Chapter 28

446 15 0
                                    


[Jacob]

We were stuck yet we figure our way out of the mansion through the air vents.
We were crawling our way out.
Sobrang dilim at ang sikip pero kailangan naming makatakas sa lugar na yun bago pa kami mahuli nina Marky.
Nakahinga ako ng maluwag as i saw a little night light.
"Rain malapit na tayo sa labasan." pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
"Rain? Rain?" lumingon ako para tingnan kung nakasunod lang sya sa likuran ko pero wala.
"Shit! Rain? Rain" i crawled back and there i saw her lying on the soil unconscious.
"Damn! Rain what happened?" Hinila ko sya. Painot inot pero mabilis akong gumapang patungo sa labasan na hila hila si Rain.
"Oh God! She's unconscious." mabuti na lamang at malapit sa may batis ang lagusang aming nilabasan.
Sumandok ako ng konting tubig at winisik ito sa kanyang mukha. I even tried CPR and used herbal plants hanggang sa manumbalik ang consciousness nya.
"Jacob" she hugged me as she cried. Hinang hina sya.
She's cold. Kung nahuli pa ako baka nawala na ng tuluyan si Rain sa akin.
"What happened Rain?"
I give her a bottled water as i let her sit on a tree trunk.
"Claustrophobic ako Jacob. I was able to fight my phobia for a while pero hindi ko na kinaya. I was out of breath."
I hugged her tight.
"I could have lost you. Sana sinabi mo kaagad sa akin." she smiled at me at napailing iling.
"Ayokong mag aalala ka. I thought i was brave enough to fight my fear pero hindi ko pa din talaga kinaya. I was happy you were here when i needed help." she smiled and hold my cheek.
"Pasaway ka! Paano nalang kung may nangyaring masama sayo?" i pinched her nose.
"Buhay pa naman ako diba?" she chuckled.
"Hmmm. Basta sa uulitin. Kapag hindi mo kaya magsabi ka sa akin. Im here to help you Rain. I love you." i kissed her lips.
"Hmmm. Kailangan na nating kumilos Jacob. Kailangang makahanap tayo ng mapagtataguan para hindi tayo makita nina Marky." Tumayo na ito at binitbit ang mga gamit nya.
"Why dont we just leave the drugs here Rain? Isaboy nalang natin sa tubig." i suggested. Ilang kilo ng drugs at mga ecstacy ang laman ng isang bag na dala namin ni Rain kung kaya't nagpapabigat din ito sa dala dala namin.
"No Jacob. We need this proof para lalong madiin si Marky sa kasong ito. Kailangang makaligtas tayo dito at maisuplong sya sa nakakataas." Nagkibit balikat nalang ako at binitbit ang ibang bagahe namin.
"Ikaw ang bahala Rain."
Nagulantang kami ng makarinig kami ng putok mula sa kagubatan.
"Tara na Jacob. Magtago na tayo. Baka sina Marky na ang papalapit sa kinaroroonan natin. Hindi nya tayo pwedeng mahuli." Tumango naman ako at nagpatiuna na.
"Follow me. May alam akong pwedeng mapagtataguan."
-------------------------------
Nagkubli kami sa isang maliit ng kweba sa gilid ng bundok.
Hindi halatang may kweba sa lugar na ito dahil napakataas ng damuhan sa dakong ito ng gubat.
Maya maya pa ay nakarinig kami ng nagtatakbuhan. Mga apat na tao yata ang papalapit sa aming kinaroroonan.
"Jacob wag na wag kang gumawa kahit konting ingay. Hindi nila tayo pwedeng mahuli." bulong nito sa tenga ko. Tumango naman ako at nakiramdam sa nangyayari sa paligid.
"Tara doon tayo sa banda roon. Grabe ang taas ng talahib sa lugar na ito. Ang dilim pa mandin." sabi nung isa sa kasama nya.
Nakatayo nalang sila ngayon sa may itaas namin. Kung bumaba pa ng kaunti at maliwanag ay baka maaninag nila kami. Mabuti at madilim pa.
Kailangan naming makahanap ng mas ligtas na lugar pag umaga.
"Ano yun pare may kumakaluskos? Mukhang may mga tao patungo sa pwesto natin." sabi naman nung isa sa kasama nya. Pigil na pigil ang bawat naming galaw ni Rain kung kaya't sigurado akong ibang tao ang tinutukoy niya.
"Open Zipper!" Sigaw nito.
"Open zipper!" narinig kong sagot din nung taong nasa may di kalayuan.
"Kasamahan pala natin. Tara puntahan na natin sila."
Nakahinga kami ng maluwag ni Rain ng marinig namin ang papalayong mga yabag.
"Muntik na tayong mahuli Rain."
Wew. Kokonti nalang sana at nahuli na nila kami. Mabuti at nakakubli kami ng maayos sa pinagtataguan naming kweba.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon