Blood 29 - unedited

10.1K 362 3
                                    

The coordinates brought Elisse on the excluded part of the South Division. Masukal at tahimik ang lugar, isa itong abandonadong nayon na hindi na muli pang tinirhan ng mga tao dahil sa ilang mga dahilan. Probinsyang-probinsya ang dating ng lugar...wala nga lang tao. May mangilan-ngilang bahay ang nakatayo, mga matatayog na punong taon na rin ang tanda, nagsisitaasang talahib at huni ng mga hayop sa lupa at himpapawid.

Base sa sinabi ng Dean sa kanya, ang buong lugar ay pagmamay-ari na ng isang pribadong tao at wala na silang oras na kilalanin iyon. The whole place was dull and useless but nevertheless, this might be the place where she will be able to find her mother.

Alertong naglalakad si Elisse, natatapakan niya ang mga tuyong dahong nagkalat sa lupa pero wala na siyang pakialam kung may makarinig man sa kanya dahil iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari.

She didn't have any plan, ang nasa isip niya lang ay iligtas ang Mama niya. Siya lang din mag-isa ang pumunta because she wanted to prove the she can save her mother, that she can be an independent fighter, that she was meant to be called the chosen one.

Inilabas niya ang isang katana na ibinigay sa kanya mismo ng Head Captain ng north, first division, na si Calix Crisostomo. Ang katanang hawak ay isang uri ng Japanese sword na ginamit ng mga samurai noong panahon ng feudal Japan. The katana is characterized by its distinctive appearance—a curved, slender, single-edged blade with a circular or squared guard and long grip to accommodate two hands. Hindi niya alam kung kaya ba niya itong gamitin pero maigi niyang tinandaan ang mabilisang pagtuturo nito sa kanya. There's no room for mistakes.

Napatigil si Elisse at pinakiramdaman ang paligid. Kumunot ang noo niya nang makakita ng tao. Her breath sharpened. It's a vampire.

Tumakbo ito ng mabilis na kaagad niyang sinundan. Dalawa lang ang maaring pwede niyang isipin—una ay inililigaw siya nito upang mahulog sa isang patibong at pangalawa, papunta ito sa kung saan nakatago ang ina niya.

She took a deep breath and sighed when they reached a certain place at the midend of the creepy place. It was indeed more covered with darker shades of tall grassed, the paths were narrower and even the trees served like a wall.

Napatingin siya sa harapan niya. Isang bahay ang nakatayo hindi kalayuan, ang tantiya niya ay may dalawa itong palapag. Luma na ang bahay pero mukhang buo pa naman ito.

Huminto roon ang bampira at mabilis na lumingon sa kanya, nakalitaw ang pangil nito at namumula ang mata ngunit mukhang wala itong balak na sumugod. Pumasok ito sa loob ng bahay at iniwang nakabukas ang pinto na parang inaanyayahan siyang pumasok. Napalunok siya at sinundan ito.

Pagpasok sa loob ay nakita niyang nakapaligid sa bawat sulok ang mga newborn na bampira, pawang mga nagmamasid at naghihintay. Alam niyang mga newborn ang mga ito dahil halata niya iyon sa mga kilos nito. Naalala niya tuloy noong unang beses siyang makaengkwentro ng bampira. Sabik ito sa dugo.

"M-Ma!" Nanlaki ang mata niya nang makita ang hinahanap malapit sa kanang bahagi ng kwarto. Wala itong malay na nakahiga sa isang pulang sofa na halos sira na ang balot. Lalapit sana siya ngunit napahinto nang mapatingin siya sa nilalang na bumababa sa hagdan. Kulay puti ang buhok nito at maganda ang pangangatawan, may itsura din ng lalaki. Ngumiti ito sa kanya. She felt something paradoxical—both threatened and secured. Could that be possible? "Who are you?"

Tuluyang nakalapit ang lalaking may puting buhok sa ina niyang si Rain, hinaplos nito ang buhok ng babae bago lumingon sa kanya. "Mukhang hindi talaga niya ako kinuwento sa'yo."

Napakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin dahil wala naman siyang naiintindihan.

"It is my first time to see you," the man said, "it's indeed a pleasure to finally meet the chosen one. Hail, Elisse." He took a step closer and bowed slightly. "I am Haru."

"What do you want?" ang kaagad na tanong niya. Pakiramdam niya ay inililigaw siya nito sa isang usapang walang kabuluhan.

"Simple." Haru snapped his fingers. "Gusto kong sumama ka sa akin at ipapangako kong hindi ka mapapahamak. After all, you are Rain's precious daughter."

Naglakad ito palapit. Napansin niya ang kulay tsokolateng mata ng lalaki.

"Wala akong balak sumama. Gusto ko lang makuha ang ina ko." mariin na sagot niya, "Ngayon, Haru, walang mapapahamak kung ibibigay ninyo siya sa'kin at hahayaan kaming makaalis."

The man laughed, like he found some new humorthrough her. "Patapusin mo muna ako." Lumapit ito kay Elisse na hindi naman natinag sa sariling puwesto. "Hindi naman tayo ang magkalaban. Ang mga nasa divisions ang kalaban. They're just manipulating you, to do what they want you to do. Sa totoo lang, kami ang tagilid sa labang ito. I just want to fall everything into its right places. I am for equity, don't you want that?"

"What do you mean?"

"In order to bring peace, don't you think it would be the best to only have the same race? I mean, humans, they are weak and would be unable to survive if it's not for those stupid Samaritan vampires." He said, his voice sounded pissed.

"Does it mean you are planning to wipe out the humanity?" Naghihinalang tanong ni Elisse. Iyon ang pinakalamapit na interpretasyon sa naging pahayag nito.

"No, no," Haru laughed gently. "I told you I am for equity, aren't I?"

"Equity?"

He nodded. "Equity and equality have different meanings but have the same goal—fairness. Equity is giving everyone what is needed to achieve a certain goal while quality is giving everyone the same. But not everyone begins at the same place, and not everyone has the same needs. So I shall promote equity. Beautiful, don't you think?"

She didn't answer. Elisse didn't know why does she need to hear his side when she only wanted to save her mother.

"From the reality perspective, equality develops inferiority and inferiority creates war. Same idea to vampire as the superior one while humans will remain inferior. You get the idea? What I mean is...to promote equity, we must ensure the fairness to everyone. By that means, I am planning to—"

"To turn every humans into vampire." Pagtatapos ni Elisse. She shuddered with that thought.

"You nailed it." He snapped his fingers and grinned. "And we need you."

"That will distort the natural balance of the nature." Kunot-noong sagot ni Elisse.

"How come? We are the superior race, we can't distort the balance, Elisse. Mas kaya nating mapag-ingatan ang lahat."

"Insane."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Haru. She thought he finally reached his limit. "You don't understand me, do you? You don't understand how pure and helpful may objective is. Nilason na nila ang pag-iisip mo."

Hindi siya sumagot. Naiintindihan niya. Baluktot ang dahilan ni Haru, he's choosing the easy escape to find peace. Or maybe he's too boastful to think that he can solve everyone's dilemma.

And again, he snapped his finger. Kaagad na umayos ang mga alagad nito. They were ready to attack.

"Isasama kita sa ayaw o sa gusto mo."

In just a split of second ay isa-isang sumugod kay Elisse ang mga newborn, kaagad niyang inilabas ang katana at itinutok ito sa mga kalaban. She slashed every body, cut its arms, legs, and heads. Her eyes turned into white—like a flashlight shining in the dark. Her senses turned sharper and her skills improved in an instant.

Dinukot niya ang puso ng isa at dinurog, the scent of blood in the air made her dizzy and excited. Her blood lust aroused her. She jumped and stabbed the last newborn. Blood filled the place, even her own body.

Paglingon niya ay wala na si Haru, mukhang sinadya nitong abandunahin ang mga tauhan, ngunit naiwan na walang malay ang ina niya.

Unti-unting naging kalmado ang kanyang damdamin. Lumapit siya kay Rain—sa kanyang ina—at napayuko sa harap nito. Napangiti siya. "Uwi na tayo, Mama."

Binuhat ni Elisse ang ina at inakay ito palabas.

_____

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon