Chapter 43

426 14 0
                                    


[Snow]

Kasalanan ko bang minahal sya ng ganito?
I tried my best naman na kalimutan at ibaon sa limot ang letcheng pagmamahal na to pero hindi ko nagawa.
Maybe its so wrong na si Rain ang umalis at nagparaya.
Maybe sana noon pa ako nalang ang lumayo.
Maybe ngayon masaya sila at pati ako masaya na rin.
But lumalabas na laging selfish talaga ako.
Ewan ko ba kung bakit naging ganito ako kaselfish at kasama sa kakambal ko.
Na wala namang ibang ginawa kundi magparaya at mahalin lang ako.
"Ang tigas ng puso ko Rain. Lagi nalang akong nakokonsyensya pero huli na bago ko marealize palagi."
Sinundan si Jacob pero wala na sya. He's nowhere to be found na. Wala na din ang mga gamit nya sa kwarto.
Seryoso talaga sya sa gagawin nyang paglayo.

"Ate?" nagising si Rain. Dahil siguro sa hinahaplos haplos ko ang buhok nya.
"Gising ka na pala Rain." umupo sya sa kama at humarap sa akin.
"Whats wrong ate? Bakit ka umiiyak?"
Nakikita ko ang sobrang pag aalala sa mukha nya. Its as if bigla biglang nawawala yung pagkaselosa nya kapag kami lang na dalawa. I can see real concern in her eyes.
"Mahal mo talaga si Ate no Rain?" Her smile widen and she nod.
"Syempre naman Ate. Ate kita eh. No matter what happens palaging ang happiness mo ang mahalaga sa akin."
"Kaya ba pinilit mong sumama sa amin ni Jacob dito kahit labag sa loob mo?"
Natigilan sya pero ngumiti pagkatapos.
"Hindi naman ako napipilitan Ate. I just want to prove to you na wala na akong nararamdaman kay Jacob." ngumiti sya pero halatang may pag aalala.
"You were drunk last night. And you confessed everything. You still love Jacob at nagseselos ka sa tuwing nakikita mo kaming magkasama. Pero gaga ka Rain. Still inuuna mo ang happiness ko ksa sa sarili mo. You want to see me happy kahit nasasantan ka na."
Napayuko nalang sya and then nagsimulang pumatak ang mga luha nya.
Maya maya ay kinuha nito ang wallet nya.
She handed me a picture.
Nangunot ang noo ko when i saw two cute babies. Maybe twin dahil magkamukha.
"These were not us when we we're little. Sino sila Rain?" Matagal bago sya sumagot.
"My babies Ate Snow. Jacob and I have two cute daughters."
Nagitla ako sa narinig.
Agad ko syang sinampal.
"Ate Snow?"
"Damn! Ang tanga tanga mo naman Rain. Bakit mas inintindi mo ako ksa sa dalawang ito? Bakit kailangang unahin mo ang kaligayan ko ksa makita mo silang masaya sa piling ng tatay nila?"
Lalo lamang itong napaiyak.
"Because I dont want to see you hurt Ate. When Andrea and Daniella grow up I wanted them to see us happy together. Ayokong makita nilang nag aaway tayo. Gusto kong maging good example tayo sa kanila ate. Mula maliit pa tayo we always argue. We always fight. And i dont want them to do the same."
"Ako lang ang nang aaway sayo Rain. Ako lang ang nananakit sayo. You always have this soft heart towards me that I dont deserve. Pero ang gaga mo Rain. Why did you gave up Jacob in the first place gayong buntis ka na sa mga baby nyo?"
"I didnt know until naischedule na ako for a heart transplant ate. They had to check on how healthy i am para mahanapan ng donor. Pero iba ang lumabas sa pagchecheck nila. I am pregnant at wala na akong naging choice but to stay in the hospital dahil dilikado ang pagbubuntis ko because of my heart ailment. I stayed for nearly two years sa US most of it sa hospital hanggang sa bumalik ako dito sa pilipinas last year."
Nakayuko lang ito the whole time na nag uusap kami. I cant believe this.
"Last year? You mean nandito ka na matagal na panahon na? We searched for you sa buong pilipinas. Naghire pa kami ng investigators pero wala din silang nakuhang information about sayo."
"I was once an agent Ate. Kaya alam ko kung paanong umiwas na matagpuan nila. My twins are on Jacob's Island. I restored it a year ago. I planned to live their peacefully with my twins kaya lang ako bumalik because mom needed me here."
"Mom? You mean alam ni mommy ang kung nasaan ka at kung ano ang nangyayari sayo the whole time?"
Tumango naman ito.
"Yes they were both there, mom and dad, when i gave birth. Hindi mo siguro alam. Kasi busy kayo ni Jacob."
"Mom and dad knew everything pero they never convinced you na ipaalam kay Jacob ang lahat?"
"They did Ate pero i told them ayokong magkasira kayo ni Jacob because of that. Mom and dad promised to take care of the twins as if kapatid natin sila. Kaya hindi ako nag aalala."
Sinampal ko ulit sya.
"Coward. Ang bobo mo Rain. Dapat ipinaglaban mo ang dapat na sayo. Hindi na inuna mo pa ang kalandian ko ksa sa mga bata. Anong akala mo sa akin Rain? Bato? I should have given up agad. No questions. Kung ipinaalam mo lang sa akin ang lahat. And for the record. Jacob and I NEVER had an affair. Dahil mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang minahal nya."
Napatitig ito sa akin. Nakakunot ang noo na wari'y hindi naiintindihan ang nangyayari.
"Everything was a bluff Rain. We were sweet dahil pinagpagselos ka namin. Para umamin ka sa totoong feelings mo. And you just did tell us the truth when you were drunk last night. Pero ako naman itong si gaga. Nagconfess kay Jacob na mahal ko pa rin sya at ako ang piliin nya. I made everything worst Rain. Umalis na si Jacob Rain. Mas pinili nyang lumayo ksa magkasakitan tayo."
Bumuntong hininga lamang sya.
"I guess its better that way Ate."
Ay tanga! Sinabunutan ko nga ulit.
"Rain naman eh. Ipaglaban mo naman kung ano ang dapat na sayo. Wag mo na akong isipin. The twins need their dad at wag mong ipagdamot yun sa kanila."
Pero she just smiled.
"You said he's gone away Ate. Sumuko na sya."
"Rain! Hoy. Di tayo pinalaki ng magulang natin na bobo. Sundan mo kaya. Gawin mo lahat para magkabalikan kayo. Ako na ang nagmamakaawa sayo."
Do i have any choice other than to let go? I think wala na.
"Hinihintay ko lang na manggaling yan sayo ate. Ayokong masaktan kahit isa man sa inyo kaya ako nagpaparaya. Help me find him Ate."
"We will Rain. We will. Kahit saang butas pa yun magsuot hahanapin natin sya."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon