Chapter 53

550 13 0
                                    


[Snow]

Mabilis naming tinalunton ang daan papuntang airport.
30 mins.nalang ang natitira bago sumabog ang bomba.
Malayo ang lumang airport sa kinaroroonan namin.
It will take us 10 mins. at hahanapin pa namin yung kwarto kung nasaan sila Jacob.
Diyos nalang ang makakatulong sa amin. Wala ng oras. Milagro na ang kailangan namin ngayon.
"Ate dali!" sigaw ni Rain habang papalabas na kami ng sasakyan.
Halos paliparin ko na ang kotse para lang makarating agad kami dito.
Agad kaming tumakbo ng magkahiwalay papasok ng lumang airport.
Pinasok ko ang mga kwarto sa pag aasam na agad ko silang mahanap. Alam kong ganun din ang ginagawa ni Rain sa mga oras na ito.
"Jacob! Jacob!" sigaw ako ng sigaw hanggang makarinig ako ng lagabog sa kwartong nasa dulo ng pasilyo na tinalunton ko.
"Hmmmmmm. Hhhmmmmm. Hhhmmmm." lagabog ng lagabog at wari'y may taong humahalinghing at hindi makapagsalita na nandun sa kwartong yun.
I disregarded the thought na baka multo ang sumagot sa akin. Matatakutin pa naman ako.
Tinatagan ko ang loob ko at binuksan ang kwartong yun.
Si Jacob nga ang nadatnan ko at hindi ang multong kinakatakutan ko. Nakatali sya sa isang silya habang ang dalawang bata ay natutulog sa tabi nito.
"Rain! Rain! Nandito sila! Rain!" Dumungaw ako sa pintuan at sumigaw ako upang marinig ni Rain at agad naman akong nakarinig ng yabag papalapit sa kwartong kinaroroonan ko.
Kinalag ko ang busal ni Jacob at ang tali nito sa paa at kamay.
"Snow. Nasa likod ko ang bomba." sabi nito sa akin habang kinakalag ko ang mga tali sa kamay at paa nya.
"Jacob. Oh God. Mabuti at ligtas kayo." humahangos na pumasok si Rain sa kwartong yun at agad na kinarga ang dalawang bata.
"Umalis na tayo sa lugar na ito bago pa sumabog ang bomba."
"Rain nasa likod ni Jacob ang bomba!"
Nanlaki ang mga mata nitong napatitig sa akin.
"Ate hawakan mo ang mga bata. Lumabas na kayo ng building na ito. Hintayin mo ang rescue at agad mong ituro dito. 10 mins.nalang ate. Kailangan kong mahinto ang pagsabog ng time bomb na nasa likod ni Jacob. Dali an mo ate."
Agad kong kinuha ang mga bata mula sa kanya at itinakbo papalabas ng building na yun ang mga umiiyak na mga bata.
Agad ko silang ipinasok sa kotse at tinawagan si daddy.
"Dad nasaan na kayo? 8 mins nalang at sasabog na ang bomba."
"Malapit na kami anak. Tulungan mo muna si Rain habang wala pa kami Snow."
"Sige po. Bilisan nyo po. Nasa storage room po sila sa left side ng building. Nasa pinakadulo. Papasok po ulit ako doon. Iiwan ko sa kotse ang dalawang bata. Please hurry up dad. Please."
Ibinaba ko na ang cellphone at agad na tumakbo pabalik kina Rain.
5 mins.nalang at pakiramdam ko parang sasabog na ang puso ko sa kaba.
"Rain. Kamusta?" tanong ko ng makapasok na ako sa storage room.
Nakatalikod si Jacob habang tinitingnan ni Rain ang mga kableng nakakabit dito. Sinigurado talaga ng gagong yun ang pagkakatali ng bomba kay Jacob.
"Ang daming wires Ate. Sobrang komplikado ng pagkakagawa nitong bomba. Hindi ko malaman kung alin ang dapat kung putulin upang matigil ang oras."
Agad naman akong lumapit at inakbayan si Rain na nakangiti.
"Expert ka dyan diba sis? Kaya mo yan. Sasamahan kita dito. Tatlo tayong haharap sa pagsubok na to. Wala akong alam sa bomba pero minsan na din akong pumasok ng kumbento. Baka malakas pa din ang kapit ko sa diyos. Gawin mo ang nararapat. Kami na ni jacob ang bahala sa dasal."
Bumaling naman si Jacob at ngumiti.
"Subukan mo lang Rain. Kung hindi talaga kakayanin iwan nyo nalang ako dito ni Snow. Kayong dalawa na ang bahala sa mga bata. I love you Rain. I love you to the moon and back. Tandaan mo yan Rain." he kissed her lips. Tears are falling from their eyes.
Maski ako ay napaluha na rin.
"Salamat Snow. Best. Ikaw na ang bahala sa mga pamangkin mo."
Tumango naman ako and looked at my watch. 3 minutes left.
"Rain! Ngayon na. 3 minute nalang ang natitira sa oras natin."
Tumango naman ito at kinalikot ang mga wires.
2 minutes....
"Ate ayaw talagang tumigil"
1 minute left.....
"Ate. Huhuhuh. Tumakbo ka na palabas! Iwan mo na kami ni Jacob dito."
Umiling ako.
"Sama sama tayong haharapin ito Rain.
Do or Die"
Seconds passed... Pero ayaw talaga.
2 seconds left....
Hinablot ni Rain ang bomba mula sa likod ni Jacob at dinapaan ito.
"Rain/Rain" sigaw naming pareho ni Jacob at napadapa nalang din kami. Hinintay ang pagtatapos ng oras, ang pagsabog ng bomba at ang aming kamatayan.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now