Blood 12

16.3K 596 66
                                    

"Okay ka lang?"

Napatingin si Elisse kay Adrienne na humahaplos sa buhok niya ngayon. Ang dalaga kaagad ang bumungad sa kanya nang magising. Bumangon siya at napasinghap dahil sa biglang pagkirot ng ulo. Maagap naman siyang inalalayan ni Adrienne at isinandal ng maayos sa ulunan ng kama.

"Careful."

"Y-yeah. Sorry." Paumanhin niya at saglit na ipinikit ang mga mata. Huminga siya ng malalim bago tiningnan ang kasama. "Ilang oras akong nakatulog?"

"Almost five hours din."

Nanlaki ang mata niya sa narinig. Five hours? Gano'n siya katagal nawalan ng malay at dahil lang 'yon sa naririnig niyang boses sa loob ng isip? That was...

Awesome, I know, sagot ng boses sa isipan. Napakunot siya ng noo at napailing. She's talking to her again.

"May problema ba?" Napatingin siya kay Adrienne at umiling na lang. Ayaw niya namang mag-alala pa ito.

She took a deep breath and decided to get up. She looked at the clock and noticed that it's already seven in the evening. Palagi na lang siyang tulog. "Kumain ka na ba?"

Umiling si Adrienne at tumingin sa gawing kanan. "Binantayan lang kita."

"So hindi pa nakakapagluto?"

"Nope."

She nodded. Kumuha siya ng damit sa closet at ng isang malinis na towel. Pakiramdam niya ay ang lagkit na niya. "Maliligo muna ako."

"Leave your clothes here."

"Huh?" Napatingin siya kay Adrienne at nahuli niya itong nakangisi habang nakaupo sa kama.

Sumandal ito sa headboard at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Elisse felt something static starting from her nape down to her back. "I want to watch you habang nagbibihis."

Sa sinabi nitong 'yon ay kaagad na nag-init ang mukha niya at napailing. Kinuha niya pa rin ang damit at iniwan si Adrienne doon na nakangiti lang. Hindi niya yata kaya ang gusto nito.

Pagpasok niya sa loob ay kaagad siyang nag-shower. Tumingala siya at hinayaan ang patak ng tubig na tumama sa kanyang mukha pabagsak sa katawan. Malamig ang tubig, nakakakalma.

Ang hot niya, right? Pang-aasar sa kanya ng boses sa isip niya.

Umiling siya at napakagat sa ibabang labi. Ang gulo naman nitong boses na 'to.

If I were you, susundin ko ang gusto niya. I would love to seduce her in her own game.

Hindi ako gano'n. Hindi ko kayang gawin 'yon.

Nababaliw na yata siya. Bakit niya ba kinakausap ang boses sa isip?

You like her, don't you?

Napahinto siya at napayuko. Gusto niya ba si Adrienne? Hindi siya sigurado. Gusto niya nga ba ito? Elisse liked her hugs and kisses. Siguro naiilang siya sa simula ngunit habang tumatagal, hinahanap-hanap niya na 'yon, na para bang parte na 'yon ng sistema, ng daily routine niya.

She liked how territorial Adrienne can be when it comes to her. Muli niyang inalala ang imahe nito sa isipan at kusa na lang na kumabog ang dibdib niya na parang may kung ano sa loob na gustong kumawala.

Or maybe, you're lusting over her?

Lust?

Alam niya ang ibig sabihin no'n. Hindi siya batang musmos para hindi maramdaman 'yon. Pero kay Adrienne niya lang naramdaman 'yon, at tingin niya, higit pa ro'n ang kanyang nararamdaman.

Blood Sucker [Completed, Editing/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon