Chapter 37

409 12 2
                                    


[Snow]

"Mom im sorry po sa lahat ha? I had been hardheaded po."
Umiiyak pa din ako sa mga bisig ni mommy.
Hindi ko akalain na sa loob ng kung ilang taon kong pagiging bato makakaramdam ako ng ganitong lungkot at sakit.
I try to hide my emotions sa pagiging galit, pambabaliwala at pagiging rude.
"Wala ka namang kasalanan sa akin Snow white ko. Wala kang kasalanan sa amin. Mabait kang bata. Matatag. Kaya nga si Rain ang lagi kong inaalalayan kasi mahina sya, sakitin pa. Habang ikaw malakas at independent. Kaya tiwala ako sayo."
Nakangiti naman nitong tugon sa akin habang hinihimas ang aking buhok.
"Kaya ba all this time mo hinahayaan nyo lang ako? I feel unloved po kasi. Kulang sa attention at pagmamahal."
She hugged me tight.
"Hay ang Snow White ko. Rain and I always make you feel loved. Baby hindi mo ba narerealize? Si mommy imbis na magalit sa pag iinom mo, paglalakwatsa mo, pagiging bully mo sa kapatid mo hindi kita sinasaway. Kasi gusto kong marealize mo ang kamalian mo. Pinagluluto ka ni mommy araw araw diba? Pinaglalaba pa nga at pinagsisilbihan. I give you everything you want din kahit nga 5 na kotse na ang naibangga mo hindi mo narinig na magalit ako diba? I always hug you and tell you I love you everyday Snow pero ikaw ang lumalayo."
Ewan ko kung bakit nagkaganito ako. Tama si Mom. Everyday sinusubukan nilang makipaglapit sa akin pero ako itong lumalayo. Nilalayo ko ang sarili ko para hindi maramdaman ang pagmamahal nila na sya ko namang hinihingi.
All this time ako pala ang mali.
"At Si Rain anak. Kahit inaaway mo yun palagi never nagtanim ng galit sayo. Everytime umuwi ka ng lasing na lasing at nandito sya sa bahay sya ang nag aasikaso sayo. Mahal na mahal ka ng kakambal mo anak. Sabi nga nya sa akin kahit ano daw gagawin nya makita ka lang na masaya Snow. Sabi nga nya ng pabiro noon. Kahit daw boyfriend nya o asawa ibibigay nya kapag nagustuhan mo. Syempre hindi naman mangyayari yun diba snow? Pero tinanong ko pa rin sya. Sinakyan ko ang biro nyang yun. Ika ko eh paano naman ikaw? Di ka ba masasaktan kapag nangyari yun? Alam mo ang sagot nya sa akin anak? Okay lang mommy ang mahalaga makita kong ngumiti ang ate ko."
Tuloy tuloy na tumulo ang luha ko sa narinig ko kay mommy.
Nagulat si mom ng biglaan akong kumalas.
"Hahanapin ko muna si Rain mom. Kailangan ko syang pigilang umalis."
Nangunot naman ang noo ni mommy pero hinayaan lang nya akong umalis ng hindi na nagtatanong pa.
Kinatok ko ang kwarto ni Rain pero walang sumasagot.
"Rain are you still there? Rain buksan mo ang pinto. We need to talk."
Pero wala talagang sumasagot.
Tinakbo ko ang duplicate keys para mabuksan ang kwarto pero wala ng Rain. Wala na ni anino ni Rain.
Napaupo nalang ako sa kama at niyakap ang unan nya.
"Im sorry Rain. Im really sorry."
---------------------------------
Maghapon akong nagpaikot ikot sa buong lugar at nagbakasakaling makita si Rain pero wala talaga. I tried to contact her phone pero out of coverage na.
"Si Jacob."
Bigla kong naalala si Jacob. Rain broke up with him.
Agad akong nagdrive patungo sa bahay nina Jacob.
Oh God. Hindi lang ako kay Rain may kasalanan pati kay Jacob na rin.
"Jacob?" tawag ko sa kanya ng pinapasok ako ng maid sa kwarto nya.
Medyo madilim ang kwarto kung kaya't hirap akong makita kung nasaan sya.
"She already left me Snow." nagsalita si Jacob.
Nakita ko syang nakaupo sa gilid ng kama at pinapalibutan ng kung ilang bote ng beer na wala ng laman.
"Nagpapakalasing ka ba Jacob?"
I heard him laugh.
"Sana nakakamatay nalang ang beer noh Snow? Ang sakit kasi. I told her to stay. Sinabi ko rin sa kanya na pwede kaming lumayo at bumalik sa isla ko. Pero she choose to left me Snow. She choose to break my heart again."
Ngayon ko lang nakitang umiyak si Jacob.
For years na sinundan ko sya never did i saw any emotion. Kahit galit wala..lalong hindi ang pag iyak.
"Get up you coward. You should have fight for her. Dapat sinundan mo sya agad at inalo. Gago ka pala eh. Bakit hinayaan mo lang syang iwanan ka?"
He stared at me blankly.
"She wants me to love you back Snow."
Napailing ako. Oo ginusto kong mapasaakin si Jacob. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nawala ang pagnanasang yun.
"Kaya mo ba? Sa istado mo ngayon Jacob alam kong hindi mo kakayaning ibalik ang pagmamahal na yun sa akin. Oo aaminin ko. I told Rain na ipaubaya ka nya sa akin. Pero nakokonsyensya ako Jacob. Dahil pareho ko kayong nakikitang nahihirapan ngayon. Nagkamali ako Jacob. Hindi ko dapat hiniling na magparaya sya. Dahil kayo naman talaga ang para sa isa't isa."
Tumayo naman ito at pasuraysuray na lumapit sa akin.
"Help me find her Snow. I cant live without her."
Tumango tango ako.
I want my twin back. I want to see Jacob smile.
"Lets find her Jacob."

Three years later.....

[Jacob]

"I longed for your kisses babe. I longed for your love. Ang tagal mong nawala."
"I had to leave you. I had to fix myself. Nasaktan ako ng todo."
"We can fix things naman diba? Makakaya natin ang lahat ng magkasama. Pero anong ginawa mo? Iniwan mo ako without giving me a chance to prove to you na kaya kitang ipaglaban. Na ikaw lang at wala ng iba sa buhay ko."
"That was then. Lumipas na ang mga taon. I am married now."
"You are?" tumango tango naman ito.
"Iniwan mo ba ako para lumayo sa sakit? O iniwan mo ako dahil hindi mo talaga ako minahal?"
"Iniwan kita dahil ginusto kong maging masaya. Yung totoong saya. Yung walang pag aalinlangan."
"Kung ganun bakit ka pa bumalik? Bakit mo pa ginugulo ang tahimik ko ng puso? Bakit?"
"I want closure. Dahil hanggat hindi tayo nakakapag usap. Hanggang walang malinaw na ending ang love story natin hinding hindi ako matatahimik at alam kong ganun ka rin. I want both of us to move on."

"Cut! Good take!" sigaw ko.
"Kung ganyan ba ng ganyan eh di mabilis tayong matatapos." Nakangiti kong sabi sa mga bida ng ginagawa kong pelikula.
"Salamat derek." Tinanguan ko na lamang ang aking bidang artista. Alam kong ito man ay nagbabalak makalapit sa akin. Pero walang puwang para sa sinumang babae ang puso ko. Kay Rain lamang ito.
"Jacob. Queen is back. Bumalik na ang kakambal ko." sigaw ni Snow habang humahangos na papalapit sa akin.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa narinig.
Three long years had passed pero sya pa rin ang laman ng puso ko.
Snow and I never had an affair other than being close friends.
Pareho kaming naggrieve dahil nalibot na namin ang pilipinas walang Rain kaming nakita.
"Open the TV. Dali." utos nito sa akin.
"Atat Snow? Parang ikaw pa itong excited na makita ang Queen ah."
I opened the TV at isa itong live TV interview.
"Queen. You are really back. Kamusta? Three years kaming nawalan ng balita sayo."
Nakangiting Rain ang bumungad sa tv screen.
Wala manlang kaming kaalam alam na nakabalik na pala sya.
God! Ang Rain ko! As beautiful as ever. Parang pumayat sya pero lalong pumuti at gumanda.
Kung pwede ko lang sana syang hugutin mula sa TV ginawa ko na.
"Im fine po. I had to go to America for a heart transplant po." nakangiti nitong sagot sa host.
Totoo nga ang sinabi ni Snow sa akin. Rain had Rheumatic Heart Disease kaya nya ako iniwan.
Pero thank God at hindi pala sya sumuko.
Nagpasurgery pala sya.
"May bali balitang nabuntis ka daw ni Jacob Cedric De Guzman o mas kilala ngayon bilang si Derek JC kaya ka umalis ng pilipinas."
I saw her smiling face turned into a frown pero saglit lang at nagbalik na muli ito sa pagkakangiti.
"Thats not true po. Jacob and I both know na walang ganung kaganapan."
Ang ganda lang talaga nya. Napapatulala na lamang ako sa pagtutok sa TV screen.
"Whats your plan ngayong bumalik na kayo sa pilipinas miss Hera?"
Sigawan ang mga taong nasa Studio.
"We want our Queen back."
Paulit ulit na sigaw ng mga fans nya sa audience.
"Wow. They really miss you Queen. Are you planning to come back to showbiz?"
"Gusto nyo ba?" tanong nitong nakangiti sa mga audience.
Sigawan naman ng oo ang lahat.
"You hear them po. Maybe kailangang pagbigyan ko sila at ang laki ng tampo nila sa akin." nakangiti nitong sagot.
"Good news guys. Your Queen is really back."
Hindi lang sila ang nasiyahan kundi lalo na ako.
I'll do everything to be with her. Kahit pahirapan nya pa ako. Kahit na sa anong paraan makakasama kong muli si Rain.
"Hoy! Kanina pa tapos ang interview nakatulala ka pa dyan."
Hindi ko mapigilang i hug si Snow dahil sa sobrang kasiyahan.
"Jacob naman eh. Papatayin mo ba ako? Makalingkis ka naman dyan para kang sawa."
Tumawa lang ako.
"Sobrang saya ko lang kasi Snow. Bumalik na sya. Which means magkakaroon na ulit ako ng pag asang suyuin sya. Di ka na naman kokontra diba?"
Saglit itong nag isip tapos ngumisi.
"Oo naman. Gusto kong maging masaya na kayong pareho. Support nalang ako. Im over you Jacob. Matagal na. Alam mo yan kaya wag kang sweet baka mahulog ulit ako."
Tumawa lang ako.
"Thats my Snow. Tara na bestfriend. Kain tayo sa labas. Tapos na din naman ang shooting ko sa araw na ito."
Inakbayan ko sya palabas ng studio.
"Kailan pa ako tumanggi sayo diba? Damihan mo at gutom ako. Pupuntahan ko pa si Rain mamaya."
"Sama ako?" napakamot ito ng ulo.
"Wag muna ngayon Jacob. Ako na muna ang magpapakita sa kanya."
Sayang. Excited pa naman sana ako. Pero magkikita din kami. Sabik na sabik na ako sa yakap at halik ng Queen ng buhay ko.
Kaya ko nga pinasok ang pagiging director ng pelikula sa pag asang babalik ang Queen...babalik si Hera Austria...babalik ang aking Rain.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon