Chapter 49

421 12 0
                                    

[Rain]

Napaupo na lamang ako sa sofa matapos maputol ang tawag na yun ni Jacob.
Nasisigurado kong si Jacob nga ang kausap ko.
At mas lalo akong nanlumo ng marinig ko sa background ang iyak ng kambal kong anak.
Nasa panganib nga sila at nagsasabi ng totoo si Jacob.
Hindi ko naman pwedeng tawagan ang numero na ginamit ni Jacob dahil maari pa itong maging dahilan upang malaman ng kidnappers na nakatawag si Jacob sa akin.
At paulit ulit na rumihistro sa utak ko ang sinabi ni Jacob.
Buhay si Marky....
Buhay na buhay ang hayop na Marky Zamaniego na yun!
"Fvck!" napasabunot nalang ako sa ulo ko.
Ano ang dapat kong gawin?
Kailangang mailigtas ko ang mag aama ko ng hindi sila nasasaktan o napapahamak?
"Twin" nagulat ako ng hawakan ako ni Ate Snow sa balikat.
"Ate, Jacob called. Magkasama sila ng mga bata. Nakidnap silang tatlo ni Marky Zamaniego Ate." nangunot ang noo nito.
"Who's Marky Zamaniego Twin?"
I told her the whole story. Yung nangyari sa isla 3 taon na ang nakalilipas. Yung pagkakabaril ni daddy kay Marky at pag aakalang namatay na ito.
"Tsk. Tama nga ang kasabihan na masamang damo matagal mamatay."
Maya maya ay tumunog ang cellphone ko.
Another unregistered number.....
"Hello." sinagot ko kaagad ito.
"Hi baby. Missed daddy?" he laughed. Nabosesan ko na sya. Siguro nakalimutan ni Marky na maglagay ng bagay na makapagpabago sa boses ni Jacob.
Si Jacob pala ang nakakausap ko the whole time. Pero sigurado akong napipilitan lang sya.
"Anong kailangan mo? Ipakita mo na sa akin ang mga anak ko. Please ibalik mo na ang mga anak ko." pinilit kong itago ang galit ko.
Alam kong nakikinig lang si Marky sa tabi ni Jacob.
Gusto kong isigaw sa pagmumukha nya na alam ko na ang totoo pero nagpigil ako.
Baka lalo lang itong ikapahamak ni Jacob at ng mga anak ko.
Matagal bago sumagot sa kabilang linya.
"Ipapakita ko sayo ang mga anak mo kung pupunta ka sa address na sasabihin ko sayo. Wag na wag kang magsusumbong sa pulis. Wag kang magdala kahit na anong baril kasi kapag nakitaan kita ng anumang sandata sabog ang ulo ng mga anak mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" sigurado akong inagaw ni Marky kay Jacob ang cellphone dahil hindi ako maaaring magkamali. Boses na nga ni Marky ang naririnig ko.
"Opo opo. Susunod po ako wag nyo lang saktan ang mga anak ko."
Sinambit nito ang nasabing Address at naputol ng muli ang kabilang linya.
"God! Ang mag aama ko."
Napaiyak na lang ako sa frustration.
"Hayaan mong tulungan kita sis." tiningala ko sya.
"I have a plan. Get ready at tayong dalawa ang papatay sa Marky Zamaniego na yan. Everything will be alright after this twin. Tiwala lang." tapos ngumiti ito and hugged me.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon