Chapter 1

1.1K 28 0
                                    


[Hera]

Humihingal ako na napahiga sa buhanginan. Sandaling inihimlay ang aking basa at nanginginig na katawan. May ilang oras din ang aking nilangoy upang marating itong islang aking pakay.

Nagpapahinga man, nilibot ko ng aking paningin ang buong isla. Napapalibutan ito ng puting buhangin na wari'y nag-aanyaya sa sino mang gustong bumisita. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, ito din ay pugad ng kasamaan at nababalot ng misteryong dapat na matuklasan.

Hinanda ko ang aking mga kagamitan, mga baril at mga bala. Ito’y aking mga baon sa misteryong aking huhukayin. Baril at mga bala ang aking kasangga para mapanatili ang aking seguridad sa lugar na aking lalakbayin, lugar ng kasamaan at misteryo.

Nag-uumaga na. Pasikat na ang araw. Kailangan ko ng kumilos. Ibinaon ko sa buhanginan ang scuba tank na ginamit ko sa pagsisid at paglangoy patungo sa islang ito.

***
Palinga-linga ako habang dahan-dahang pinasok ang isang malaking bahay sa gitna ng kagubatan. Napapalibutan ito ng mga punong-kahoy at nagsisilbing pananggalang mula sa paningin ng sino mang maglalakas-loob na hanapin ang misteryo.

Kailangan mo ng lakas ng loob at kupiyansa sa sarili mo para mahanap ito. Hindi maaaninag ang bahay kung hindi mo dadayuhin ang gitna ng kagubatan. Hindi rin basta-basta makakarating sa gitna ng kagubatan. Mismong ang kagubatan ay sumasang-ayon sa mysterio ng bahay na ito.

"This place is so perfect for him. He made it perfect for his dark plans." Sabi ko sa sarili ko habang naghahanap ng daang maaaring makapasok sa loob ng bahay ng hindi nahahalata nino man.

Ang tahimik ng lugar. Sadya nga itong magandang pagtaguan. Walang katao-tao. Sa taimtim ng lugar ay napakadali marinig ang mga paano naglalakad. Hindi mo aasahan na sa gitna ng kagubatan kung saan ito’y hindi pa napapasukan ng kabihasnan ay mayroong isang masasabing modernong bahay. Ang bahay ay animo'y mansion na maituturing sa laki at gara.

Mansion nga ito ngunit ang nakapagtataka ay ni isang gwardiya ay wala akong makita. “Masyadong delikado. Kailangang magdoble ingat ako. It seem that the whole house promised a trap." Sa dami na ng aking napuntahang lugar, ito lang iyong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako sanay sa ganitong katahimikan. Pakiramdam ko ay mapapahamak ako sa sandaling ako'y malingat. Dahan-dahan ako naglakad. Tinalasan ko ang aking pakiramdam. Nang makapasok ako sa sala ni isang aninag ng tao ay wala akong nakita. Nababaghan na talaga ako sa nabungaran.

Hindi ganito ang iniexpect ko dito. Akala ko pagtapak ko pa lang sa lugar ay agad na bubungad sa akin ang umaatikabong putukan. Ngunit sa kasawiang-palad, nakakatakot na katahimikan ang aking nadatnan. Ni isang anino man lang ay wala akong makita. Ni isang tulog ng galaw ay wala akong marinig maliban sa sarili kong paghinga at pagbilis ng tibok ng puso ko.

***

Nagulat na lamang ako ng biglang may humablot sa akin mula sa likuran. Iginapos niya ako sa kanyang mga yakap na animo'y bakal na hindi matibag-tibag. Nagpupumiglas ako pero di yata't sobrang lakas ng taong humuli sa akin.

"Bakit ka pumasok sa pamamahay ko? Sino ka?" Natigilan ako.

Hindi dahil bigla akong natakot o kung ano pa man. Kundi dahil sa boses ng aking tagapigos na wari'y singlamig ng yelo. I can sense his coldness. Walang warmth. Walang emosyon. Pure coldness.

Dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya. Then, I clearly saw that cold eyes of his, totally creepy at almost heartless. Taliwas sa kanyang kalamigan ay makikita na isa siyang gwapong nilalang. Matangkad. Humigit kumulang 6 na talampakan. Maputi pero hindi maputla hindi gaya ng iba dyan. Gwapo pa kaysa sa mga artista sa pelikula na aking nakakapareha. Mahahaba ang pilikmata. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong. Mapupula ang mga labi. Almost an ideal and perfect man that a woman can imagine.

“Woman…" he said in his icy cold tone, “Answer me. Why are you here? Paano kang nakarating sa isla ko," he added.

Wait! Isla NIYA? Kanya ‘to? I can’t find my words. Wala akong maisasagot. I was about to break free and run from his capture when he spoke.

"Ah! So you are my new masterpiece. They've sent you from the city."

He is an artist? That artist who I was looking for ages? Bahala na. I need to be near him. I'll do whatever it takes just to succeed in this mission.

Tumango ako and smiled at him. He just stared at me as if I’m his new found toy. He showed no emotions just pure blank face.

"Hera Austria." I extended my hand for a handshake. To no avail, he didn’t reach out. He just stared at it with his dark gaze.

"Call me Jacob." He calmly said and then left me hanging there.

[JACOB]

I looked at my new masterpiece. She has that angelic face. Maputi. Mapipilantik ang mga pilikmata, akma sa mapupungay niyang mga mata. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Truly a masterpiece. A diamond in a rough.

She sat in front of me as we eat. I knew she's no ordinary woman. She looks as if she's innocent. However, I can read people. I sensed that she's a tough one. Misteryoso ang pagkatao nya. There is a feeling inside me that say, “Don’t trust her.” Actually, I have never trusted anyone. Not before and surely not now with her.

I saw that looked my in way. Naconscious yata. She smiled. That smile of hers is perfect for my new artwork.

After ilang subo, “I’m done. Be at my studio after you eat." I instructed. Hindi sa ayaw ko ng pagkain. The truth is I can’t stand seeing someone smiling at me. Kung bakit kasi kailangan pa nilang ngumiti kahit hindi naman kinakailangan. The only person that I allow to smile at me was my mother. Only my mom.

Although there is a firm belief that love makes the world go round. Yet, the reality is that hindi ako naniniwala. What I firmly believed ay mapaglaro ang mga tao. Sasaktan at sasaktan ka nila hanggat may pagkakataon sila.

With such mentality, women became mere objects to me. They are simply subjects of my artworks. A channel for my lust. Parausan kung baga. Say all that you want but it’s better that way for they would take advantage of you when you show them emotions, when you show them care and love. They would use that against you.

Mapanakit ang mga tao pero I’m not that kind of a person. I choose to be cold because I don’t want to get hurt. Let us just say my experience taught me and made me like this. My observations of how my dad treated my mother were enough evidences to conclude that I have to be like this.

My mom loved him more than she loved herself. I don’t want to make the same mistake as my mom. I don’t want to lose myself into someone who would soon betray me and would just play with my feelings. I saw my mom's struggles. That would be enough awaking to such reality.

Mahal niya ang daddy. She even sacrificed and left him for years para maayos ang buhay niya. She gave him everything. She did everything for him but the reciprocal approached that my dad did was the opposite.

I don’t want to be hurt the way my mom experienced. I don’t want to play with the feelings of others para lang makaganti. I don’t want to hurt a woman kasi parang sinaktan ko na din ang mommy ko.

Is it paradoxical? I treat them as mere object but at the same time I don’t want to hurt them. It’s better to be coldhearted than to be heartless.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon