Blood 34 - unedited

7.8K 341 16
                                    

Adrienne gritted her teeth when she saw her girlfriend lose consciousness. She felt she'd gone mad enough. She wanted to kill them all.

Gamit ang isip ay pinalutang niya ang mga sumusugod sa kanya and threw them all sa mga pangkat ng newborns na sumusugod pa. Tumalsik ang mga ito dahil sa impact. But she's not yet satisfied.

Nang makita niyang tinatangay na si Elisse ay kaagad siyang tumakbo rito habang pinapatay ang lahat ng humaharang sa dinaraanan niya. "Elisse! Damn it!'

"Kami nang bahala!"

Sumulpot sina Diamond at Sam at sinugod ang mga nagtatangkang umatake sa kanya. Sam made herself hard as metal at ginamit ang kamao upang wasakin ang katawan ng mga newborns. Diamond manipulated their shadows and killed them in the most horrible way a human can ever imagine.

Blood spurted everywhere, madumi na rin ang suot niya. Maging ang lupa ay animo'y diniligan ng pulang tubig. Masakit sa ilong ang masangsang na amoy nito.

She ran faster at hinabol ang mga may dala kay Elisse na papunta na sa forest. Malamang doon ito lalabas dahil may gate doon ngunit matagal nang naisara. Wait. Kung doon sila dadaan, paano nila 'yon nalaman? Maybe the Dean was right. May spy sa loob ng campus. Fuck.

Nang makalapit na sa tamang distansya ay kaagad niyang inangat ang mga katawan nila. They're like worms wiggling in the air. Lahat ay matatalim ang tingin kay Adrienne, ang mga mata nila'y pulang-pula dahil sa uhaw na makapatay. She looked at her beloved girl, worried etched her face. She should've protected her.

She concentrated herself. Manipulating was really tiring, it takes lot of hard work to reach this stage wherein she can manipulate living things. She took a deep breath, napangiti siya nang magkahiwa-hiwalay ang parte ng mga katawan nila. Sigaw ang naririnig niya and right now, it fed her dark soul aching for blood and flesh. Tumulo ang dugo ng mga ito sa damuhan. Ang luntiang damo ay naging pula. Ang sigaw at palahaw nila ay unti-unting nilamon ng katahimikan. Nabalot ng dilim ang masukal na lugar na kinasasadlakan, tinatakpan ng ulap ang araw, at humaharang ang mga matatayog na puno sa liwanag na nanggagaling sa langit.

Tiningnan niya ang huling bampirang nakatayo sa harapan, hawak nito sa bisig si Elisse. She glared at him, he gritted his teeth but she can clearly read the fear lingering on his rotten soul.

"Ibigay mo sa'kin si Elisse." Adrienne's voice was filled with madness. She didn't know what she can possibly do kapag may nangyaring masama sa pinakamamahal.

Hindi siya nito pinansin. Instead, he ran as fast as he could. She clenched her fist and sprinted towards him. Napahinto ito dahil nasa harapan na siya agad nito. Nabitawan nito si Elisse nang hawakan niya ang leeg nito, choking him slowly. He gasped for air as she tightened her metal grip. Hinawakan nito ang kamay niya na nakahawak sa leeg ng lalaki, he scratched her skin harshly. Hindi niya alintana ang sugat na nagagawa nito, ang kuko ng lalaking bumabaon sa laman niya. She will kill him in the worst way possible.

"I am not a class S vampire for nothing," she muttered. He groaned when she choked him harder. "I am not a guardian for nothing."

Unti-unti niyang inangat ang lalaki. Nagpupumiglas ang katawan nito ngunit hindi niya hinahayaang makawala ito. He tried to kick her but she caught his leg and twisted it. She grinned.

The lust to kill was consuming her.

Nanlaki ang mata ng kanyang bihag at napasigaw sa biglaang sakit.

Adrienne licked her lower lip and closed her eyes. Masarap pakinggan ang tunog ng nabaling buto nito. Tiningnan niya itong muli at napangisi dahil sa sama ng pagkakatingin ng lalaki sa kanya. Ibinagsak niya ito sa lupa. Bago pa ito makabangon ay inapakan niya na ang isang paa pa nito. Diniinan niya ang pag-apak, madiin na madiin...na madiin.

Muli itong sumigaw nang may mabali na namang buto rito. Alam niya namang gagaling ito. Pero sa sitwasyon ng lalaki ngayon, she's pretty sure that it will take time to heal. He glared at her, he coughed and breathed hard, his blazing eyes mirrored such madness.

"M-mapapatay mo 'ko, p-pero h-hindi ang...g-ginagawa namin. Ma...ma-makukuha namin si E-Elisse! H...hindi ako mama-mamamatay pa-para s-sa wala!"

"Kung gano'n, let me ask one thing before I kill you." She raised her eyebrow. "Sino. Sino ang pinadala ninyo rito para manmanan kami?"

He laughed although it's hard for him to do so. Pinagmasdan niya ang dislocated na nitong mga paa. Ang nanghihina nitong katawan. "Hi-hindi mo kilala? Mga t-tanga pala kayo!" He coughed again, blood oozed in his mouth, gawa siguro ng pagkakasakal niya. "Kasama ninyo lang s-siya. Inaahas na kayo ngunit wala kayong alam!"

"Sino?" She kicked his gut and he screamed. "Sabihin mo kung sino!"

"M-masasaktan ka l-lang." He coughed and gasped for air.

Without any second thought ay lumuhod siya. Adrienne stabbed his chest using her bare hand, his eyes dilated, his mouth opened ajar, halos mangisay ang katawan ng lalaki nang unti-unti niyang inilabas ang puso nito. Sa harapan mismo nito ay ipinakita niya ang pagdurog dito bago ibinagsak ang walang buhay nitong katawan.

Lumapit si Adrienne at binuhat si Elisse. She tapped the girl's cheeks pero hindi ito gumagalaw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkakamalay pero humihinga pa rin naman. She's glad.

Dinala niya kaagad ito sa infirmary. Nanlumo siya nang makita ang ilan sa mga nakipaglaban kanina na pasyente na ngayon. Alam niyang gagaling sila agad pero nakakapanghina pa rin makita ang ganoong sitwasyon.

Kaagad na dinala si Elisse sa hospital bed. They checked her vital sign at napailing. Lumingon sa kanya 'yung doctor na nag-c-check sa kasintahan. "She was drugged, too."

What the hell. This was same as Rain's situation before.

"Wait. Too?" Kunot noong tanong niya. "What do you mean?"

"Half of the patients we drugged," She said habang patuloy na inaasikaso si Elisse. "Maaring ang mga weapons na ginamit ng kalaban ay may gamot. The problem is, those who were injured and drugged, it lessen their ability to heal on their own. On Elisse's case, she might not be able to wake up soon."

Hinawakan nito ang katawan ni Elisse, may kakayahan ang Doctor na alamin ang nangyayari sa loob ng isang tao sa pamamagitan ng paghawak, like an x-ray, that's why she's the campus' resident doctor. "She has six broken bones in her ribs, I bet nahihirapan din siyang huminga."

Pinansin nila ang malalalim na paghinga ni Elisse, tama ito. Kaagad nitong nilagyan ng oxygen mask ang dalaga, whilst, they took off her clothes at pinalitan ng hospital gown. They were so fast.

"See," The Doctor touched her girlfriend's lower chest, sa may ribs. "This part's tender, which mean nandito yung fracture."

Nanlumo siya sa narinig. Hindi kaagad ito...magigising? "Doc, what do you mean sa hindi kaagad siya magigising?"

She bowed her head a bit, Adrienne held her girlfriend's hand. She felt her heart sunk in when she heard what the Doctor said.

"She's under semi-comatose."

--

"They retreated." kwento ni Sam, "Matapos mapatay ang mga purebloods na tumatayong leader nila, the newborns retreated. But we assure you na malaki ang naging kabawasan nila."

Tumango si Adrienne at pinagmasdan lang si Elisse na hanggang ngayon ay nakapikit pa rin. Hindi pa siya umaalis sa tabi nito simula kanina. Nang matapos ang laban ay kaagad na nagpunta sina Sam sa kanila and she's thankful dahil hindi ito nasaktan. Alam na rin ng mga kaibigan ang nangyari kay Elisse at maging sa ibang nandito. Si Rain naman ay katabi niya rin, bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Kanina pa ito walang imik.

"Kailangan din pala natin um-attend sa burial ng mga namatay na bampire." Sabi ni Rin, hindi kababakasan ang kambal ng kanilang pagiging childish.

Isa pa 'yon. Marami ring buhay ang nawala. Ngayon niya lang nasaksihan ang ganoon, na maraming namayapa dahil sa pakikipaglaban.

"Si Onee-chan, kailan kaya siya magigising?" Malungkot na tanong ni Len.

"She'll wake soon. I know."

Malakas si Elisse. Alam niyang gigising din ito.

So please, wake up, my love. For me...for us.

_____

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon