Blood 35 - unedited

8.3K 360 25
                                    

It's been three days simula nang malaman ng lahat na under semi-comatose si Elisse. Adrienne was waiting for her to wake up. She looked so peaceful lying on her hospital bed. It was making her adore the girl's beautiful physique but it made her miss Elisse more, it was making her lonely.

Adrienne held her hand, it iwas cold, but it felt alive. She intertwined their fingers and kissed her knuckles. "Please, wake up soon."

She looked at her face. Bahagyang nakahawi ang kurtina sa glass window kaya tumatama sa dalaga ang liwanag sa labas. The sun rays illuminated more of her beauty, she looked like a goddess in white, sleeping in her chamber. And here she was, waiting for her sleeping beauty to wake up.

Sa mga nakaraang araw ay lagi siyang nasa tabi ng dalaga upang alagaan ito at bantayan. Kinakausap niya rin si Elisse at kinukwento ang mga nangyari nitong nakaraang araw, umaasang maririnig siya nito. She also never failed to plant a kiss on her forehead, hoping that she will feel her touch and open her eyes because of it.

Nagpunta rin ang ina nito at ang mga kaibigan nila. Magulo pa rin ang mga kasama pero ayos lang. Umaasa siyang magigising ang kasintahan dahil sa ingay.

Inaayos na rin ngayon ang mga nasira at na-damage na properties ng school dahil sa pakikipaglaban. Um-attend din sila sa libing ng mga yumao nilang kalahi at kasamahan sa school. Nakakalungkot isipin na kahit gaano kahaba ang buhay nila, they can never escape death, no matter what the circumstances was. But then, their sacrifices won't go to waste. They'll make sure to get their sweetest revenge through victory and peace.

"Gumising ka na, Elisse. Miss na kita...namin." Yumuko siya habang nasa pisngi niya ang palad nito. "As much as you look beautiful while sleeping, it hurts so much to see lying here. I want to see you smile again, I want to hear you laugh...I miss you looking at me with unexplainable love lingering on your new found blazing eyes. I miss your kisses, your hugs...I miss everything about you." She closed her eyes, her jaw stiffed when she felt a tear escaped on her left eye. "I miss you already, I miss you this much...maybe that's how much I love you."

Adrienne sighed and looked at Elisse's still motionless body. She's hoping she will wake up soon. Paulit-ulit na siya, alam niya. Pero iyon lang ang gusto niyang mangyari. She didn't know what will she do if something happens to her.

Ang makita ang pinakamamahal na nasa panganib, masakit na sa kanya 'yon. Oo, si Elisse ang itinakda pero bilang kasintahan nito, nasasaktan pa rin siyang makita itong nakikipaglaban kahit kasama siya nito. Kung pwede lang na itago niya ang dalaga habang buhay hanggang sa matapos ang gulong ito, she will gladly do it.

Pero wala siyang laban sa mga dapat mangyari.

Napalingon siya sa pinto nang bumukas ito. "Mama Rain."

"Can we talk for a minute?"

Tumango siya. Hinalikan niya sa noo si Elisse at taimtim na nagpaaalam bago sumunod sa ina nito. She'll be back immediately.

Napadpad sila sa roof top ng gusali. Mahangin ngayon at maaliwalas ang langit, this was how she pictured herself living with her girlfriend. Saglit siyang napangiti, that will be a beautiful scene.

"Kailan kaya siya magigising?" Napalingon siya dahil sa tanong nito.

"Malapit na po siguro." she said positively, "Bakit hindi na lang po natin siya bantayan?"

Umiling ito at ngumiti, pero iba yung ngiting 'yon. May halong lungkot. "I'm afraid of her safety, I don't know how long we can protect her."

"Ako rin naman po...but we will do our very best to keep her safe."

"Even if she's fighting, too."

Tumango siya.

Silence filled them both. Parang ang lalim ng dinadala nito. "May gusto po ba kayong sabihin?"

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon