Chapter 36

438 12 1
                                    


[Jacob]

"Breakfast in bed babe." masayang mukha ni Rain ang nabungaran ko pag gising ko.
"Wow. Ang ganda naman ng girlfriend ko. Ang ganda tuloy ng gising ko. Sana ganito araw araw." I smiled back and she kissed my cheek.
Then she hug me without saying a word.
Ang higpit ng yakap nya sa akin.
"Teka. Rain..babe. Hey. May problema ba?"
Ang tagal bago sya bumitaw sa akin.
Nakangiti na sya pero i saw a glint of tears on her eyes.
"I just miss you babe. Isnt it obvious?" pero kaduda duda talaga ang kinikilos nya.
Its as if may problema pero she's hiding it from me.
I disregarded the thought and smiled back at her.
"What brought you here this early babe?"
"I brought you red carbonara. I cooked it for you babe."
I hold her hand and kissed her temple.
"Ang ganda na nga, ang bait bait pa. Wag lang magluto este masarap din palang magluto."
Kinurot ako nito.
"Hey. Magaling naman talaga akong magluto ah. Prito nga lang tsaka ang paboritong adobo ni mommy. Pero syempre para sayo itong red carbonara ko."
Nakapout pa ito.
Kiniss ko nga sa lips pero smack lang.
"Hey. Ang daya mo naman Jacob. Magnanakaw ng halik." pinalo kunyari ako nito pero mahina lang.
"Gusto mong gumanti? Oh." inginuso ko din ang lips ko para i kiss nya.
"Tss. Ayoko nga. Makakaisa ka pa eh."
Kinuyumos ko nga ng halik.
"Okay na ba na payment yan sa breakfast ko babe?"
She smiled at me pero halatang nagpipigil lang ng luha.
"Hey. Whats wrong? Kanina ka pang parang iiyak babe ah?" i stroked her hair and hugged her.
"Wala. I just want to say thank you Jacob for making me feel loved. Yung efforts ko nasusuklian ng pagmamahal mula sayo."
I touched her cheek.
"Mahal na mahal kita Rain kaya whatever makes you happy gagawin ko para sayo. I'll do everything just to make you smile Rain."
Natahimik na lang sya bigla at hindi na sumagot.
"I'll tell you something Jacob." sabi nito maya maya.
Parang bigla naman akong kinabahan.
"What is it babe?" kunot noo kong tanong.
"May kakambal ako."
Parang nabunutan ako ng tinik sa narinig. Yun lang naman pala.
"I know. She showed up in here last night."
Nagulat naman sya. A glint of anger was seen on her eyes.
"I see. Nagkakilala na pala kayo."
Nagkibit balikan lamang ako.
"Yes. We did. Her name is snow pala."
Tumango tango naman sya.
"She likes you Jacob. I mean my ate loves you."
Snow had been vocal about that pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya pati na rin ngayon kay Rain.
"Natahimik ka na? Do you feel something towards her too Jacob?"
Napatikhim ako. I dont know. Naguguluhan ako. Mahal ko si Rain pero nakakadama ako ng kung ano para kay Snow. I dont know if this is love or what. Basta i feel something unnatural.
"I dont know Rain." she stared at me blankly then her expression changed.
"Then this wont be too hard for me to do." i saw her firy eyes. Nasa mata nya rin ang relief at pagsuko.
Lalo tuloy akong naguluhan sa inaasal nya.
"Ano ang ibig mong sabihin Rain?"
Umiling iling lamang sya.
"Nothing jacob. Nothing. Kumain ka nalang ng Carbonara."
Sinubuan ako nito pero halatang lumilipad ang isip nya.
"Rain I love you." ginagap ko ang mga kamay nya.
She just smiled at me.
"No Jacob. I love you. Ako lang ang nagmamahal ng tapat sa ating dalawa. Hayaan mong ako lang ang magmahal sayo Jacob."
Napalis ang ngiti sa mga labi ko. Di yata't ang lalim ng kahulugan ng mga salita nya.

"Im breaking up with you Jacob." these words hit me like a bomb.
"Why rain? May ginawa ba akong mali?" i tried to hold her hand pero agad niya itong inilayo.
"I can sense hesitation Jacob. Mahal mo ako pero mahalaga si Ate Snow sayo diba? Paano nalang kung narealize mong si Ate Snow pala ang mahal mo at hindi ako Jacob?"
What is she up to? Ang ganda ng gising ko. Ang ayos ng usapan namin kanina before nasali sa usapan si Snow.
"Rain kung nagseselos ka ng dahil kay Snow drop it please. Ikaw ang mahal ko at hindi sya. Aaminin ko may part ng sarili ko na naglolook up sa ginawang kabutihan ni Snow when i was in Canada. Sya ang tumulong sa akin ng walang wala ako. I disinherited myself dahil ginusto ko ang pagpipinta. Nagstruggle ako rain. Ninakawan pa ng masamang loob when i was in Vancouver."
Natahimik naman sya then looked at me with curious eyes.
"Naikwento sa akin ni Snow kagabi ang ginawa nyang pag save sa akin from that thief Rain. Inalay ni Snow ang buhay nya to brought back what was stolen from me pero sya pa itong napahamak. Malaki ang utang na loob ko kay Snow Rain kung kaya't ayoko ding masaktan sya."
Tumawa naman ito ng pagak.
"Definitely. Kailangan mong bumawi sa kanya right? Kailangan mong maiparamdam sa kanya ang pasasalamat mo by not hurting her... by giving her that attention she's asking. Kailangan mong magbayad ng utang na loob Jacob."
Napatango naman ako.
"Marapat lang din naman siguro diba? Pero Rain im sure na ikaw ang mahal ko. Hindi ko lang din kayang saktan si Snow."
I tried to hold her arm pero tumayo ito mula sa kama at nakahalukipkip na sumandal sa pader.
"Kaya nga im giving you your freedom Jacob. Gawin mo lahat para kay Ate Snow. Let her feel na you are thankful sa lahat ng ginawa nya for you. Kanina i've been hesitant to break up with you. Kasi gusto kitang ipaglaban. Pero paano kita ipaglalaban Jacob gayong hati ang pagmamahal mo sa aming dalawa. Paano kong ipaglalaban ang taong hindi sigurado at hindi lubos ang pagmamahal sa akin? Kaya im setting you free Jacob. Gusto kong bigyan kayo ng chance ni Ate Snow. After all sya naman pala talaga ang mas may nagawa para sayo. At ako isinuong lamang kita sa kapahamakan ng dahil sa kagagawan ni Terrence Angelo Zamaniego Jr. na yun."
"Pero Rain. Mahalaga lang naman si Snow pero ikaw ang mahal ko."
"Hindi Jacob. Baka nagkakamali ka lang. Tsaka pwede rin namang si Ate nalang ang pagtuunan mo ng pagmamahal. Pareho lang naman ang mukha namin. Pareho din naman ang galaw at pananamit. You'll learn to love her eventually. Just erase me on your mind Jacob."
I started to panick. Hindi yata't nabubuo na ang pasya ni Rain na makipaghiwalay.
"Rain naman eh. Please naman Rain oh. Wag naman ganito. We will work things out. Pwede naman tayong lumayo at bumalik sa isla. And stay away from Snow. Lalayo nalang tayo Rain." I hugged her as i sob.
Pero itinulak nya lang ako.
"No Jacob. Tama na. Masasaktan lang tayo pare pareho. Alam kong mahal ka ni Ate Snow kaya hindi ka mahihirapan na mahalin sya. Kailangan kong lumayo bago pa kita muling masaktan Jacob. After all mawawala din naman ako sayo ng dahil sa sakit ko."
"What do you mean Rain? Ano ang sakit mo? Naghahanap ka lang ba ng reason para i let go ako?"
Umiling iling lang ito habang umiiyak.
"No need to ask Jacob. It'll make things worst. Hayaan mong ayusin kong mag isa ang problema ko. You have your own problem to fix Jacob. Ayusin mo ang sa inyo ni Ate Snow. Wag mo na akong alalahanin. Im letting you go Jacob. Im setting you free." She tried to smile but her tears started to fall.
She walked out of my room crying.
"Rain. No. Please. Dont do this to me please Rain. Rain."

[Snow]
Nagbabasa ako ng libro sa sala ng pumasok si Rain sa bahay.
Halatang umiiyak.
"Wazzup twin?" nakangiti ko syang binati.
Kailangang makuha ko ang loob nya para sundin na nya ako at i let go na nya si Jacob.
Jacob is more important to me than anyone else kaya marapat lang na gawin ko ang lahat para mapasaakin sya.
"Im leaving Ate. Im filing an indefinite leave sa office pati na rin sa showbiz." nangunot ang noo ko.
"Bakit? Saan ka pupunta?"
Ngumiti ako ng palihim.Tsamba. Maiiwan si Jacob. Magkakaroon ako ng time to be with him habang wala si Rain.
"I dont know. Maybe kahit saan basta't malayo sa inyo. Malayo kay Jacob. Malayong malayo kung saan hindi ko na mararanasan ang sakit na nararamdaman ko sa ngayon." umiiyak na turan nito.
Natahimik ako. I can feel her pain.
"What actually happened Rain? Bakit ganyan ka kung makapagsalita?"
Nginitian lamang nya ako. Pero hindi ito umabot sa mata nya.
"I let go of Jacob already ate. Para sayo. Para maging masaya ka na. Diba yun naman ang hiniling mo? Na hayaan ko na si Jacob? Na layuan ko na sya para ikaw nalang ang mahalin nya? I just did ate. I let go of the one i really love. Para sayo. Dahil mas mahal kita Ate."
Akmang tutulo ang luha ko. Pero pinigilan ko ito.
"I was just stating a fact Rain na maaring mawala ka rin kay Jacob. Mahal ko sya Rain gaya ng pagmamahal mo sa kanya. At ayokong makitang masaktan syang muli kapag nawala ka na."
Pinahid nito ang mga luha and hugged me.
"Kaya ipinapaubaya ko na sya sayo Ate. Alagaan mo si Jacob ha? Mag iiwan ako ng recipe ng red carbonara ko. Favorite nya yun. Wag mong hayaang magutom sya Ate lalo na kapag nagpipinta sya. On time sya kung kumain kaya dapat lagi syang may pagkain. Wag mo ding hayaang matuyuan ng pawis ang likod nya at baka magkasakit sya. Sanay yata sa klima sa america pati na din sa aircon kaya laging pawis kapag nasa labas."
She began to sob.
"Aalis na ako mamaya Ate. Please tell mom and dad na may importanteng misyon lang ako. Wag na kamo nila akong hanapin ha?" She kissed my cheek and hugged me tight.
"Please extend my kiss and hug to mom and dad Ate. Ikaw na ang bahala sa kanila mula ngayon. Please forgive dad na Ate ha. Oh nasa iyo na ang attention nilang lahat kaya make the most out of it. Mahalin mo sila para sa akin." nakangiti syang tumalikod sa akin.
"Dont ever try to stop me ate. Wag na wag mo ding sasabihin kay mommy at daddy na aalis ako. My decision is final. Bye Ate. Im going to miss you. I love you Ate." mabilis na nawala si Rain sa paningin ko.
Hindi ko napigilang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Had i been too selfish to Rain?
Akala ko magiging masaya ako kapag nawala na sya. Kasi mapapasaakin na si Jacob. Pero bakit parang nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ng kakambal ko? Nalulungkot din ako. Naiiyak ako.
Mali yatang ginusto kong agawin si Jacob kay Rain.
Mali yatang magsumiksik ako sa gitna nila gayong alam ko namang mahal nila ang isa't isa.
Oh God! I screwd up! I had been bitchy to my twin.
To think dapat ako pa ang poprotekta sa kanya pero ako pa itong nananakit sa kanya.
"Anong nangyari Snow? Bakit umiiyak ka?" tanong ni mommy ng pumasok ito sa sala.
"I've been bitchy mom." i cried to mom.
First time that i hugged mommy and show my emotion. Ang sakit palang maiwan. Siguro mas masakit mang iwan lalo na kung napilitan ka lang.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now