Chapter 34

458 12 1
                                    

[Tadeo]

Nanonood ako ng tv ng pumasok sa bahay si Snow o si Rain.
Langya. Dadalawa pala ang nabuong tweety ng minion ko kay Lara.
Pero heto't nahihilo ako dahil magkamukhang magkamukha ang dalawa. Kahit sa pananamit magkatulad...di ko talaga malaman kung sino sa kanina si Rain at si Snow.
"Young lady bakit ngayon ka lang?" tinitigan lamang ako nito at nagpatuloy sa paglalakad.
"What is it to you?" sagot nito sa akin.
Thats where I had confirmed that this is Snow.
Ewan ko ba kung saan nagmana ang batang ito sa ugali.
Si Hera naman ay sobrang malambing at sobrang bait.
"Watch your word Snow. Im still your dad. Hindi mabuting ugali ang pagsagot sa magulang Snow." Ni hindi manlang humingi ng sorry. Tumitig lang ito sa akin.
"Dad? Dad bang matatawag ang taong ni hindi namin nakasama buong buhay namin? Nasaan ka nung una kaming gumapang..unang nagsalita...unang nadapa at unang tumayo? Diba wala? Wala ka. Dahil busy ka sa pakikipaglandian sa ibang babae mo. Sabi ni tita Jem you were cheating on mommy at tama nga. The day before mommy and your wedding you cancelled it. Dahil nagpasarap ka kasama ng ibang babae. Wala kang kwentang ama!"
umiiyak na pumanhik ito sa itaas.
Akmang susundan ko si Snow ng biglang may pumingot sa tenga ko.
"Aray naman Lara." napaiyak ako hindi sa sakit ng pamimingot ni Lara kundi sa katotohanang sinira ng sarili naming wedding planner ang buhay namin ni Lara.
All this time mali pala ang inakala kong ako ang iniwan ni Lara.
Yung galit at pagtatampo ko sa ginawa nya ay hindi pala dapat.
All those struggles and sacrifices sa paghahanap sa kanya ng mahigit na 20 years ay nanumbalik sa akin.
Those sleepless nights na sana pala ay masaya ko syang kapiling.
Those birthdays na sana magkasama naming nacelebrate.
Those tears na nasayang ng dahil lang pala sa kagagawan ng aming wedding planner na sya ko ring bestfriend.
What was her purpose? Bakit pinili nyang masaktan ako ksa maging masaya?
"Hala. Minion ko. Sorry sorry. Masakit ba? Sorry. Sorry talaga." pag aalo naman ni Lara ng makitang umiiyak na ako.
Lalo naman akong napaiyak ng tinitigan ko sya.
"Im sorry Lara. Im so sorry." niyakap ko na lamang sya. I cant say anything.
Wala akong makakayang sabihin kundi sorry.
Bumangon ang poot sa puso ko pero hindi para kay Lara kundi para kay Jem.
Naghirap kaming pareho ni Lara.
Ako sa pangungulila sa kanya.
Sya naman sa mag isang pagpapalaki ng aming mga anak. Sa anak namin na magkakambal nga pero magkaiba naman ang ugali.
Lalo akong napopoot kay Jem dahil all this years na we had been together... Kahit nakikita nya ang paghihirap ko wala syang sinabi. Itinago nya ang katotohanan sa akin.
Mas pinili nyang mapoot ako at mamuhi sa mahal kong si Lara.

*Flashback*

Excited na ako sa kasal pero mas excited ako sa isusuot ko sa kasal. Ang weird kasi parang hindi kami ikakasal ni Lara. Parang aattend lang ako ng costume party sa soot ko na ito.
"Needing some help? Sit back and relax. Im always here to rescue you because Im superman!" sigaw ko pa habang nakatitig sa salamin.
Lah. Ang weird talaga. Naka superman costume ako sa kasal ko mismo. Langya! Sino pa ba kasi ang nakaisip ng kalokohan na ganito ang motif ng kasal namin kundi si Lara.
Pinaglalaruan yata talaga ako ng babae na ito.
Pero mahal ko na sya kaya anuman ang kahilingan at kagustuhan nya ibibigay ko.
---------------------------------
Kabadong kabado ako ng dumating sa simbahan. Yung mga ninong at ninang ko everytime titigan ko parang pinipigilan ang pagtawa at tumatalikod nalang sa akin.
"Tol!" tawag ni Alex habang papalapit sa akin.
"Congrats Pare! Hanep ang porma natin ah. Parang costume party to at mukhang hindi kasal. Kung di lang ako sure na ikaw ang nasa harapan ko kanina pa ako umatras." tatawa tawa pa ito.
"Wag ka ngang mang asar pare. Si Lara may gawa nito. Ang lakas lagi ng trip nito sa buhay. Mukhang minalas talaga ako simula makapartner kita."
"Ano ka. Wag mo akong sisihin noh? Under ka lang eh."
"Heh! Batukan kita dyan eh"
Tawa lang ang sinagot nito sa akin at tumayo na ito sa tabi ko. Sya kasi ang bestman ko.
After 30 minutes.......
"Wala pa ba ang bride?" Tanong nung pari habang pinipigil ang tawa na nakatitig sa akin.
Kanina pa akong pawis na pawis at init na init sa suot ko pero hanggang ngayon wala pang Lara na sumisipot sa simbahan.
Maya maya ay humahangos na papalapit si Jem sa akin.
Sya yung wedding planner namin.
"Jem si Lara?" Tanong ko ng makalapit na ito.
"Wala Thadz. Hinanap ko na po kung saan saan kaya ako nahuli ng dating dito. Pero wala talaga."
Nanlulumo akong napaupo sa sahig.
"Hoy pare. Doon ka kaya umupo sa may silya. Nakakahiya para kang bata." saway ni Alex sa akin.
Paano ba naman kasi ay para akong biglang nawalan ng lakas.
"Lara ko. Huhuhu. Lara ko." langya. Ang sarap magwala. Iyak ako ng iyak habang pinapahid ng kamay ang aking mga luha.
"Bakit ka ba nang iwan ha? Dahil ba nakakahiya ang suot ko sa kasal natin? Porke ba nakalabas ang brief ko sa pantalon kinahihiya mo na ako? Lara ko. Huhuhu" patuloy lang ako sa pag iyak habang nakalupasay sa sahig.
"Anong nangyari Jem?"
Lumapit na rin sina mom and dad sa kinaroroonan namin.
"Sir si maam Lara po hindi ko po makita. Nag iwan lang po ng note."
Iniabot nito ang isang pirasong papel kay Mommy.
"Grow up my minion. Babalik ako sa tamang panahon." basa ni mommy sa nakasulat sa papel.
Naglulupasay naman ako ng iyak sa sahig.
"Woi Tadeo. Nakakahiya. Parang hindi ka agent ah." saway ni Alexander sa akin.
"Tito Thadz you look like ewan. Ang pangit po. Para kang batang uhugin. Nakalawit po sipon nyo. Ewww" Langyang batang Jacob na to.
"Lara ko. Huhuhuhu. Mommy! Mommy si Lara!" Naglulupasay ako sa sahig habang umiiyak.
I dont get it. Bakit ako iniwan ng Lara ko?
Masaya naman kaming ah. Ang kulit nga naming dalawa. Sinunod ko din naman ang lahat ng gusto nya.
"Larraaaaa!"
Sinong mag aakala na ang masasaya naming pinagsamahan at ala ala ay mauuwi sa wala. Mauuwi sa sad ending.
"Wala talagang forever!" Naisigaw ko na lamang.

(This is an excerpt from That open Zipper)

*End of Flashback*

"I kept this piece of paper all my life Lara." kinuha ko sa wallet ang isang maliit na piraso ng papel at ipinakita kay Lara.
"Oh." napahawak nalang ako sa ulo ko. Binatukan ba naman ako.
"Aray naman Lara. Bakit mo naman ginawa yun ha?" ang sakit na nyan mambatok.
"Gago! Tanga! Hindi ko handwriting yan. Kay Jem siguro yan. Akala ko ba bestfriend mo yun? Ba't di mo kabisado ang handwriting nya? Kung nginawa ngawa mo doon eh pinuntahan mo agad ako sa bahay eh di nakita mo ko. Sandamukal ka naman kasing batang isip Tadeo. Imbis na hanapin mo agad ako umiyak ka pa sa saya ng nanay mo." napakamot na lamang ako ng batok.
"Eh kasi naman paniwalang paniwala kaming lahat kay Jem. Di ko na natingnan ang pinagkaiba ng handwriting mo dyan. Akala ko talaga sayo yan. Diba nga bestfriend ko sya? Kaya nga sya yung kinuha nating wedding planner kasi nga close kami. Yun pala sya pa ang sisira sa pangarap kong maikasal sayo." Piningot na naman ako nito.
"Para kang hindi agent kung mag isip Tadeo. Sabagay siguro nga nabiktima lang tayo ng tadhana at ni Jem. Pero tanga ka isip bata na damuho ka." Kinurot naman ako nito msa tagiliran.
"Tss. Tama na nga Lara. Ang hilig mo ng manakit ngayon ah. Gumaganti ka yata ah. Inipon mo ba ang sapak na yan ng mahigit 20 taon? Baka bago ka makontento lamog na ang buo kong katawan." lumayo ako ng konti sa kanya at baka saan na naman tumama ang kamay nito.
"Oh eh di sorry." sabi nito at naghands up pa.
"Tss. Kung di lang kita mahal eh."
"Anong gagawin mo? Gaganti ka? Ako kaya makaganti sayo? Gusto mo? Halika sa kwarto." piningot na naman ako nito.
"Aray ko naman Lara. Masakit na ha? Ano naman ang gagawin natin sa kwarto ha?" Napangisi naman ito. Napalunok tuloy ako ng laway.
"Minion ko?"
"Yes Tweety ko?"
"Diligan mo naman si Tweety oh. Tigang na tigang na ako Tadeo. Langya ka ang tagal kong natigang. Tigang ako Tadeo tigang!"
Lah. Halos kaladkarin na ako nito papasok ng kwarto.
"Hay. Lara talaga. Imbis na seryosong bagay ang ayusin natin uunahin mo pa to?"
Sinamaan ako nito ng tingin.
"Nagrereklamo ka na? Gusto mong putulin ko yang kaligayahan mo? Hubad!"
Napailing iling na lamang ako.
"Ito na nga tweety ko. Maghuhubad na."
Patay ang minion ko nito.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now