Chapter 4

611 24 0
                                    

[Hera]

Kailangan ko ba talagang gawin ang bagay na 'to?

Naging sikat akong artista na talento ang gamit ko at hindi katawan o kabastusan. Hindi ako kagaya ng iba na ginamit ang angking kariktan, magpapagamit at kumapit sa kung sinong direktor o producer para lamang makamit ang inaasam na katanyagan. Ni minsan ay wala sa hinagap kong maging sexy actress, bold star o porn star man.

Isa akong respetadong artista. Makikita sa pelikula at patalastas pero hindi sa tabloid at anumang malalaswang babasahin. Sa drama o action ako ang bida... pero 'di yata't pinaglalaruan ako ng tadhana.

Kung bakit kasi kinakailangan ko pang ipasilip ang aking katawan sa isang estrangherong kung tutuusin ay maituturing ko nang kalaban. Kalaban ng batas. Kalaban ng sangkatauhan.

Kahit si Marky na naging aking kasintahan ay never pang nakita ni anino ng aking hubad na katawan. Makailang ulit na ako nitong tinukso pero hinding hindi ako bumigay. Pero heto't para akong alay na walang magawa kundi ang ipagkaloob ang aking iniingatang kayamanan sa isang pintor.

A coldhearted and a heartless painter na walang hinahangad kundi ang mapunan at maisakatuparan ang kanyang sariling pangangailangan.

"You look tense, Hera. I want to see seduction and lust in your eyes. Akitin mo sila. Hangarin mong maulol sila sa kagandahan at kariktang taglay mo."

Lumapit ito sa akin at tiningnan ang kabuuan ko.

He have that icy aura pero hindi yata't ang init... nakakatunaw ang mga titig n'ya.

Oh God! If not for this mission kanina ko pa inundayan ng sampal at suntok ang lalaking ito.

Sino ba s'ya para gawin akong parang manika? Para akong isang puppet na sunudsunuran sa lahat ng utos n'ya.

"Take lusts from men, Hera. Hangarin mong sambahin ka nila."

He touched my face. He cupped my chin. Pinaglandas n'ya sa aking katawan ang kanyang mainit na kamay. Napaigtad ako. Wari'y nakukuryente sa konting pagdampi ng kanyang mga palad sa aking hubad na katawan.

Ang init n'ya. Taliwas sa kanyang malayelong pagkatao. Nag aalab ang bawat parteng hinahaplos n'ya. Hindi ko maiwasang makadama ng kakaiba.

I shivered with this womanly need na ginigising nito sa aking halos inosente pang katauhan.

"That's it, Hera. I can clearly see lust in your eyes." Napabuntong- hininga ako ng tumalikod s'ya at bumalik sa upuan n'ya at nag umpisang magpinta sa canvass na nasa harap n'ya.

If only, this man have a heart. Hindi n'ya nanaising may mapariwarang buhay ng dahil sa negosyong meron s'ya. Sayang at mukha s'yang artista. He don't need to sell drugs para lamang yumaman s'ya.

"Hera, look my way. Don't give me that dreamy stair. Lust Hera. That's what i'm looking for. Kailangan ko pa bang ulitin ang ginawa ko? Do I need to touch you even more, Hera?" He stared at me as if he isn't joking.

"Oh, God! Hera, lust. Hera, dream about your dream guy. Hera think sexy thoughts." Naisaisip ko.

I don't want him to touch me. Ayokong matukso. Ayokong mahulog sa patibong ng lalaking ito. He is as cold as ice but his touch is as hot as sin... he is as hot as hell.

~
Nakakangalay. Mahigit isang oras yata akong nasa ganitong ayos.
Nilalamig na rin dahil wala ako ni anumang saplot. Pero ang init ng pakiramdam ko. Hindi lang dahil sa pagkakapanibago sa ganitong gawain kundi dahil na rin sa mga titig ni Jacob na wari'y lalamunin at babalatan ako ng buhay. Kasabay ang pamumula ng aking pisngi dala na rin ng pagkapahiya dahil nakalantad sa harap nito ang aking kahubdan.

"Time to rest, Hera. We are done for today."

Walang lingon likod na iniwan na lamang ako nito doon.

"Tss! Gano'n yata talaga s'yang uri ng lalaki. Mahilig mang iwan. Walang babaeng tatagal sa isang 'yon for sure. I will never fall for that kind of a person. Walang puso."

Maya maya pa ay bumukas muli ang pintuan.

"Second door to the left. That's your room. Mine is on the right. Dinner is at 7 p.m. Breakfast is at 6 a.m. and lunch is 12 nn." Sabi nito at isinarado na muli ang pintuan.

Napailing na lamang ako.
Wala yatang balak makipaglapit ang lalaking iyon sa akin. Ni ayaw makipagkwentuhan.

"How can I get the information that I needed kung ganitong iisang tao lang ang nandito? Isa na nga lang, paraang tuod pa."

Napabuntong-hininga na lamang ako. I put on a robe at hinanap ang kwartong gagamitin ko habang nandito.

"Sabagay mas okay na ito. Hindi s'ya matanong. Hindi ako mahihirapang itago kung sino ang tunay na ako."

***
Ang ganda ng kwarto. Maliwalas. Malaki at komportable. May sariling banyo at walk in closet na puno ng pambabaeng gamit.

"I wonder who's using this room." Sabi ko habang tinitingnan ang mga damit na nakita ko sa aparador. Malinis at mabango ang mga damit na nandito. 'Yong iba ay halatang bago pa kasi nasa plastic pa ito.

"Maybe pinapagamit n'ya talaga ang kwartong ito sa mga babaeng dinala n'ya sa lugar na ito." Kibit-balikat kong sabi.

"By the way of his touch halatang sanay siyang makipagsex sa mga babae. He know where to touch a woman. I wonder if he's cold in bed like his cold emotions." Ipinilig ko ang ulo ko.

"Sobrang curiosity na 'yan towards that druglord, Hera. Remember your mission. Hindi s'ya ang dapat mong pagtuunan ng pansin kundi ang makakalap ng sapat na ebidensya na magdidiin sa lalaking 'yon para panagutan ang ginagawa n'yang illegal transactions." Saway ko sa sarili.

***
Palinga linga ako sa bawat kong dinadaanan. Kinakabisado ang bawat sulok ng mansiong ito.
5 bedrooms on the first floor. 4 on the second floor at sa 3rd floor ay may nag iisang kwarto. Lahat ng kwarto sa 1st and 2nd floor ay nasuri ko na pwera na lamang doon sa kwarto ni Jacob at itong kwartong nasa 3rd floor.

Hindi ko kasi mabuksan. Kumuha ako ng hairpin at sinubukang buksan ang pintuan ng kwarto.

"Woman. Why are you here? Did I tell you to go up here?"

Mabilis kong itinago ang hairpin na hawak ko ng makarinig ako ng boses sa likuran ko. Painosenteng hinarap ko si Jacob. Ang lakas yata ng pang amoy nito at nasundan ako dito.

"I'm sorry, Jacob. I'm just looking for people. Nakakapagtaka kasi na ang laki ng mansion na ito pero ni isang tao ay wala akong makita." Hindi ko mapigilang maibulalas.

Nakakafrustrate kasi. Halos buong araw na akong nandito pero ni anino ng kahit sinong Pontio Pilato ay wala akong nakikita.

I can't stand to stay here longer with this man alone in here.
May underground ba dito? Baka doon nagtatago ang mga tao. Malamang doon nagaganap ang mga illegal transactions nila.

He eyed me with curiosity. "Mag isa lang ako sa isla ko. I prefer to live here alone. Ayoko ng magulo at maingay. Kagaya mo."

Maniniwala ba ako? What about my mission? Nagkamali ba sila sa pagpadala sa akin dito? I need to call Marky later. I have to make sure na tama ang location at target ko.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon