takot at pagod niya sa pagpunta para iligtas ito. Kaagad na lumapit ang mga ito at nagpresintang magbuhat kay Rain ngunit hindi siya pumayag.

"Elisse! Ayos ka lang ba? Si Miss Rain, kamusta?" tanong ni Dean.

"S-si Mama, hindi siya...hindi siya nagigising." Mautal-utal niyang sagot sa mga ito. "B-bakit ayaw n-niya?"

Walang salita-salitang lumapit si Adrienne at ito na mismo ang umalalay sa kanya to heavens knows where. Hindi niya na alam. Everything felt blurry to her. Ang alam niya lang, she heard her saying...

"You should not worry, Elisse, your Mom's gonna be safe...and...I'm proud of you."

Sa pagkakataong iyon ay nalaman niya mula sa doktor na may nag-inject ng drug sa ina. Mabuti na lang at ayos lang ito at walang masamang nangyari.

Nang makarating na sila sa tapat ng pinto ay bigla na lang itong bumukas dahil lumabas na ang nurse sa loob nito na mukhang kaka-check up lang kay Rain.

"How's the patient?" Tanong ni Doc sa lalaking nurse.

"She's good na po, Doc."

"Okay, thank you." Humarap ito sa kanilang dalawa at ngumiti. "Mauna na rin kami. Take your time, guys."

"Thank you po." Halos magkasabayan nilang pagpapasalamat ni Adrienne.

Pagkaalis ng manggagamot ay hawak kamay silang pumasok at nakita si Rain na nakasandal sa headboard ng hospital bed. She looked at them and smile. She felt her tears forming, she can't help but cry because of what she's seeing now. She's really awake, and safe...and she's with her.

"Come here, baby." Her mother cooed as she tapped the side of the bed to beckon her.

"Mama..." Naramdaman niyang tumulo ang sariling luha. Unti-unti namang binitiwan ni Adrienne ang kamay niya at hinayaan siyang maglakad palapit sa ina. Rain spread her arms at siya nama'y parang batang nagmamadaling pumunta sa tabi nito at binigyan ito ng mahigpit ng yakap. "Mama!"

"Shh..." She rubbed her back and tightened the hug. "I'm here now. Huwag ka nang umiyak."

Mas lalo pang naiyak si Elisse. Tiningnan siya nito habang pinapalis ang luha sa mata niya, at kinintalan ng isang halik sa noo. Napapikit siya at muli itong niyakap.

Her scent—her motherly scent which never failed her to feel safe, to make her remember those memories with her. Noong mga panahong sila lang dalawa. Ngayon ay iba na ang mundong ginagalawan nila, but then, she have no regrets.

Nang kumalma ay umupo na siya ng maayos sa gilid ng kama, maayos na rin itong nakasandal habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Kamusta na po kayo?"

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon