Chapter 48

433 13 0
                                    


[Jacob]

I looked at my twins. Tahimik silang natutulog.
"Ang mga anghel ko." sinubukan kong magkakakawag para makawala sa pagkakatali pero walang epekto. Hindi manlang lumuwag kahit konti ang tali.
"Fvck! Gago! Demonyo! Pakawalan mo kami dito." mahina kong sabi at baka magising ang kambal ko.
Kawawang mga bata.
Naisip ko tuloy. Kung hindi ba ako dumating sa isla para kunin sila hindi din sila gagalawin ng gagong yun?
Napabuntong hininga ako. Kailangan kong mag isip ng paraan para makatakas kami dito.
Nagulat ako ng lumagabog ang pintuan.
Nag iyakan din ang mga bata. Nagising sila sa lakas ng lagabog na yun.
"Tumahimik kayo." sigaw ng matabang lalaking nagbabantay sa amin.
Umalis na siguro ang hayop na yun.
"Ang lakas kasi ng pagbubukas mo ng pintuan paanong hindi iiyak ang mga yan?"
Tinitigan naman ako nito ng masama at pasuray suray na lumapit sa akin.
Lasing ang gago.
"Anong sinabi mo?" dinuro ako nito.
"Sabi ko boss pakawalan nyo muna ako dito at patatahanin ko lang ang mga bata."
Sana pumayag ang gago.
"Sige. Kakalagan ko ang mga kamay mo. Pero wag na wag kang magtatangkang tumakas at sabog ang bungo mo."
Tumango tango naman ako.
Kinalagan nya nga ako pero heto't nakatutok naman ang baril nito sa akin. Nakatali pa din ang mga paa ko sa mga oras na ito.
"Pwede po bang paabot ng gatas?" iksaktong tumalikod ito ng may mahulog mula sa backpocket ng pantalon nya.
Cellphone.
Agad kong pinulot at itinago sa bulsa ko.
"Thank you Lord. Kahit kailan hindi nyo talaga kami pinababayaan." naiusal ko na lamang.
"Ginawa mo pa akong utusan hayop ka!" sigaw nito pagbalik na may dala ng gatas.
"Sorry boss. Ayaw nyo naman kasi akong kalagan dito. Saka ayaw nyo din po ng maingay diba?"
Ngumisi naman ito.
"Kung ganyan ka ba naman kabait eh di wala tayong problema. Dinalhan kita ng makakain."
Kinuha nito ang tray ng pagkain at inilapag sa lamesa na katabi ng silya kung saan ako nakatali.
"Kumain ka na dyan at tawagin mo lang ako pag tapos ka na! Wag na wag kang tatakas na animal ka at wala kang ibang malalabasan kundi ang pintuan kung nasaan ako!" singhal pa nito sa akin at pasuray suray na muli na lumabas ng kwarto kung nasaan kami.
Eksaktong sumarado ang pintuan ay kinuha ko ang nakuha kong cellphone at idinial ang number ni Rain.
Natatandaan ko ang numero nya dahil sa dalawang beses na pagpapatawag ng hayop na yun sa akin kay Rain.
Makailang beses ko din na niwrong dial para makabisa ko ang numero nyang yun.
Nagring ang cellphone nya.
"He-hello." boses ni Rain.
Thank God at ang bilis nyang sumagot.
"Rain. Rain. Listen. This is Jacob. We had been kidnapped. Dito banda sa may Caloocan. Kinidnap ako kasama ang mga anak natin Rain. Buhay sya Rain, buhay si Marky. Manghingi ka ng saklolo Rain. Nasa panganib ang buhay natin. Wag na wag kang magpupunta dito ng walang back up. Any time babalikan sya dito at papupuntahin ka nya dito at sabay sabay nya tayong papatayin. Please Rain get some rescue."
"Jacob totoo ba to. Kasama mo ang mga anak natin? Hindi ka ba nagbibiro?"
"Trust me Rain. Yes Rain. Sundin mo ako. We dont have enough time. Naagaw ko lang ang cellphone na ito. Hindi na ako makakatawag muli. Im warning you Rain. Kailangan kita Rain... Kailangan ka namin ng mga bata. Ikaw nalang ang pag asa namin Rain. Nasa bodega kami ng bigas. Dito nila kami itinago. Buhay Si Marky Zamaniego Rain. Buhay sya. Save us please. Rescue us Rain." iyak ng iyak na naman ang mga bata and im sure narinig ito ni Rain sa kabilang linya.
Pinutol ko na ang tawag ng makarinig ako ng lagabog sa pintuan.
Papasok na naman ang gago naming bantay.
Narinig siguro ang pag iyak ng mga bata.
Pero thank God. Salamat sa diyos at nakatawag ako kay Rain. I hope maniwala sya sa akin. Kailangang maniwala sya sa akin.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon