Blood 24 - unedited

11.2K 416 3
                                    

Sineiah...became a hero.

The King chuckled and wiped his mouth gracefully. "A hero, huh...Sineiah's more like being impulsive."

Napangiti si Elisse sa humor na ipinapakita ng Hari. After all the years they've been living, mukhang hindi pa rin ito nawawalan ng rason na umakto na normal na nilalang. Normal, in a vampiric way.

Ah, basta. How can she explain something so extraordinary?

Ilang minuto pa silang nagkuwentuhan. Maya-maya lang ay nakikisama na si Dean samantalang ang mga kaibigan niya ay pumunta sa sofa para magkuwentuhan. Ang mag-asawang Frost naman ay lumabas naman para magpahangin. Si Adrienne ay nasa tabi pa rin niya.

"What's your name, young lady?" King Alestrous asked her girlfriend while still smiling.

Bahagyang yumuko si Adrienne. "I'm Adrienne Frost, your highness."

As usual, the coldness in her voice was still obvious.

"I believe that you're one of the guardians?"

"Yes, your Highness."

"Tsk," Napailing ang Hari. "Too formal..."

Hindi naman nag-react si Adrienne samantalang natawa na lang ng mahina si Queen Eleanor.

Ganito pala ang mga ito, mapagkumbaba talaga. Hindi mahahalatang royal sila dahil sa kilos ng mga ito.

"By the way," Queen Eleanor cleared her throat as she averted her gaze to the Dean. "Saan ninyo binabalak ganapin ang debut celebration ni Elisse?"

Napalingon tuloy si Elisse sa Dean. Oo nga pala, hindi pa 'yon napag-uusapan. Hindi rin naman kasi siya nagtatanong at saka mas gusto niyang simple lang ang lahat. Kung anong gusto ng mga ito ay okay lang sa kanya.

"Your Highness, binabalak po sana ng North na sa Main isagawa 'yon."

"Hmm," Tumango ang dalawang kamahalan. "Do what you please. Ikaw Elisse," The Queen gave her a look. "Ano bang gusto mo?"

"A-ah, sila na pong bahala." Sagot niya. Napigil niya yata ang sariling hininga.

"Okay. Well, I would love to request to make the celebration a bit simpler for Elisse," suhestiyon ni King Alestrous, "I bet our chosen one's far from the extravagant type."

She felt herself blushing. Napayuko na lang siya. Iba kasi kapag ito na yung may sinasabi. Nakaka-out of this world. How can she explain that?

--

Pagkatapos ng ilang oras na pag-uusapan—some topics were a bit serious to be listened at—ay napagpasiyahan na nilang magpahinga na muna saglit bago bumalik ng eskuwelahan gaya na rin ng pakiusap ng mga Kamahalan.

Elisse had a good time talking with them. She was wishing she can spend more time with them again someday. At saka, sigurado naman siya na hindi ito ang huli nilang pagkikita.

Nagpaalam sa kanya si Adrienne na sasamahan lang ang mga magulang nito kaya hinayaan niya na lang din, feeling kasi niya ay mas kailangan nila 'yon. Kailangan rin ng mga ito magkaroon ng quality time. Bigla niya tuloy naalala ang ina...kamusta na kaya ito? Marami rin siyang tanong dito. Sana magkita na silang ulit.

Nahiga siya sa queen sized bed sa malaking kwartong ipinagamit sa kanya. Nasa ibang kwarto ang mga kaibigan ni Elisse. Hindi niya lang alam kung ano nang ginagawa ng mga ito ngayon. They've been inviting her to spend some time with them pero tumanggi na muna siya. She needed this time with herself to contemplate with things that are happening.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon