Chapter 17

528 20 0
                                    


[Jacob]

Narinig ko ang pag-uusap nila.
Tiim-bagang akong nakakubli sa likod ng halamanan ng mga oras na 'yon.

I thought Hera could be trusted pero hindi pala.

Wala talagang matinong gagawin ang mga tao mula sa syudad. They are full of greed. Ang sasama nila.

"Wag mong sisirain ang mga plano ko. Mind your own." Paulit ulit na rumirehistro sa utak ko ang mga katagang 'yon ni Hera.

Ano ba ang pilit na hinahanap nila sa isla ko at ginugulo nila ang tahimik kong pamumuhay dito? Kailangan kong malaman.

"You'll pay for ruining the peace of my sanctuary, Hera."

***
I'm in my dark room. Dito nakatago ang lahat ng memories ko with her. Dito rin nakastore ang mga litratong kuha ng imbestigador na hinire ko noon para sundan at subaybayan ang nagiging buhay ng childhood sweetheart kong si Rain. Si Rain Labrador. How i've missed her.

"Saan ka na ba ngayon, Rain? It's been years at wala na akong naging balita pa sa'yo." sabi ko habang hawak ang picture n'ya noong highschool pa s'ya.

She's in her school uniform. Ang ganda n'ya. Nakangiti habang kausap ang mga classmates n'ya.
Matatawag akong stalker kasi mula ng magkahiwalay kami... kahit nagtampo ako sa kanya at nagalit dahil sa pang-iiwan n'ya sa akin noon hindi ko pa rin s'ya matiis kaya ipinahanap ko s'ya at pinasundan. Araw-araw kong pinababantayan ang lahat ng kanyang gawain.

Ngunit noong ipinadala na ako ni Dad sa States ay natigil na din ang pagsunod ko sa kanya. Ang mga litrato na lamang na ito ang naging alaala ko sa kanya mula noon.

"Hahanapin kita, Rain." I promised myself habang titig na titig sa hawak-hawak kong litrato n'ya.

Bigla ko na lamang itong nabitawan sa pagkabigla.

Pinulot ko ang litrato and looked more intently at it.

Her features became more precized. She became more matured. Her face lack its innosence pero hindi ako maaaring magkamali.

"Hera is Rain." Nasabi ko na lamang habang hindi makapaniwalang napaupo sa couch.

"I can't believe this. All this time kasama ko na pala s'ya. Oh, God!"

Naguguluhan na talaga ako. Paano ko lalabanan ang taong matagal nang inaasam makasama ng puso ko? Paano kong sasaktan ang babaeng pinoprotektahan ko kahit nasa malayo ako?

[Hera]

I got so pissed with Marky. Hirap na hirap na nga akong makuha ang loob ni Jacob tapos mag- iinsist pa s'ya ng kung ano-ano.
'Yan tuloy nakuha pa ni Jacob ang pinakaiingatan ko.

Pero dahil lang ba doon kaya ko naibigay ang sarili ko kay Jacob?

Napabuntong-hininga ako. I think it's more than that. Siguro minahal ko na talaga si Jacob mula bata pa kami kaya ganoon nalang kung ipaubaya ko ang katawan ko sa kanya even if i'm still unsure about his true identity.

Naisip ko ulit ang ginawa ni Marky. Nakakapanggigil talaga ang lalaking 'yon.

"Tss! He could just shut up and do his job." bulong ko habang pabalik sa loob.

***
"Jacob! Jacob!" tawag ko ng hindi ko makita si Jacob sa buong kabahayan.

"Saan na naman kaya nagsuot ang isang 'yon?"

Pinasok ko ang lahat ng kwarto sa buong kabahayan pero walang akong Jacob na nakita.

"Ito na ang huling kwarto sa buong bahay na hindi ko pa napapasok. Pero ginagamit ito ni Marky."

Pinasok ko na rin ang kwarto para masiguradong wala dito si Jacob.

Tama nga. Wala si Jacob pero ang nakakapagtaka ay ang istado ng kwarto.

Noong pinasok ko ito ng hindi pa dumarating sa isla si Marky ay halos kama lamang, upuan, tokador at maliit na lamesa ang makikita sa kwarto. Pero ngayon ang gulo.

May dalawang backpack na nasa itaas ng kama.

Isang malaking maleta sa gilid ng kama.

Mga apat na blankong canvass sa nakasandal sa pader.

Nangunot ang noo ko sa nakita.

Nilock ko ang kwarto at binuksan ang backpack.

Mga damit at overall lamang pala ang laman ng dalawang bag. Pero ng buksan ko ang maleta ay lalo akong nagtaka. Puro matataas ng kalibre ng baril ang laman ng buong maleta. May iilan pang bomba akong nakita.

"Bakit may ganito si Marky? Tama naman na magdala s'ya ng baril pero bakit sobrang dami naman yata? At bakit wala s'yang nabanggit na may dala s'yang ganito? May mga mangilan- ngilan pang hand grenade na laman ang maleta. Meron ding mga time bomb. Anong plano ng isang 'to? Pasasabungin ang buong isla?

Mas nilukob ng pagtataka ang aking pagkatao ng may naaninag akong isa pang maleta sa ilalim ng kama n'ya.

Halos lumuwa ang mata ko ng mabuksan ko ang maleta at tumambad sa paningin ko ang may kung ilang kilong shabu at mga heroine.

"Oh God! Hindi si Jacob ang totoong kaanib ng sindikato kundi si Marky."

Halos magulantang ako sa katotohanang tumambad sa akin.

Kinabahan ako ng narinig ko ang pagpihit ng doorknob. Dali-dali akong naghanap ng mapagtataguan.

Wala akong naging ibang option kundi ang magsumiksik sa madilim na bahagi sa ilalim ng kama ni Marky.

Saktong nakakubli na ako ng bumukas ang pintuan.

"Bwisit ka, Jacob. Bwisit ka! Ikaw na nga ang sumisira sa mga plano ko. Kayo ng pamilya mo ang sumira sa pamilya ko! Ikaw din pala ang aagaw sa babaeng dapat ay akin."

Pinagbabalya nito ang mga upuan at lamesa na nasa kwarto.

"Peste ka, Hera! Kung bakit kasi ang hirap mong pasunurin sa mga plano ko?"

Pinagsusuntok na naman nito ang mga pader.

"Hindi bali mapapaikot ko din kayo sa mga kamay ko. Bibilugin ko ang mga ulo ninyo. Hahaha!"

Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig pati na rin sa malademonyong tawa nito.

Paano na? Sumuong ako sa giyerang 'to ng kulang sa armas at kagamitan.

Iilang personal na baril at konting bala lamang ang nadala ko.

Andito lang kasi ako para mag imbestiga sana at makompirma kung totoo ngang may kinalaman si Jacob sa sindikato saka na tatawag sa headquarters para humingi ng back-up at sumuong sa totoong laban.

Hindi yata't sa kamalas malasan ay mapapatay ako ng dahil sa pagtitiwala ko sa pekeng agent Marky na ito. Sa tagal na nagsama kami ay hindi manlang sumagi sa isip ko na s'ya rin pala ang tatraydor sa akin.

Paano na?Paano kami ni Jacob nito? At paano kung malaman ni Jacob ang totoo kong trabaho?
Matatanggap kaya n'ya? O kamumuhian lalo ako?

God! Lalong gumulo ang sitwasyon.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora