Blood 21

14.2K 441 9
                                    

Mabilis na nakaiwas si Elisse sa atakeng natanggap bago ito gumanti pabalik. Nginisihan siya ni Adrienne habang umaatras. Natamaan niya ito sa tagiliran pero mukhang hindi naman ito nasaktan.

Kanina pa silang ala-cinco ng umaga sa field. Pagkatapos nilang mag-exercise ay isinabak na agad siya nito sa training. They've been doing this for almost a week and somehow, her body was starting to get used to it.

"Still up?" Adrienne asked with a visible grin on her face.

"Hm," She nodded. Her lover looked so alluring but she can't let herself get distracted. Bakit kasi naka-sports bra and sweatpants lang ito?

Elisse executed an attack towards her opponent. Alerto talaga ito kaya naman kaagad din itong nakaiwas gamit na rin ang bilis nito. Elisse can do the same but unlike her friends, she's quick to exhaustion.

She was about to launch another kick when someone suddenly spoke. Sabay silang napahinto.

"Dean?"

The said man smiled and motioned for them to come with him and they quickly obliged. He was looking formal and gentle as always, like the first time she saw him. Ngayon niya lang ulit ito nakita.

"Be ready in an hour. May bisita tayo." Wika nito habang nauunang maglakad sa kanila.

"Sino po?" Tanong niya dahil mukhang wala namang interes si Adrienne sa narinig. Nakahawak lang ito sa kamay niya at para bang hindi alintana kung may kasama sila o wala. Kahit ba mukhang importante ang usapan.

The Dean gave her a quick gaze. "Our fellow allies. Dadating dito ang mga kinatawan ng Five Divisions."

That's the second time she heard it. Minsan na itong nabanggit noon ng isa sa mga guro pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na magtanong. Bago pa ulit siya makapagsalita ay nawala na ang Dean nang hindi niya namamalayan. Kumunot ang noo ni Elisse.

"Kanina pa nakaalis," Sagot sa kanya ni Adrienne na para bang alam na alam nito ang tumatakbo sa isip niya.

Pagkarating sa room nila ay nauna nang naligo ang kasama habang siya naman ay nahiga lang at napapikit. There's a ton of things playing in her head. Things were getting serious. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano. Maybe she should feel glad with the progress because it means that they'll be able to solve things as soon as possible, yet she's terrified that the result might not be to their liking.

Maraming pwedeng mangyari sa hinaharap. Ngunit sana sa huli ay maging mabuti ang kahinatnan ng mga bagay-bagay at walang kahit sino ang mapahamak.

"Elisse."

Napamulat siya at napatingin kay Adrienne na nakabihis na. Ang bilis naman nito. Ilang minuto ba siyang nakapikit?

"Maligo ka na," utos nito.

"Okay." Kukuha na sana siya ng damit na susuotin nang pinigilan siya nito. Nagtataka siyang napatingin sa dalaga. "Bakit?"

"Ako nang maghahanda ng susuotin mo."

"Pero─"

"Elisse." Adrienne's voice was firm and final.

Napabuntong-hininga na lang siya at tumango. Hindi naman din talaga siya makakakontra dito.

Pumasok si Elisse sa banyo at nagsimula nang maligo. Medyo binibilisan niya na rin dahil baka mahuli sila sa pupuntahan kung mag-iisip pa siya masyado.

Saglit na bumalik ang kaisipan niya sa kasintahan habang naglalandas ang tubig sa kanyang katawan. Kahit sila na ni Adrienne, madalas pa rin talaga na bossy ito. Kapag gano'n ay hindi na siya makakontra. Ngunit malambing naman ang dalaga, siguro ay sadyang natural na ang pagiging moody nito.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon