Blood 3

19.1K 701 11
                                    

"Excited ka?"

"Mas kinakabahan ako." Elisse stared at her best friend, Asha, and shrugged her shoulders in response. "Truth to be told, mas pipiliin ko na lang na huwag umalis."

"But you know you can't," Asha smiled and held her hand. "I'm pretty sure Tita Rain has a good reason kung bakit kailangan mangyari 'to."

Elisse gave a lip tight smile. Alam naman niya iyon na para sa ikabubuti niya ang paglipat. Honestly, she can think of one good reason as to why she needs to switch school at this very inconvenient time of the year.

That...monster.

May kung anong kilabot na umakyat mula sa likuran niya nang maalala ang pinaka-hindi niya malilimutang gabi ng kanyang buhay. The night where she proved the existence of blood sucking creatures.

And here she thought that they're just a foreign myth, a product of imagination.

Kung minsan ay naiisip niyang panaginip lang ang gabing iyon. Pero alam niyang totoo ang sakit at takot na naramdaman niya. Ang nakapagtataka lang ay para bang walang nakatagpo sa katawan nito o nabalitaan man lang na may namatay dahil tanda niyang basta na lang niyang iniwan ang katawan ng lalaki.

She was too terrified that night to even think of hiding the body or trying to hide her appearance that night.

Inilagay ni Elisse sa maleta ang pinakahuling damit na tiniklop pagkatapos ay isinara na. She checked everything and scanned the entire stuff she'll bring and after making sure that everything was all good, she nodded to herself.

She sighed, feeling the weight of the realization of what's bound to happen. Matatagalan pa siguro bago pa siya muling makauwi, at sa kaisipan pa lang na iyon ay hindi niya mapigilan ang pagiging emosyonal. Leaving home was so heartbreaking. It's not the house itself but the memories she's going to leave for a while.

And her mother, she was going to miss her so badly.

"But I'll miss you, seriously." Asha suddenly said, "Ngayon lang kita hindi makikita ng matagal. Pwede bang dumalaw do'n sa bagong school mo?"

"Siguro." she answered, "I'll make sure naman na palagi akong tatawag."

"Dapat lang, 'no. Aawayin kita, sige ka."

Nagkatawanan na lang sila. Para kasing bata si Asha sa inaakto. For Elisse, it's alright to act like a kid. They're still young and being a kid at heart didn't measure age.

Isang mahinang katok ang nagpatigil sa kanila. Segundo lang din ang lumipas ay bumukas ito at iniluwa ang Mama ni Elisse ba si Rain. Ngumiti ang ginang sa kanila.

"Ayos na ba lahat?"

"Yes, Ma," Elisse nodded. Pasimpleng siyang napahawak sa dibdib kung saan nakapuwesto ang kanyang puso. Why did she feel like her heart was slowly turning into pieces?

Asha helped her in carrying the baggage. She gave one last look to her room before closing it. A tear fell from her eyes without permission and wiped it simply so no one would notice.

Pagdating nila sa sala ay nakita nila ang isang lalaki at babae na nakaupo sa sofa. Tahimik lang ang mga ito. The woman stood up while Elisse looked at her in awe, thinking how beautiful the stranger was. Maging ang lalaking kasama nito ay may itsura at hindi maipagkakailang gwapo at makisig ang postura.

"Sila ang mga sundo mo, Elisse." Rain introduced, "They are Rico and Rei from the Knight University."

"G-good morning po." Elisse greeted shyly. She's always like this, feeling so inferior towards others who looked so authoritative or confident. She couldn't help the awkwardness, she just couldn't control her reaction or the way she'd respond in certain circumstances.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon