Chapter 16

601 21 0
                                    

[Hera]

Hindi pa rin ako makapaniwala. Naialay ko ang sarili ko kay Jacob. Kay Jacob na hindi ko pa malaman kung isang ngang matinong tao.

Ang weird lang na dahil sa nakuha n'ya ang v-card ko ay parang nag-iba s'yang bigla.

I remember his words. "You are mine, Hera. Only mine."

Napabuntong-hininga na lamang ako at inikot ang paningin sa kabuuan ng kwarto n'ya. Ito nalang ang hindi ko pa napasok na kwarto sa mansion.

Malaki ang kwarto n'ya. 'Di hamak na mas malaki kaysa sa ibang kwarto.

Maybe may purpose din kung bakit ako nandito. Hindi lang para maialay ang sarili ko kundi matuklasan na rin kung ano ang nandito sa kwartong ito.

I locked the door and started my investigation.

Iginala ko ang paningin. Simple lang ang kwarto n'ya. 'Yong king size bed na nasa kaliwang bahagi. 'Yong couch sa may kanang bahagi. 'Yong maliit na lamesa malapit sa couch na may kung iilang libro ang nakapatong. Tapos 'yong malinis n'yang banyo at shower room.
Walang kahina hinala sa mga 'yon.

Tiningnan ko pati ang ilalim ng beddings... pati ilalim ng kama pero wala.

I opened his closet at puro damit n'yang pambahay at panglakad ang maayos na nakasalansan sa loob nito.

And then may napansin akong parang doorknob sa loob ng closet. Nakatago sa likod ng mga nakahanger na damit n'ya.

"Bingo." I said as I tried to open the door of that secret room.

Mabubuksan ko na sana when someone knocked on the door.
Dalidali akong kumuha ng t-shirt n'ya at isinarado ang closet.

"Open this door, Hera." Sigaw nito mula sa labas.

Sayang talaga at medyo matagal bago ko nadiscover ang secret door na 'yon. Sana nalaman ko na kung ano ba ang nilalaman ng kwarto.

"What took you so long?" Tanong nito ng mabuksan ko na ang pintuan.

"Naghanap kasi ako ng t-shirt mo, Jacob. Pinunit mo kasi 'yong damit ko kanina."

Nakalusot naman yata ako ng tumango-tango s'ya.

"Come. Sit on the couch. I cooked some pasta for you."

Hmmm. He's getting sweeter.

"Wow. My favorite."

I kissed his cheek as I sat on the couch.

Kailangang maging madalas ang pagstay ko sa kwartong ito para malaman ko kung ano ang nilalaman ng sekretong pintuan na 'yon.

"Hmmm. Ang sarap mo talagang magluto, Jacob."

"Really, Hera? Baka napipilitan ka lang?"

He give me his boyish grin habang sinusubuan ako ng pasta.
Sana madalas s'yang ganito. 'Yong sweet na Jacob. 'Yong pangiti-ngiti lang at ng hindi naman ako masyadong matakot sa aura n'ya. Ayoko ng makita pa si Jacob the Monster.

"Ano ka ba. Talagang masarap s'ya."

Kinuha ko sa kamay n'ya 'yong tinidor at nilantakan ang pasta sa plato.

"Dahan-dahan naman. Walang aagaw n'yan." He chuckled.

Ang gwapo n'ya talaga kapag tumatawa.

"Ahmm. Jacob, can I ask something?"

Kunot-noo namang napatitig s'ya sa akin.

"What is it, Hera?"

I played with the hem of his shirt.

"Can I sleep here with you?"

Sana pumayag s'ya.

"Why do you want to sleep here with me, Hera?"

"I want to spend more time with you. Please?!"

Nagpuffy eyes pa ako. Sana gumana.

"Hmmm. Okay. It's okay with me. Mas mababantayan kita from that guy."

Napangiti naman ako.

"Are you jealous?"

He stared at me blankly.

"Ayoko lang na may umagaw sa mga pag-aari ko, Hera."

Napangisi ako ng malapad.

"Ang possessive mo pala, Jacob."

Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran n'ya.

"Shut up and kiss me, Hera."

***
Nagulat ako when someone grab my arm.

Kinaladkad n'ya ako hanggang makarating kami sa may likod- bahay.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

I tried to push him away.

"Why, Hera? Bakit ang dali mong sinagot ang gagong 'yon?" Tiim-bagang na nakatitig si Marky sa akin.

"Its none of your business, Marky."

Lalong naningkit ang mata nito sa naging kasagutan ko.

"The hell, Hera!" Sinuntok nito ang pader.

"Do you remember how long i've courted you, Hera? Two years! Tapos naging tayo for 6 months pero hindi ko nahawakan ni dulo ng daliri mo. Ni hindi nga ako nakahalik sayo." He grabbed my arm and gripped it.

"Ano ba, Marky! Nasasaktan ako."

He pushed me on the wall and tried to kiss me.

Sinipa ko s'ya sa pagkalalaki. Ayon at patalon-talon habang hawak ang pundya n'ya.

"Aray. Langya naman, Hera!"

"Ikaw ang walanghiya, Marky! Pinagbigyan kita. I tried it with you pero niloko mo ako. Do you think you deserve me?"

Tahimik lamang s'ya at nakatitig ng masama sa akin.

"Don't ever question my decisions, Marky. Dahil noong nagdesisyon kang lokohin ako wala kang narinig mula sa akin. And back off! 'Wag mong sirain ang plano ko. Mind your own."

Hindi ko na s'ya pinagsalita at tinalikuran ko na s'ya doon.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant