Chapter 50

463 15 0
                                    


[Marky Zamaniego]

Im back! Hahahahahaha (Evil laugh)
Everybody thought that I am dead right? Well you got it all wrong. Hahahaha
Well ako din naman. I never expected this. Maybe I am lucky. Maybe Im still damn lucky i can finish my mission.
And that is killing De Guzman and Rivera. May bonus pa ngayon...ang dalawang nakakarindi na maliit nilang mga anak na uunahin kong patayin sa harap nila mismo.
Ang sama ko ba? Hahahahahah!
Hindi! Sila ang masama! Kasi pinatay nila ang tatay ko...Nakulong ang nanay ko...At ako? Ako na kamuntikan ng mapatay ng hayop na tatay ng babaeng yun.
Lahat sila may kasalanan sa akin. Lahat sila dapat kong bawian. Kaya lahat sila doesnt deserve to be happy!
Ako lang ang pwedeng maging masaya! Ako lang! Hahahaha.
---------------------------------
"Hello Loverboy" nagising ang natutulog habang nakagapos na si Jacob De Guzman.
"This is it Loverboy! Magkikita na rin kayong muli ng pinakamamahal mong si Hera! Tsk tsk. Wrong statement! Ng pinakamamahal KO palang si Hera! Kasi akin dapat sya De Guzman! Akin! Kaso dumating kang punyeta ka!"
Napaungol ito ng hampasin ko sya ng M16 sa mukha.
"Hayop ka Zamaniego! Pakawalan mo kami dito. Maglaban tayo ng mano mano hayop ka!"
Sigaw nito habang patuloy na umaagos ang dugo sa mukha nito.
Hahahhahaha. Yan ang gusto ko. Ang makakita ng dugo ng mga taong pinapahirapan ko.
Pakiramdam ko nagtatagumpay ako sa paghihigante para sa amin ng mga magulang ko.
"Masakit ba De Guzman? Look at me? Nakikita mo ba ang ginagawa nyo sa pagmumukha ko? Himalang nabuhay pa ako diba?"
Puro pilat at tahi ang mukha ko. Ng niratrat ako ng hayop na Tadeo Rivera na yun halos masira ang pagmumukha ko. Pero anong sarap na malaman na pinapanigan ako ng maykapal! Buhay na buhay ako! Buhay na buhay si Terrence Angelo Zamaniego Jr. Hahahahahahah!
"Gusto mong gawin ko din sayo ang ginawa ni Rivera sa akin ha?" akmang hahampasin ko ulit sya ng M16 ng humahangos na papalapit ang tauhan ko.
"Boss nandito na po sya. Nag iisa lang po talaga."
Napangisi naman ako.
"Chineck nyo ba na dalawa ang buong lugar? Nakakasigurado ba kayong nag iisa lang sya."
"Opo boss. Nag iisa lang po talaga sya."
"Ano pa ang hinihintay mo? Salubungin mo sya. Dalhin mo sya dito."
Dali dali namang tumalilis ang tauhan ko.
Nangangati ang mga kamay ko. Sa wakas. Makikita ko na rin muli si Hera.
Ang babaeng mahal na mahal ko pa din magpahanggang ngayon.

[Rain]
Papalapit ako sa bodegang yun ng may sumalubong sa aking payat na lalaki.
Agad ako nitong hinawakan at tinutukan ng baril.
"Bitawan mo nga ako. Nasaan ang amo mo?" nginisihan lang ako nito at itinulak papasok sa bodegang yun.
"Hera my love." naikuyom ko ang kamao.
Kilalang kilala ko ang tinig ng hayop na yun.
Bumungad sa paningin ko si Marky. Pero ibang iba na ang itsura nito.
Balbas sarado na pero kitang kita parin sa mukha nito ang bakas ng nakaraan.
Makikita pa ang bakas ng tahi at mga pilat na dulot ng pagkakabaril dito.
"Marky?"
Ngumisi naman ito.
"Miss me my dear Hera?"
"Sinong makakamiss sayo na hayop ka? Akala ko pa naman kasama ka na ni Satanas sa impyerno!"
Tumawa naman ito ng pagkalakas lakas.
"Ako mismo si Satanas Hera. Ako mismo ang papatay at magdadala sa inyo sa impyernong sinasabi mo. Hahahahaha."
Tinutukan ako nito ng baril.
"Hala hubad. Maghubad ka sa harapan ko Hera. Hubad!" utos nito.
"Bakit ko naman gagawin yun?"
"Gusto mo pa bang makitang buhay ang mag aama mo o uunahin nalang kitang patayin ngayon?" nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang maghubad sa harapan nito.
"Oh la la. Ang kinis at ang sexy mo pa rin hanggang ngayon Hera. Nababagay ka sa akin at hindi sa De Guzman na yun."
"Hindi Marky. Si Jacob lang ang mahal ko at hindi ikaw! Never kitang mamahalin dahil ang sama mo.!"
Nanlilisik ang matang hinawakan ako nito sa braso.
"Wag na wag mo akong gagalitin Hera! Kundi pasasabugin ko yang baho ng ulo mo!"
"Hah! Eh di gawin mo Marky! Gawin mo at ng sumabog ka din kasama ko!"
Tumalikod ako at ipinakita ang bombang nakakabit sa likuran ko.
"Fvcking whore! Damn!" naisigaw nito habang lumalayo sa akin.
"Come here Marky. Diba gusto mo ako? Hug me Marky. Sige na. Wag ka ng mahiya." nang uuyam kong sabi sa kanya.
"Fvcking shit! Wag kang magbibiro ng ganyan Hera! Wag kang lalapit."
Nakangisi akong lumapit sa kinaroroonan ni Marky habang ito naman ay paatras ng paatras.
"At sino sa tingin mo ang nagbibiro Marky? Tingnan natin ang tapang mo. Sumama ka sa akin sa kamatayan! Ihahatid kita sa impyernong pinanggalingan mo!"

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon