Blood 28 - unedited

11.2K 391 14
                                    

"T-teka, Adrienne—" Kaagad siyang tumalon paatras bago pa siya nito matamaan. Elisse positioned herself in defense mode habang hinihingal na nakatitig sa katunggali, nagbabantay sa bawat kilos.

Sa malayo ay nanonood ang mga kaibigan sa ginagawa nila. They're on training today at si Adrienne ang lumalaban sa kanya ngayon.

Ngumisi ito at mabilis na nawala sa paningin niya. Elisse alerted herself for any attacks that will come from her. Ang sakit na ng katawan niya dahil ilang beses na siya nitong natamaan.

She breathed so slowly, her eyes moving in a certain way like a predator waiting for its prey. Nang makaramdam siya ng pwersa sa kanan niya ay kaagad siya napaatras, lumitaw si Adrienne at kaagad siyang sinugod. Bahagya niyang itiniklop ang mga tuhod at iniunday ang hita para matisod ang kalaban. Adrienne jumped and from the top, the opponent aimed her fist, ready to punch her. Nakailag siya at napalunok dahil nagkaroon ng bitak ang sinuntok nito. Napatingin siya rito. Ngumiti ito at kumindat kaya hindi niya naiwasang matigilan. Why does she to have to do that?

"Take this!" She yelled and ran towards her. Sinipa niya ito pero nasalag nito ang atake kaya ginamit niya ang puwersa ng katawan para maiangat ang sarili sa ere, humugot siya ng lakas at ibinaluktot ng bahagya ang sarili, inilalaan ang lakas sa pang-ibabang katawan, at ginamit ang isang paa para atakihin ito. Muli ay nasangga iyon ni Adrienne. Elisse bended her knees and upper body and jumped backward like a spring. She was panting heavily.

"You're improving, love." Her opponent said with an obvious grin.

Narinig niya namang parang kinikilig na tumili sina Asha at ang kambal.

"Love daw, oh!"

"Instant energy na 'yan, Elisse!"

"S-salamat." Sabi niya na lang kay Adrienne at hindi na pinansin ang mga kaibigan nila.

Nawala ang ngiti sa labi nito kaya nagseryoso na ulit siya. Huminga siya ng malalim. Pareho silang nagpapakiramdaman. Naglakad siya pakanan at gano'n din ito. The ambiance seemed different, the air smelled danger...in a good way. How can it feel good when she's in danger? Nababaliw na yata siya.

Adrienne suddenly stopped. Sa pagitan lang ng ilang segundo ay namalayan niya na lang na sumugod na ito, nakailag siya at tinangka itong suntukin bilang sukli ngunit nasalo nito ang kamao niya gamit ang palad nito. She pulled Elisse towards her at inikot ang braso papuntang likuran niya, siniko niya ito pero nasangga ito ng isang kamay nito at ngayon ay hawak na siya ng katunggali nang mahigpit. Sinubukan niyang maluwagan ang kapit ng kalaban pero mas humihigpit lang ito. Sinubukan niyang undayan ito ng sipa kahit nasa likuran niya ito ngunit iginapos niya nito ang binti sa kanya, hindi man lang siya binibigyan ng pagkakataong makagalaw.

"Done," Adrienne whispered and kissed her earlobe and Elisse automatically closed her eyes. Napigil niya yata ang sariling hininga nang dilaan at kagatin nito ang itaas na bahagi ng tainga.

"A-Adrienne..." Pakiramdam niya ay nanlalambot siya at parang ito na mismo ang umaalalay sa katawan niya. Bumaba ang labi nito sa panga niya at mukhang nawili na sa parteng 'yon. "Wait—"

"Oh, tama na 'yang landian!"

Napahinto ito sa ginagawa. Pinakawalan na siya nito at muntik pa siyang bumagsak dahil parang bibigay ang tuhod niya, mabuti na lang at nasalo siya ng dalaga. She can feel her desire heightened.

"I really have that effect on you?" Nakangising tanong nito, ang mata ay nagliliwanag sa kapilyahan.

Hindi na lang siya sumagot dahil alam na naman nito ang sagot. Naglakad na sila palapit sa mga kasamahan—si Sam na may hawak na libro, at si Diamond na nakatingin lang kay Asha na nakikikulit sa kambal.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon