Blood 33 - unedited

9K 350 15
                                    

"S...Sineiah?" Kunot-noong tanong niya. "Sineiah, ikaw ba 'yan?"

Mula sa pagkakatalikod ay hinarap siya nito. Ngayon niya lang mas napagmasdan ng malinaw ang kabuoan ng bayani. Maganda pala talaga ito.

Nakasuot si Sineiah ng isang itim na bestidang hanggang binti ang haba, mababa ang neckline nitong may laced designs ngunit mas naipakita ang pagiging misteryosa at elegante ng dalaga. Ang ganda nito'y kakaiba at sadyang nakakahalina, lalo na sa mata nitong malalim kung tumingin at ang mapupulang labing nakakaakit ngumiti.

Pero teka, totoo ba ang nakikita niya? Nasa harapan niya talaga ito? Ang kauna-unahang nagligtas sa tao at bampira?

"Ako nga ito." sagot nito. Sa paglapit ng dalaga ay unti-unting nagbago ang kulay ng paligid, madilim ngunit hindi nakakatakot.

"Totoo ba ito?" Naguguluhang tanong niya, lumapit siya at sinubukang hawakan ang babae. Parang totoo talaga, eh, sa isip-isip niya. "Paano ka napunta rito?"

"Maghanda ka... Nagsisimula na sila... May traydor."

"Ha?"

"Elisse."

"Elisse!"


"A-ano?" Napatingin siya kay Adrienne na alalang nakatingin sa kanya. Nagpalingun-lingon siya sa paligid. Nasaan na si Sineiah?

"Okay ka lang ba?" Tanong nito kaya napatigil siya sa paghahanap at tiningnan ang kasama. "Bigla ka na lang natutulala."

"A-ako?" Lalo yatang nagsalubong ang kilay niya sa narinig. Ano yung kanina?

"Oo. May problema ba?" she asked her worriedly.

Umiling siya at ngumiti para hindi na ito mag-alala. Tiningnan pa muna siya nito saglit bago tuluyang nginitan. Buti na lang hindi ito nakahalata.

Masyadong makatotohanan ang pangitain na nasaksihan niya.

"Halika na." Biglang sabi nito saka siya hinila patayo.

"Ha? Saan?"

Kumunot naman ang noo nito. "Hindi ka ba nakikinig kanina? Sinabi ko na pinapatawag tayo ng Dean."

Hindi na siya nito hinintay makapagsalita at basta na lang siyang hinila paalis.

They used their extraordinary speed upang kaagad na makarating sa patutunguhan nila. Naabutan nila sa pamilyar na conference room sina Sam at ang iba pang mga kaibigan, ang parents ni Adrienne, ang Mama niya at ang Dean. Lahat ay pawang seryoso ang mukha. Mukhang may kailangan silang pag-usapan na seryosong bagay. Tahimik na pumasok si Elisse at Adrienne sa loob.

"We received reports about division's official members were either found dead or went missing. Marami-rami na rin ang napapatay, may hunch na kung sino ang maaaring mastermind pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli kung sino ang pumapatay." Lumungkot ang mata ng Dean. "Kahit dito sa school ay may natagpuan na ring mga bangkay ng mga school staff members dito at kasalukuyan na ring inaalam kung sino ang salarin dahil malaki ang posibilidad na iisa lang ang may kagagawan ng lahat ng ito."

Could it be possibly...Haru?

Tumingin ang lalaki sa kanya at malamyang tumango. "You are absolutely right, Elisse. But we're still looking for a stronger evidence that will lead us to him."

Patuloy lang itong nagsalita, telling them when the incidents happened, the names of the missing vampires, the dead ones, where it happened...lahat 'yon, she was oblivious about it. Nagtataka siya kung bakit ngayon niya lang ito nalaman. Maybe, was it because she became too ignorant on her surroundings that she didn't notice that something changed?

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon