Chapter 52

464 13 0
                                    


[Snow]

Buong araw kaming paikot ikot ni Rain sa buong paligid.
Sa mga parks, subdivisions, warehouses pati na yata simpleng bahay pati ospital at boarding houses napuntahan na namin makita lang namin ang mag aama pero wala. They're nowhere to be found.
Hanggang sa mapagod kami ni Rain at saglit na tumigil sa isang convenient store para bumili ng kape.
"Ate si Jacob. Sina Daniela din at Angela. Nakakaawang mga bata. Ni walang magawa para maipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mga hayop na yun." iyak ito ng iyak.
"Makikita din natin sila Rain, you'll see." pag aalo ko naman dito. Pero kahit ako ay nawawalan na din ng pag asa. 1 oras nalang ang natitira. Ayokong mahuli kami at makita nalang naming sumasabog na ang mag aama ng wala kaming nagagawa.
"Paano natin sila makikita Ate? Mahigit isang oras nalang ang natitira pero wala pa tayong nakikita ni anino ng mga hinayupak na yun."
"Nawawalan ka na ba ng pag asa Rain? Alam kong sa mga oras na ito ay ginagawa ni Jacob ang makakaya nya mailigtas lamang ang sarili nya at ang dalawang bata."
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Si dad ang tumatawag.
"Hello dad?"
"Snow may nakita na ba kayo?" tanong nito sa kabilang linya.
"Negative pa dad. Halos naikot na namin ang buong bayan pero wala talaga."
"Kanina pa namin pinapakanta si Marky Zamaniego pero matigas talaga sya anak."
"Dad please. Gawin nyo po lahat. Kahit patayin nyo pa ang hayop na yan malaman lang natin kung nasaan si Jacob at ang mga bata."
"Sige anak. Please stay on the line."
Niloud speak yata ni dad ang cellphone nya at narinig kong parang inilapag nya sa mesa ang cellphone nya.
"Wala akong sasabihin sa inyong mga animal kayo!" si marky yata yun.
"Aaahhh! Putngna nyo!"
"Sasabihin mo ba kung nasaan sina Jacob o tutustahin kita ng stun gun na ito?"
"Wala sabi kayong malalaman mula sa akin! Magdusa kayo! Aaaaaray!"
Narinig kong nasasaktan si Marky sa kabilang linya pero mas gusto ko pa nga ang ginagawa ni dad. Kulang pa ang sakit ng katawan ni Marky sa pag aalala na dinaranas namin sa ngayon. Lalo na ni Rain na ang mga anak nito at pinakamamahal ang nasa panganib. Kung bakit kasi may ipinanganak pang Terrence Zamaniego Jr. Sana wala nalang.
"Daddy 40 mins nalang po. Baka mahuli na po ang lahat."
Sigaw ko sa cellphone nung tiningnan ko ang relo ko.
Nasa panic mode na kaming lahat dahil sa nangyayari.
"Well then wala na akong choice. Ipasok nyo na yan." sigaw ni dad sa kung sino man.
"Mama!" sigaw ni Marky.
"Marky! Anak!"
"Hanggang dyan ka lang Mhelody! O ano Marky. Hihintayin mo pa ba na ang nanay mo ang pahirapan namin para kumanta ka?"
"Ano ba ang nangyayari anak? Huhuhu."
"Ano Marky? Gusto mo bang gamitin ko din ang stun gun na ito sa nanay mo?"
"Wag! Hayop ka Rivera! Hayop ka! Wag mong idamay dito ang nanay ko!"
"Gago! Paanong hindi idadamay eh idinamay mo pati mga apo ko sa kagaguhan mo! Magsasalita ka ba o hihintayin mo pang sa nanay mo lumatay ang kuryente nitong stun gun ko."
"FvcK! Pakawalan nyo ang nanay ko. Sasabihin ko na."
"Sabihin mo na agad gago ka! Sabihin mo na."
"Aaarraaayyy!" sigaw ng boses babae. Ang nanay yata ng Marky na yun ang sinisimulang pahirapan ni dad.
I think tama lang ang ginawang ito ni dad. Marapat lang na pahirapan din ang mahal sa buhay ni Marky gaya ng ginagawa nya sa amin. Marapat lang sa kanya ito.
"Mama! Tama na. Nasa lumang airport sa bayan sina Jacob. Itinali ko sya kasama ng mga bata sa isang silid doon. Nasabi ko na kaya't pakawalan nyo na ang nanay ko."
"Dad send us back-up maauna na kami ni Rain papunta doon!" sigaw ko kay daddy sa phone at en-end call ko na ito.
"Rain narinig mo naman sila dad diba? Tara bilisan natin! Sa lumang airport daw!"

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon