Blood 11

17.1K 657 42
                                    

"Hinahanap ka ni Diamond." kalmadong sabi ni Sam kay Asha.

She sighed and held her chest. Madalang lang ang pagtibok ng puso niya ngunit ramdam niya ang kakaibang pakiramdam na nanunuot sa sistema. Hindi pa rin ba siya nasasanay?

Nilingon niya si Sam nginitian. "Pupuntahan ko siya mamaya."

"She loves you."

Napabuntong-hininga siya. Alam naman niya 'yon, pero may parte sa loob niya ang nangangamba sa kadahilahanang hindi nararapat ang pagmamahal nito. They left something in the past that was retained unanswered, some deeds they both committed and knew were awfully wrong.

"Are you still holding a grudge against her?" Samantha's second question.

She was indeed holding a grudge against Diamond but it was a long time ago. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sila ang mas matanda sa mga kasama. Bata pa lang ang mga kasama ay nasa wastong edad naman na sina Asha at Diamond.

Diamond Thales was the oldest of them all, older than Asha's departed grandparents that she never knew.

Masama lang talaga ang naging loob niya matapos makipaglaro ni Diamond sa kamatayan. Tanggap na niya ang kapalaran noon, ginusto niya 'yon ─ para takasan ang lahat.

Para takasan ang pamilya niya maging si Diamond mismo. Pero hindi, binuhay siya nito. And now, here she was...a living dead consuming blood. But somehow, she was thankful that she's still alive, she was able to be friends with Elisse and was able to fulfill an unsaid mission she decided to do.

With all those thoughts swirling inside her head, Ashe couldn't help but jump back to the past, where everything was just her, Diamond, and their unfortunate fate...

~~

"Bulaklak para sa isang magandang binibini."

Matamlay na napatitig si Asha sa kasama at napailing. Marahas siyang napaubo at huminga ng malalim. Kaagad naman itong lumapit at hinaplos ang likod niya.

"A-ayos ka lang ba, Asha?"

Malalim na ang gabi ngunit may kaliwanagan pa rin ang hardin dahil sa mga ilaw na nagkalat at dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Kakaiba ang hatid na emosyon na dala ng kakaunting liwanag na gumuguhit sa paligid niya, ang samyo ng malamig na hangin, maging ang pagsayaw ng halaman at dahon na tila ba nagpapalamlam lalo sa kadiliman.

Para bang napakamisteryoso ng partikular na gabing ito.

"Wala lang po ito, Binibining Diamond," ang nahihirapang sagot niya sa pagitan ng pag-ubo.

Si Asha ay anak ng isa sa kasambahay nito rito. Ang ina niya na ni minsan ay hindi siya binigyang pansin. Hindi niya alam kung bakit pa siya nito isinama sa lugar na 'to, gayong ang nakatatandang kapatid niya lang naman ang inaalagaan at pinagtutuunan ng pansin ng magulang.

"Asha, magsabi ka ng totoo," Bumakas ang lungkot sa magandang mukha ni Diamond. Nakasuot ang dalaga ng isang bestidang humahapit sa katawan nito at hindi maikakailang napakaganda ng hugis no'n, umaayon lahat sa tamang kurba ─ balingkinitan. Hinaplos ni Diamond ang buhok ni Asha, seryoso ang mga mata nitong nakatuon sa kanya. "Bakit ba kasi ayaw mong magpagamot?"

Napaiwas siya ng tingin. Anong silbi ng pagpapagamot kung alam niyang may taning na ang sariling buhay? At bukod pa ro'n, gusto na rin naman niyang maglaho. Sa murang edad ay nakapagdesisyon na siyang ayaw na niya. Pakiramdam niya ay walang punto ang buhay, na wala iyong kahulugan kahit ipagpatuloy pa.

Hindi iyon alam ni Diamond dahil siya lang naman ang nakakaalam na malapit na ang nakatakdang oras para sa kanya. Anumang pagkakataon mula ngayon ay maaari na siyang bawian ng buhay. Dahil ngayon ang nakatakdang buwan.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon