Blood 27 - unedited

10.8K 394 6
                                    

"Gurabe, Adrienne! Ngiti ka na, gurabe!"

Lalong kumunot ang noo niya kay Rin na parang ewan.

"Oo nga, gurabe!" Isa pa si Len.

Kanina pa ang dalawa na pinagpipilitan na ngumiti siya. She snorted. Tumingin siya kay Elisse na patuloy lang na kumakain na akala mo'y walang nangyayari sa paligid nito. Gutom, ah.

"Adrienne!"

"Smile!"

Napahilot siya sa sariling sentido. Umandar na naman ang pagiging isip-bata ng kambal. "Rin...Len."

"Yes?" Sabay na sagot ng dalawa. She didn't know kung may special link ang kambal pero sabay din ang mga itong nag-puppy eyes. She glared at them.

"Shut up."

"Hai!" Sabay na sumaludo ang dalawa at napailing na lang ang iba nilang kasama sa table. Sanayan na lang, eh, sa isip-isip niya.

Kumain na lang din ang mga ito at nagsusubuan pa. Sometimes, she wondered if there's something going on between the two. Hindi na rin naman bago ang incest relationship.

She settled her gazed to her girlfriend. Napatingin ito sa kanya at ngumiti ng matamis. She smiled back and her heart was overwhelming with happiness. Adrienne can't believe she's really hers now.

"Ngumiti rin!"

Hindi niya pinansin yung sinabi ng isa sa kambal, bahala na sila mag-isip ng kung anong gustong maisip. Basta siya, si Elisse lang ang titingnan niya. She looked at her eyes, medyo naninibago siya na kulay pula na iyon ngunit bumagay naman ang pula sa dalaga. It made her look fierce and hot. It was making her want to take Elisse again to layers of heavens.

She kept her desire at bay. Just the thought of Elisse was making her incredibely insane with love.

"Adrienne."

Natigilan siya pati na ang lahat. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. "Mom."

Napahawak siya sa kamay ni Elisse at hinigpitan naman nito ang kapit sa kanya. She looked at her Mom, Rei, na dumako ang tingin sa kasintahan niya bago ngumiti. Ngiti na...hindi niya alam kung bakit nakapagbigay ng kaba sa kanya. Sometimes, her Mom looked like she'll gonna kill someone.

"Nandito ang Mama mo."

"S-si...Mama?" She almost flinched nang mas humigpit ang pagkakahawak ng kasintahan sa kamay niya. Pero parang gusto niyang ngumiti dahil nakakatuwang ganoon na ito kalakas.

"Yeah." Rei nodded. "Nasa lobby siya ng dorm building ninyo."

"O-okay." Tumayo ito at tumingin sa kanya. "Adrienne? Pwede mo 'kong samahan?"

"Nope. May pag-uusapan din kami ng anak ko." Malamig na tugon ng ina niya kay Elisse bago pa siya makasagot. Ano namang pag-uusapan namin?

"G-gano'n po ba," Bumaba ang tono ng boses ng kapares. Mom nodded in return. Elisse cleared her throat. "S-sige po, mauna na 'ko."

Hinalikan niya muna ito sa noo at nginitian. Her girlfriend smiled and mouthed I love you bago tuluyang umalis. Ang bilis nga nitong nawala sa paningin niya, halatang excited nang makita ang ina nito.

Binigyan niya ng nagpapaalam na tingin sina Sam at kaagad naman siyang tinanguhan ng mga ito bago sumunod sa ina. Tuluy-tuloy lang ito sa paglakad habang siya ay nakabuntot lang sa likuran nito.

Maybe that was one of the traits that she got from her. They're both cold in some ways and they don't smile often. But then, she remembered on her childhood days, her mother used to be sweet and caring to her. Pero siguro may mga bagay talagang nagbabago sa paglipas ng panahon.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon