Chapter 23

446 16 0
                                    


[Marky]

I looked at Hera with angry eyes.
Tangina naisahan ako ng dalawang yun.
I cant move dahil nakatali ang mga kamay at paa ko sa silya.
I heard someone calling from outside.
Alam kong si Karding ito dahil kilalang kilala ko ang boses nya.
He is one of my trusted allies.
Pero how can i tell him that im here?
Gayong nakabusal ang aking bibig habang binabantayan ng Hera na to.
Nakatali ako malapit sa may pintuan kaya maririnig ko pa din ang pag uusap ng hayop na De Guzman na yun at ni Karding mula sa sala.
"Did you bring my stuffs Mang Karding?" si Jacob.
"Ay opo sir. Andun po lahat sa bangka. Ipapasok na po ba namin?" sagot naman ni Karding.
Nakikinig ako pero tumatakbo sa kung saan ang utak ko. Paano akong makakatakas at masasabihan sina Karding na alam na ng tanginang yan ang plano namin. Paano akong matutulungan ng mga tauhan naming nasa paligid gayong hindi nila alam na may nangyayari ng masama sa akin dito.
"Sige Mang Karding. Ibaba nyo na lahat ng gamit. Ilagay nyo lang sa kwarto sa 3rd floor."
"Sige sir. Masusunod po."
"Ahh. Mang Karding? Pwede nyo po ba akong ibili ng yate sa lungsod o kahit speedboat manlang?"
'Wag karding wag! Makakatakas sila ng dahil dyan.' Gusto kong isigaw pero hindi ko magawa.
"Wow naman sir. Parang nag iba yata ang ihip ng hangin ah. Magbabalik na po ba kayo sa syudad?"
"Hindi Mang Karding. Gusto kong ipasyal ang bago kong babae sakay ng yate o speedboat. Gustong gusto nyang malibot ang dagat kaya as a gentleman gusto ko syang pagbigyan. After all ang ganda ng nagawa kong obra ng dahil sa kanya."
'Wag kang maniwala Karding. Pinagloloko ka lang ng animal na yan. Mag isip ka Karding. Mag isip ka.' halos magkakakawag na ako pero tinutukan ako ng baril ni Hera.
Sinamaan ko sya ng tingin at tahimik na nakinig nalang muli sa usapan.
"Kailan mo ba kailangan sir?" tanong nito. Walang kaalam alam si Karding sa totoong nangyayari. Paano ko syang masasabihan?
"Ngayong araw din mismo sana Mang Karding. I'll give you a blank check. Sila na ang bahalang maglagay ng presyo. Any amount Mang Karding. Ang gusto ko lang ay mapasaakin ang yate o kahit speed boat manlang bago magdilim."
'Karding! Wag kang pumayag! Punyeta! Karding mapapahamak tayo!'
"Sige po sir. Basta ikaw."
"I'll give you extra money Karding. 1 million para lamang bilisan mo ang pagkuha ng yate. Alam mo naman ang mga babae Mang Karding. Matampuhin sila." Tumawa pa ito.
'Gago kang tangina ka! Wag mong bilugin ang ulo ng tauhan ko.'
"Okay po sir. Ibababa lang po namin ang mga gamit tapos aalis din po kami agad. Andito na po ulit kami dala ang yate nyo o bangka bago lumubog ang araw."
'Wag! Tangina! Wag Karding.'
Nagkakakawag na naman ako. Kailangang maalarma sina Karding na nandito na ako.
Tangina naman kasing gagong Karding na yun. Kung kailan kinailangan ko ay hindi ko naabutan.
Sasabihan ko pa mandin sana na pupunta ako dito sa isla pero ang hinayupak andun sa mga babae nya sa club. Kaya mag isa akong tumungo sa isla na ito kasama ng mga tauhan ko na galing sa lungsod.
'Langyang buhay to! Karding! Karding!'
Akmang sisipain ko ang pintuan ng pinukpok ako ni Hera ng baril sa ulo.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon