Chapter 51

445 16 0
                                    


[Marky]

Nanlaki ang mga ko habang nakatitig sa hubo't hubad na si Hera.
Palapit ng palapit ito sa akin habang nakangisi.
"Dont try to go near me Hera! Babarilin kita."
itinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko.
Tatawa tawa lang ito habang humahakbang papalapit sa akin.
"Sige Marky. Barilin mo ako ng sumabog tayong pareho dito."
Humakbang pa ito papalapit sa akin.
Ako naman ay walang nagawa kundi umatras lang ng umatras ng mapaigtad ako sa pagkagulat.
Nakangising Hera ang nalingunan ko.
"Pa-paanong naging dalawa kayo? Demonyo ka Hera demonyo ka!" napanganga na lamang ako. Umiling iling ako to clear my mind. Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata.
"No this cant be happening. Matagal ko ng itinigil ang pagdodroga ko!"
Papalapit ang unang Hera sa kinaroroonan ko kaya't napahakbang ako paatras habang ang nakangising Hera naman sa likod ko ay inagaw ang baril sa kamay ko.
Nanginginig na napabitaw na lamang ako sa baril na hawak ko. Lalo akong nagimbal ng maramdaman kong itinutok nya ito sa likod ng ulo ko.
"Pa-paanong naging dalawa ka Hera? Papaano?"
"Hahahahahhaha.Ikaw ang demonyo Marky. Ikaw!" sabay na halakhak ng dalawang Hera.
Naguguluhan na ako. Lumapit ng lumapit pa ang Hera na nasa harapan ko.
"No. Wag kang lumapit. Wag na wag kang lalapit!"
Napasandal ako sa Hera na nasa likuran ko. Akmang hahawakan ko sya ng naramdaman kong ipinosas nito ang mga kamay ko at isinunod ang aking mga paa.
Itinulak ako nito at napahiga na lang ako sa sahig na litong lito sa nangyayari.
"Hahahahahaha." sabay na tumawa ang dalawang Hera.
"Rain! Snow!" may sumigaw mula sa pintuan na nilingon naman ng dalawang Hera.
"Tadeo!" pagalit kong sigaw habang lugmok na nagkakakawag ako sa sahig.
"Daddy!" sabay na sigaw naman ng dalawa at nilapitan si Tadeo.
Agad namang inabot nung isang Hera ang damit sa isa pang Hera at sabay na tumingin sa akin habang nakangisi.
"Pa-paanong? Kambal kayo?" nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan.
Rain at Snow pa ang totoo nitong mga pangalan.
Hindi ko na malaman kung sino sa kanila si Hera na nakasama ko at nakilala.
Kahit noong naging kami pa ni Hera ay wala itong nababanggit na may kakambal ito.
"Hahahaaha. Natakot ka ba Marky? Anong pakiramdam na pinaligiran ka ng dalawang anghel na demonyo ka?"
Pinagsisipa ako ng isa. Malamang ito si Hera dahil nakikita ko ang galit sa mga mata nya.
Habang yung isang Hera ay tahimik na nakahalukipkip lamang sa may pader habang nakangiting nakatitig sa akin.
"Tama na Rain. Dadalhin na namin sya sa kulungan kasama ng dalawa nyang alipores." saway ni Tadeo dito habang walang tigil akong pinagsisipa. Aray ng aray lamang ang nasasambit ko.
"Sige daddy! Dalhin mo na ang demonyong yan at ng mabulok na sya sa kulungan."
Agad naman akong dinampot ng mga kasamahan ni Tadeo.
"May araw din kayo sa akin!" tinitigan ko sila ng masama.
Mga letse! Mga mandurugas!
"Hinding hindi mo na magagantihan ang mga anak ko Zamaniego! Wala ng bukas para sayo. Sisiguraduhin kong habang buhay kang makukulong sa bilangguan sa patong patong na kasong kakaharapin mo."

[Rain]
Kampante na ako at sa wakas ay nahuli na din ang hayop na si Marky.
"Sana hiniling mo nalang na namatay ka 3 years ago diba Marky? Hahahaha."
Tinitigan ko sya ng nakakauyam habang inaayos ang pagkakaposas sa kanya.
"Hahahahahahahhahha." natigilan kami ng tumawa sya ng tumawa.
"Bakit ka tumatawa na hayop ka?" nangunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
Bigla akong kinabahan sa inaasta ng hayop na ito.
"Mabilis pala ang karma. Hahahahahhaha!"
Ano ang pinagsasabi ng ugok na to?
Naalala ko ang mag aama ko. Kanina pa kami nandito pero hindi ko napansin si Jacob. Pati na rin ang kambal.
"Ate Snow, Dad, Sina Jacob nakita nyo ba?"
Nagpanic na ako. Hindi yata't naisahan kami ng ugok na to.
"Hahahahahahahahahah!"
Nilapitan ko si Marky at kwinelyuhan.
"Nasaan ang mag aama ko Zamaniego? Nasaan!" tinadyakan ko sya at napaaray naman ito sa sakit.
"Wala akong sasabihin Hera. Kung kayo nga may plano diba? Ako pa kaya? Hahahahahahaha."
"Walang hiya ka talaga Marky! Walang hiya ka!" pinagsusuntok ko sya at pinagsisipa.
"Enough Rain." lumapit si Dad sa kinaroroonan namin.
"Sasabihin mo ba kung saan sina Jacob o kailangan pa kitang itorture Zamaniego?" binali ni daddy ang kamay nya at nagsisigaw naman ito sa sakit pero tinitigan lang kami nito at ngumisi ulit.
"Anything that will suite you Rivera! Anything. Sabagay doon din naman ang punta ko diba? Eh di magdusa kayo! Hahahahahhahaha."
Oh God! Nasaan na kaya ang mag ama ko?
"Men bring him to detention. Doon natin pakakantahin ang gagong yan! Yung iba, search the area. Hanapin nyo sina Jacob at ang mga bata." sigaw ni dad sa mga tauhan nya. Agad naman silang nagsikilos.
"Goodluck sa paghahanap nyo mga ugok! Anong oras na ba? Hmmm. An hour had passed na pala. You all have 23 hours to find him or else?" ngumisi ito. "Boom. Sabog! Hahahahahahaha!"
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi yata't gumamit sya ng time bomb.
Nasa panganib ang mag aama ko.
"Rain tara! No time to waste. Kailangan nating hanapin si Jacob bago mahuli ang lahat."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now