Chapter 7

560 23 0
                                    


[Hera]

(Grrr. Pati yata sa story na to ako lang ang nagsasalita. Hoy! Jacob, umayos ka nga. POV mo naman oh. Nakakapagod din eh. Don't misinterpret me po. Gusto ko lang magsalita si Jacob the Monster.)

Nakakabaliw na talaga 'to. Mas mabuti pa yatang kausapin ko ang loro. Anak ng tokneneng naman kasi.

"Waaahhh! I can't take this anymore!" Bigla na lamang akong napalahaw.

Paano ba naman kasi kanina pa kami magkaharap dito sa hapag? Kanina pa din ako nabuburyong kakaisip ng kung ano-ano para aliwin lang ang sarili ko. Mabuti pa sa langaw nakakarinig ako ng buzzing sound. Sa Jacob na 'to, wala kahit ano.

Sinamaan ko s'ya ng tingin.

"What?" He said, habang nakatitig lang sa akin.

"Magsalita ka naman, Jacob. 'Yong mahaba naman oh. Mababaliw na ako sa katahimikan dito."

Tinitigan lang ako at saka tinalikuran na naman ako.

"Ano ba, Jacob! Nakakainis ka na ah. Tatalikuran mo lang ba ako palagi?"

Binato ko nga ng tinidor. Buti nakailag. Pero binalingan ako.

"Patay. Sorry." Nagpeace sign pa ako.

"Gusto mong makita si Jacob the monster?" sabi nito habang lumalapit sa akin.

Lah! Ayan na. Magagalit na yan.
Nakakatakot kaya s'ya magalit? Naku! Parang ayaw kong itry.

Napailing iling ako. Tinitigan lang ako nito.

"Tititig ka nalang ba lagi sa akin Jacob? Ang ganda ko ba talaga?" Pffft! Mukhang mag-eenjoy ako sa pang-aasar sa isang 'to.

"Yes. Maganda ka. Maingay ka lang. Gusto mo itapon kita sa bangin?"" Lah! Monster nga talaga s'ya.

Pero maganda daw ako? Galing talaga 'yon sa kanya? Seryoso? I blushed.

Haist! Ano ba 'yan, Hera! Parang sinabihan ka lang ng maganda flattered ka naman d'yan.

[Jacob]

I saw her blushed. Actually maganda naman talaga s'ya. Hindi lang talaga ako sanay sa maingay na gaya n'ya.
Hindi ako sanay sa kaguluhan ng mundong tinatakasan ko na pilit namang ibinabalik ng babaeng ito.

I can paint well kapag tahimik. May peace of mind ako kapag ganoon.

I am a jolly kid in my past. Pero Mhelody ruined my trust to mankind.

And then when I was 10, I met a 6 years old girl. We were playmates. We were neighbors. I was happy being with her pero they left. She left me. Sobrang bata ko pa pero I had been afraid to be left alone after that. I realized na mapabata, mapamatanda, they will have reasons to leave. Lahat sila mang-iiwan.

Ayokong iniiwanan ako ng taong mahal ko. Kaya i've been like this. Sinanay ang sarili ko sa pag- iisa.

"Magbasa ka nalang ng libro sa study room. Marami doon."

Tumalikod na ako ng tuluyan sa kanya.

Aaminin ko. I'm interested sa pagkatao n'ya. Maganda s'ya. Mukha rin namang matalino pero she have that crazy aura. Pero ako yata ang mabuburyong sa kaingayan n'ya.

***
"Arrrraaaay! Araaaayyy! Jacob!"

Kakaupo ko lang sa sofa when Hera screamed.

Dali-dali naman akong pumunta sa may kusina.

"What happened?" I asked her habang papalapit ako sa kanya.

"I cut my finger."

I hold her hand and look for a wound pero wala. I looked at her.

"Pfffft. Hahahaha! I'm kidding, Jacob. Concerned ka pala." 'Di s'ya maawat sa katatawa.

"You are crazy, Hera." Tinalikuran ko na nga ito.

Kakaiba ang trip nito sa buhay. Pero aminin ko man at hindi naaaliw ako sa kanya.

Maya-maya pa ay sumigaw na naman ulit ito.

"Aray ko! Jacob! Help."

Huminga ako ng malalim. Tapos ipinagpatuloy ang pagbabasa ko ng libro sa may sala.

Maya maya ay lumapit s'ya sa kinaroroonan ko. Blood flowing from her fingers.

"I cut my fingers." She said while crying.

Kumuha ako ng band aid at betadine sa may kusina at ginamot ang sugat n'ya.

"Wag mong paglaruan ang damdamin ng iba. Marahil sa una ay naglalaro ka lang pero sa bandang huli sa'yo pa 'yong maging katotohanan." I said as I walked towards my room. Away from this silly creature.

"Every wound has its own story. Kahit nasaktan ako naranasan ko namang ngumiti at tumawa. And that's more important."

"I'm talking about you playing your trick on me, Hera, and not anything else. Pinaglaruan mo ako kanina. And when you needed real help? Hindi na ako naniwala. Kasi wala na akong tiwala."

"You easily give up on things and people, Jacob. Natatakot ka sa hindi pa nangyayari. Marami kang what ifs sa buhay. Life isn't like that, Jacob. Oo maraming tao ang hindi mapagkakatiwalaan. Pero pati sarili mo ba hindi mo kayang pagkatiwalaan? Kung ganyan ka karupok, kung tatakbo ka lang, habang buhay ka nang ganyan. Habang buhay kang matatakot dahil sa sarili mong kagagawan. Tsee! Walk out na nga ako. Lagi mo nalang akong inuunahang talikuran. Ungentleman!"

I watch her leave. Napailing na lamang ako.

Mababaw ba talaga ang dahilan ng takot ko? Did I over done it? Tama yata si Hera. People cannot be trusted. Most of them. Some of them. Pero there is someone I can trust. I can control. Who can choose if its right or wrong. Or say if its a yes or a no. And it is myself.

"Hera..." I just stared as she closes the door.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now