Blood 45 - unedited

9.4K 333 12
                                    

S...six months? Ganoon siya katagal na comatose?

Napatitig siya sa mga kasama para alamin kung biro iyon o hindi pero base sa ekspresyon ng mga kasama, alam niyang totoo ang narinig. Halos matulala siya sa nalaman.

"What...what did I miss?" Elisse asked with her hands on her eyes.

"Ah, eh," Napatingin siya sa kambal. Napangiti si Len at dumako ang paningin niya sa magkahawak nitong mga kamay. "Uhm, legal na kami ni Rin...as lovers."

Nanlaki ang mata niya. Tumango-tango naman sila at sabay na humagikhik. "Totoo! Nag-out muna kami sa parents namin and gladly, they accepted us."

Napanganga siya sa dalawa. "Do...do you mean, uh..."

"Incest relationships are normal for vampires. So, yep!" Rin smiled and kissed her twin. "We're in a relationship!"

Napangiti siya. They're cute!

"I'm happy for the both of you!" wika niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig at nalaman niya, pero nakakagulat man ay aminado siyang masaya sa narinig. Imagine, sila na pala. At bagay sila, cute. Napalingon siya kay Asha. "How about you? Ano nang balita sa nag-iisa kong best friend?"

Napangiti ito sa narinig at animo'y kinikilig na hindi niya malaman. Wala pa itong sinasabi pero kinikilig na agad.

"We're getting married again." Si Diamond na ang nagsalita. Lumapit na ito sa kanila at medyo nanibago siya nang ngumiti ito. She snaked her arms around her wife and Asha hugged her in return.

"Sweet!" Len said.

"Ayiee! Flower girl ako, ah!" Segunda naman ni Rin.

Natawa siya at napailing. Makulit pa rin talaga ang mga ito, walang pinagbago. Nilingon niya si Adrienne at inabot ang kamay niya rito, mabilis naman nitong inabot iyon at hinawakan ng mahigpit. Napangiti siya, hindi na nila kailangang magsalita para lang maramdaman ang isa't isa. Makita niya pa lang ito, lalo na't ang mahawakan ay napakalaki na ng impact sa kanya.

Pero sa totoo lang, ang malaman na ikakasal ulit si Diamond at Asha ay talagang nagpasaya sa kanya. Hindi niya man alam kung anong totoong rason kung bakit naging magkakilala ang dalawa, at kung bakit naging katulad nila si Asha, tingin niya'y hindi na kailangang malaman niya pa 'yon dahil sapat nang makita kung gaano kasaya ang mag-asawa.

"Si Sam, nasaan?" Tanong niya nang mapansing may kulang. Wala siyang nakikitang babaeng naka-eyeglass at may hawak na libro.

Napaiwas ng tingin ang kambal. Si Asha naman ay nakatingin lang sa kanya ngunit mukhang walang balak na sumagot, ganoon rin si Diamond. Tiningnan niya si Adrienne dahil ito lang ang mukhang sasagot sa kanya. "Adrienne?"

"She's..." She leaned in and kissed her forehead. "She's in a place where she can learn to move on."

"Oh..." Napayuko siya. Nakaramdam siya ng lungkot. Bakit naman kung kailan akala niya ay okay na ang lahat ay saka naman ito mawawala? "Kailan pa?"

"Six months ago." Adrienne answered, "Umuwi siya sa family niya at nag-decide na manatili muna roon."

Hindi na siya sumagot. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na makausap ito. Pero kahit papaano ay nakahinga na rin siya ng maluwag dahil alam niya na safe ito sa kinalalagyan nito ngayon.

Ang tanging hiling na lang ni Elisse para kay Sam ay sana...sana mawala na ang sakit na ibinigay niya rito. Sana mahanap na nito ang taong sunod na mamahalin. At sana, mahalin din siya nito pabalik.

Maybe Sam's decision to distance herself was the right thing to do for someone who was shattered. Maybe, time will heal her pain, even if she started ugly. She knew, soon, she'll become fine as new and all those hardships she had will become her lessons in life. It'll make her wiser, and stronger. It'll make her a better person, even if they notice it or not.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon