Blood 10

18.8K 677 59
                                    

Elisse can see herself on the mirror. The reflection was looking at her. Alam niyang hindi siya nakangiti ngunit...bakit nakangisi ang repleksyon na iyon sa kanya?

Sinalat niya ang salamin at ganoon na lang ang gulat niya nang hilahin siya ng sariling imahe papunta sa loob ng salamin.

"Teka, ano 'to?"

Sinubukan niyang kalampagin ang salamin pero nagmistulan itong hawla dahil ni hindi man lang niya ito mabasag. Tiningnan niya ang kawangis na nagpasok sa kanya sa loob. The woman crossed her arms and licked her lower lip devilishly.

"S-sino ka?" tanong niya rito. The person really looked like her but seemed way different.

"Ako?" Even her voice sounded the same like Elisse's. "Ako ay ikaw...iisa tayo."

~~

Naalimpungatan si Elisse nang maramdamang may gumalaw sa kanyang tabi. Nagmulat siya at bahagyang napangiti dahil si Adrienne ang una niyang nasilayan. Nakayakap ang mga braso nito sa kanya at ramdam ni Elisse ang mainit na hininga ng dalaga sa kanyang leeg. Hinawakan niya ang kamay ni Adrienne at marahan itong hinaplos, nagulat na lang siya nang hawakan nito ang kamay niya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Adrienne asked in a sleepy tone.

"O-okay na ako." she answered with a frown. "Ano bang nangyari? Yung mga bampira, anong nangyari? Natalo ninyo ba?"

Inangat ni Adrienne ng bahagya ang katawan para matingnan siya nito sa mata. "Hindi mo matandaan?"

Umiling siya. Ang huling naaalala niya lang ay ang pagsugod sa kanya no'ng parang pinuno ng mga bampira at yung boses sa ulo niya. Pagkatapos no'n ay wala na. "Anong nangyari?"

Saglit itong natahimik bago umiling. Binaon nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya bago bumuntong-hininga. "Let's take a rest first. Even I...I don't know what really happened."

Wala sa loob na napatango na lang siya. That felt weird. Bakit hindi niya matandaan? May nangyari bang kakaiba? Yung boses, katulad 'yon ng sa kanya. Ngunit iba dahil alam niyang may iba sa tono at sa paraan nito ng pagsasalita. The voice had a deep tone and she was speaking ill.

Yung panaginip niya kanina lang. Anong ibig sabihin no'n? Sabi nila ay nakakakita siya ng mga pangitain ng mga nangyari na at ng mga mangyayari pa lamang. Then what's the meaning of her dream wherein she got captured in a mirror, and the culprit was herself?

Napasinghap si Elisse sa pagkabigla nang maramdaman niyang gumalaw ang labi ng kasama sa leeg niya. Adrienne showered kisses on her skin until it reached her lips. Hindi niya maiwasang mapapikit. Habang tumatagal ay mas nagugustuhan niyang lalo ang nararamdaman.

And she's afraid. She's afraid of what she's feeling. And yet, she felt secured around this vampire at the same time.

Hindi niya alam kung sila ba ang mabilis o sadyang mabagal lang talaga ang oras. But when they're together, it always seemed like time stopped moving. Like the sun decided to stay where it was, or maybe, the world stopped rotating, allowing them to see everything the way it was ─ the way it was when it's not moving a bit.

"Stop spacing out."

"H-ha?" naguguluhang tanong niya nang marinig ang boses nito. Kagaya ng dati ay malamig pa rin itong pakinggan ngunit alam niyang may nagbago sa tono no'n. Parang naging mas kalmado at magaan.

Adrienne shook her head with a small smile plastered on her lips. "Stop spacing out when you're with me."

"S-sorry."

Pansamantalang nabalot ng katahimikan ang kwartong kinalalagyan nila. Nakatitig lang si Adrienne sa kanya at hindi naman mapigilan ni Elisse na mapatingin sa mga mata ng kaharap.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon