Chapter 27

437 16 0
                                    


[Tadeo]

I checked my watch. Its an hour before midnight.
Kasalukuyan kaming lulan ng mga bangkang de motor patungong isla. Kasama ko si Lara at iilang tauhan sa bangka na tahimik na pinagmamasdan ang mapanganib na dagat sa gitna ng kadiliman na ang tanging tanglaw ay ang liwanag ng buwan.
"Sana ayos lang ang kalagayan nyo ni Jacob anak. Gabayan sana kayo ng diyos." Nausal ko na lamang habang tinititgan si Lara.
Ang daming katanungang bumabagabag sa isipan ko sa mga oras na ito pero lahat ng yun ay makakapaghintay.
May tamang panahon sa lahat ng bagay. Si Jacob at si Hera ang mas mahalaga sa mga oras na ito.
"Patayin ang makina ng bangka. Magsasagwan nalang tayo" sigaw ko ng matanaw ko na ang isla.
Kailangang makadaog kami ng walang ingay.
"Prepare yourselves men. Hindi natin alam kung ilan ang kalaban natin. Kailangang mag ingat." inihanda ko na ang aking mga gamit.
"Guide us oh Lord. Make us safe."
I checked kung okay na ba ang dami ng dala kong baril at mga bala.
Pero nagulat ako ng inagaw ni Lara ang isang 45. Inagaw ko pabalik ito.
"Hoy. Bakit ka ba nang aagaw ng baril ha Lara? Pinasama kita dito but it doesnt mean na makikipagbakbakan ka na rin kasama namin." itinago ko ang 45 sa holster pero hinablot ulit ni Lara to.
"Gusto kong ako mismo ang papatay sa taong nang aapi sa anak ko. Gusto mong sayo ko iputok to?" pagalit na itinutok nito ang baril sa akin.
"Hey. Baka pumutok yan. Tengene naman Lara. Ibaba mo na yan. Oo na. Sige na. Sayo na yan."
Nakangisi naman nitong itinago ang baril sa may likuran nya.
Nakakatakot na talaga sya. She's not a Tweety anymore. She's one untamed vulture. Isa na syang buwitre na handang pumatay para sa kaligtasan ng anak niya....ng anak namin.
Nagulat kami when we saw fire pagdaong namin.
"Oh God! Nahuli na ba kami ng dating?" halos matulala nalang kami sa kinatatayuan namin habang pinagmamasdan ang nasusunog na mansyon.
"Men go to your positions now. Search the area. Iligtas ang dalawa." utos ko at hinila si Lara papasok ng kagubatan.
"Ang baby ko. Baka andun sya sa loob ng nasusunog na mansyon." she started to cry. Isinandal ko sya sa may puno.
"Look at me Lara. Hera is a tough agent. Naniniwala akong ligtas sila magpahanggang ngayon. We have to trust Hera. Kaya niyang mabuhay para sayo...para sa atin." she looked at me with sad eyes but within seconds it became an angry stare.
"Hera is all i have Tadeo. Sila ang naging buhay ko sa loob ng maraming taon. Kung kaya't hindi maatim ng konssyensya kong tumunganga dito habang napapahamak ang anak ko. Tara na." Tumango naman ako. Nababagabag ulit ako sa narinig mula sa kanya.
Sila? Bakit sila? Di lang ba si Hera ang anak ko?
Nagulat ako when she pulled me for a passionate kiss. Short but sweet.
"Pampainspire lang. Hindi ko na matiis eh." sabi nito pagkatapos. Napakamot nalang ako ng batok at sinundan sya papasok sa gubat.
Tanging liwanag ng buwan at flashlight lamang ang aming gabay sa kadiliman ng gabi.
"Open Zipper!" sigaw ko ng may marinig akong kaluskos mula sa di kalayuan. Pero walang sumagot.
Isang bulto ng tao ang nakita kong papalapit sa aming direksyon.
"Open zipper!" sigaw ko ulit pero hindi ito sumagot.
"Naloko na. Kalaban." Bumunot ako ng baril at itinutok sa papalapit na yun. Ganun din ang ginawa ni Lara.
Akmang magpapaputok ang palapit na tao sa kinaroroonan namin ng paputukan namin itong pareho ni Lara.
Pero ng lumikha ng liwanag dahil sa putok na yun ay nakita kong ang direksyon ng baril ni Lara ay hindi papunta sa kalabang nasa harapan kundi sa sarili nyang katawan.
Natumba ang nasa harapang kalaban pero nakatulala lang si Lara.
"Oh God! Are you okay Lara? Mali ang pagkakahawak mo sa baril. Baliktad."
Kinuha ko ang baril sa kamay nya and inspected kung tinamaan sya sa sarili nyang pagpapaputok.
Pero hindi. At sa pagkagulat ay may napansin akong taong nakahandusay mula sa likuran namin.
Tinutukan ko ito ng flashlight at di ako makapaniwalang patay na ito at sapol sa puso ang tinamaang kalaban.
"Langya! Lucky Vulture." napailing iling na lamang ako. Blessing in disguise ang maling paghawak ni Lara sa baril.
"Akalain mong natamaan mo ng di sinasadya ang kalaban natin sa likuran Lara? Sapol sa puso eh. Ang galing ng tsamba mo."
Ngingisi ngisi naman nitong binawi ang baril nya mula sa akin.
"Ang galing ko diba? Akin na yan. Tara na!"
Napailing iling na lamang ako. Ang galing ng tadhanang umasinta... laging pumapanig sa kanya. Baliktad na nga sapol pa din eh.
"Hoy. Hawakan mo ng tama yang baril mo Lara. Mamaya ikaw na tamaan nyan eh."
"Heh! Alam ko! Wag mo kong turuan."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now