Chapter 13

498 20 0
                                    

[Marky Zamaniego]

"Pssst!"

Nagpalinga-linga ako ng makarinig ako ng ingay mula sa kung saan.

Nakita kong nakatago sa may halamanan si Hera.

"Anong ginagawa mo d'yan?" I asked as I approached her.

"Wag kang maingay. Hindi tayo dapat makita ni Jacob na magkasama."

Napailing na lamang ako. "Bakit daw ba? Ano bang sabi mo sa kanya?"

"He asked me about you. Sabi ko magkababata tayo. Pero mukhang galit yata at ayaw n'yang lumapit ako sa'yo. Buti at sinundan mo ako dito, Agent Dela Pena."

You heard it right. Ginagamit ko ang pangalang Marky Dela Pena. Ano ako tanga? Mahahalata ng Tadeo na 'yon na may relasyon ako kay Terrence Zamaniego kung ibibigay ko sa kanila ang totoo kong pangalan.

Actually my real name is Terrence Angelo Zamaniego Jr. Anak ng dating sikat na actor/model na si Terrence Angelo Zamaniego sa secretarya nitong si Mhelody Salazar.

Tama kayo. Hindi lang isa ang ipinaghihiganti ko dito kundi both of my parents. Ang tatay ko na nagpakagago ng dahil sa Steffi Andrews na 'yon. Ginamit n'ya ang nanay ko just to blackmail Alexander De Guzman. Naging talunan ang tatay ko. His plans didn't work out. Nabuo pa ako. My mother become desperate kaya binalak pa n'yang patayin sina De Guzman pero s'ya pa itong nakulong. Sa bilangguan ako ipinanganak hanggang sa may nagpyansa sa nanay ko.

Binayaran kami ng mga Zamaiego para magpakalayo-layo just to save my father's image as a fast rising star/model. Pero unfortunately hindi s'ya nakontento. Binalak n'ya ulit patayin sina Andrews at De Guzman pero s'ya ang nadali.

Poot ang naramdaman ng nanay ko sa pagkamatay ng tatay ko kung kaya't ginusto din ng nanay kong ipaghiganti ko sila sa mga De Guzman. It's like hitting two birds with one stone. Makakaganti ako sa mga De Guzman at babango pa ang pangalan ko sa grupo kapag naipuslit ko na ang mga kontrabando.

"May ilang araw ka na kasing hindi macontact, Agent H. Nag- aalala na sina Sir Tadeo sa'yo."

"This whole island is a trap itself, Marky. Wala kahit anong way to communicate outside."

Good for me. Perfect for my plans. Hindi maaabisuhan ni Tadeo si Hera at Jacob sa totoong sitwasyon.

"Matalino ang sindikatong kinabibilangan ni Jacob, Agent H. Kamusta ang pag iimbestiga mo?"

Umiling s'ya. Malamang wala talaga s'yang makukuha.

"No signs, Agent M. Wala ni ano mang bakas ng sindikato ang nahanap ko. And worst. I found out something."

Napakunot-noo ako sa tinuran n'ya.

"What is it, Agent H?"

"Jacob is my childhood sweetheart."

Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.

T*ngina! Magiging complikado pa yata ang misyon kong ito. Akala ko magiging madali ang pagbilog ko sa ulo ni Hera para tuluyang paratangan at patayin si De Guzman pero heto't problema yata ang dala ng nakaraan nila.

"Hera, hindi rason na kababata mo s'ya para lamang maawa ka. He is a druglord, Hera. Kalaban ng batas." I insisted. Kailangang mapaniwala ko si Hera.

"Wala pa naman tayong ebidensya, Marky."

Naloko na. Mukhang nabilog na din ng Jacob na 'yon ang ulo ng babaeng ito. Hindi ako papayag.

"Kaya nga ako nandito, Hera. Partners tayo. Tutulungan kita."

Bumuntong-hininga ito. Nag-isip ng saglit at tumango-tango.

Napangisi ako ng palihim.
Mapapapanig ko din sa akin ang panahon.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now