Chapter 14

548 22 0
                                    


[Jacob]

Palakad-lakad ako habang nasa loob ng kwarto ko. I'm restless.
Ano kaya ang kailangan ng lalaking 'yon sa isla ko?

I know a traidor when I see one.
Halata sa hilatsa ng itsura nito na wala itong matinong gagawin.
Malakas ang kutob kong may masama itong balak sa pagpunta nito sa isla.

Mang Karding is my trusted right hand. Once a month ay nagpupunta ito dito para dalhin ang mga supply ko mapa-pagkain man o para sa pagpipinta. S'ya ang nag-aayos ng mga sira sa mansion at wala ng iba. Wala s'yang pinapapunta kahit isa. Maliban na lamang sa paghahatid ng babaeng modelo para sa mga obra ko.

Mas nababagabag ako dahil nalaman kong magkakilala sila ni Hera.

I'm starting to like Hera. Oo, maingay s'ya. Oo, madaldal s'ya. Makulit s'ya. Pero panatag ang loob ko sa kanya.

I don't know why pero I feel relaxed whenever she's near. Pero sa natuklasan kong pagkakakilala nila, parang nagkakaroon ako ng duda. Magkasabwat sila sa anumang binabalak nila.

Napakuyom ako ng kamao.
Pabalik-balik habang nag-iisip ng tamang stratehiya sa problemang kinakaharap ko.

"I would have to use Hera's weakness...and that's falling inlove with me."

Tama! I know Hera has something for me. I feel her affection. Her care. Her sincerity sa inaakto n'ya dito sa loob ng mansyon ko.

Maybe I can use her against that guy. Maybe she can tell me the story behind this all. Kailangan lamang mapaamin ko s'ya.

Mapapaamin ko lang s'ya kung hulog na ang loob niya sa akin.
I can fake an affection. I can fake care. And most of all I can fake love.

Lahat naman ng babae nadadala sa sweet words and sweet nothings. Nakakapanindig balahibo man but I need to do this para sa kaligtasan ng isla ko. Para sa pananatili ko ng matagal dito.

*Flashback*

"What gotten into you, baby? Bakit kailangan mo pang magstay sa islang 'yon? Mas kailangan ka namin ng daddy mo dito sa Manila."

Mom stared at me with disappointment. Halos kakauwi ko lang from Massachuessetes. Kakagraduate ko lang ng business course sa Harvard at ineexpect nina Mom at Dad na I will take over the company after graduation.

"But this is what I want, mom. I want to live a simple life in the island. And i've realized my love for one thing. Painting. I want to discover more of my talent. Gusto kong mahasa sa larangang 'yon."

Mom and Dad sent me abroad para sa mas malawak na kaalaman regarding sa pagpapatakbo ng kompanya namin. They are on their late forties at ineexpect nila na makapagpahinga na sila from work when I graduate pero sa pagpunta ko sa ibang bansa ay s'ya ring pagkadiscover ko ng galing ko sa pagpipinta.

"Your dad and I aren't getting any younger, baby. Kailangang may mamahala ng kompanya when we retire."

"But mom nand'yan naman si Tito Alexis. Sa kanya n'yo nalang ipasa ang responsibilities ko sa kompanya."

Naningkit ang mata ni mom. Para s'yang amazona. Nakapameywang pang nakaharap sa akin.

"Steff, that's enough. Okay, Jacob. That's what you want? Pagbibigyan kita. You can paint. Gawin mo ang ikasasaya mo. But that's with one condition."

Ang kaninang tahimik at nakamasid lamang na nakikinig na si Dad ay tumayo at umupo sa tabi ko. He tap my shoulders.

"Katulad ka rin namin ng mommy mo. Walang makakapigil anuman ang ginusto. Stay safe. Stay alive. Stay happy. Stay on track. Ayaw kong malaman na masasangkot ka sa anumang gulo. 'Yon ang rules. Hahayaan ka namin mamuhay ng tahimik sa islang 'yon. Pero kapag may mangyaring masama sa'yo... na sana ay 'wag naman. Kapag masangkot ka sa anumang anomaliya, you will have no choice but to drop that passion of yours at pamahalaan mo na ang kompanyang ito. Is it a deal?"

"Fair enough, Dad. It's a done deal."

*End of Flashback*

That was 4 years ago. Walang naging problema sa nakaraang apat na taon. I do paintings. I sell paintings. Ganoon lang. Si Mang Karding lang ang pumupunta dito at mga babaeng model na request ko.

Wala naman ding naging problema sa kanila. They were happy with the money I gave them. They work for me. They give me pleasure and in return I pay them big. Kaya tahimik ang buhay ko.

But when Hera came, nag-iba ang lahat. Hindi ko malaman kung anong meron sa babaeng 'to. She's one of a kind. Ginugulo nito ang puso at isip ko. Pero mabuti lang sana kung ganoon lang 'yon.

Marky... That man has dark secrets and i'm sure of it. Kailangan kong mag ingat.

***
"Good morning, Jacob." Hera kissed my cheek.

Nauna na naman itong gumising at s'ya na naman ang nagluto. Napangiwi tuloy ako. Ano na naman kayang kababalaghan ang niluto ng babaeng ito?

I tried to give her a smile. Pero nagulat ako ng sinalat n'ya ang noo at leeg ko.

"May sakit ka ba, Jacob? Mukhang nagdedeliryo ka yata."

Nangunot ang noo ko. "Wala naman. Bakit?" Takang tanong ko.

"Nakangiti ka. Ano'ng nangyari?"

I chuckled.

"Hala! Tumawa pa."

She act as if natatakot s'ya sa akin.

"Kung sino ka mang ispiritong sumanib sa katauhan ng lalaking ito, lumayas ka! Lumabas ka sa katawan n'ya. Inuutusan kita!"

Nagsign of the cross pa ito using her fingers.

"Hey. Stop that, Hera. Come. Sit on my lap. May sasabihin ako sayo."

I tap my lap.

Nagtatakang lumapit naman ito sa akin at naupo sa kandungan ko.

"Anong nakain mo, Jacob? Kanina ngumiti ka. Tapos tumawa ka pa. Tapos ngayon may paupo-upo sa lap ka pang nalalaman d'yan. Nagdadrugs ka ba?" She eyed me.

"I swear, mapapatay ako ng daddy ko when I use drugs. I'm clean, Hera. Matino akong tao." I looked at her eyes while telling her this.

"So what is it all about then, Jacob? Bakit parang bigla ka nalang nagbago?"

Kung totohanan lang ay wala akong balak magbago. Kailangan ko lang gawin 'to. Para sa pananatili ng kalayaan ko.

"I want to try it with you, Hera. I want to try falling in love with you."

Nanlaki ang mga mata nito at ngumiti ng malapad.

"Really, Jacob?"  

She hugged me and then she kissed my cheek.

"You make me the happiest girl in the world, Jacob. Thank you."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang